30

69 6 0
                                    

Inasikaso ko si Geli. Patutulugin ko siya dahil tanghali na. Kailangan niya iyon para naman lumaki siya agad. Gano’n ang sabi ng matatanda.

“Gala tayo?” aya ni Frim. “Boring kung dito lang tayo sa apartment. Igala natin si Geli,” dagdag niya pa.

Alas tres na nang magising si Geli. Saktong tulog lang para sa kaniya ang tatlong oras. Pinagmeryenda ko na siya at pinainom ulit ng gatas.

“Saan naman gagala?” tanong ko kay Frim na abala sa phone niya ngayon.

“Kahit saan. Saan ba ninyo gusto?” balik tanong niya.

Kaya naman sa huli ay nagpasya na lang kaming sa mall magpunta. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa. Simpleng printed white shirt and ripped jeans lang ang sinuot ko. Tama lang din sa porma ni Frim na naka-shorts lang nga at polo shirt na blue. Mall lang naman ang pupuntahan kaya ayos na ang ganitong porma.

“Toys!” masiglang sabi ni Geli.

May nadaanan kaming bilihan ng toys. Pumasok naman kami ro’n, si Frim ang nag-aya. Hinayaan namin si Geli na mamili ng toys na gusto niya at si Frim na raw ang bahalang magbayad no’n.

Hinayaan ko silang dalawa na magtingin-tingin ng mga laruan. Pinanonood ko lang sila mula rito sa pwesto ko.

“Excuse me, Miss.”

Agad akong napatingin sa gilid ko nang marinig ko iyon. Akala ko nga ay saleslady na may kukunin sa pwesto ko.

“Yes?” takang tanong ko.

Tumingin pa siya sa gawi nila Frim. Pati tuloy ako ay napatingin doon. Abala pa rin ang dalawa sa pagpili ng laruan.

“Tell to that fucking cheater, I am breaking up with him,” she said.

Agad akong napabaling sa kaniya. Galit siyang nakatingin kay Frim. Wait...girlfriend ba ’to ni Frim?

“Wait. What’s your name?” tanong ko.

Bumaling siya sa akin, nanatiling galit ang ekspresyon. Mataray ang itsura niya, mas tumaray pa dahil galit siya ngayon.

“Vionne,” she answered.

Vionne. Sounds expensive. Bagay sa kaniya ang pangalan niya. Sa aura pa lang niyang mataray ay bagay na ang pangalan niyang iyon sa kaniya. Ang sosyal.

Agad din siyang umalis matapos no’n. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa lumiko na siya at hindi ko na alam kung saan pa pumunta.

“Tapos na kami,” si Frim.

Bitbit niya ang isang hindi kalahikan na paper bag. Tuwang-tuwa naman si Geli na binanggit sa akin ang binili nilang laruan.

“Frim, anong pangalan ng girlfriend mo?” tanong ko.

Palabas na kami. Buhat niya si Geli kaya kinuha ko ang paper bag na dala niya para hindi siya masyadong mahirapan.

“Flaire,” sagot niya naman.

Eh? Vionne ang sabi nung babaeng nakausap ko. Cheater nga ba talaga itong kaibigan ko? Bakit ang sabi ni Vionne ay hiwalay na sila ni Frim?

“Real name niyan?” muling tanong ko para makasiguro.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ang susunod naming pupuntahan. Si Frim ang sinusundan ko, pero mukhang sinusundan niya lang din kung saan ako pupunta kaya naman nang makakita ako ng bench ay naupo na lang muna kami ro’n.

“Flaire Ambrocio,” sagot niya na sa tanong ko.

Mas lalo lang akong naguluhan. Magkaibang tao pa ba si Flaire at Vionne?

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon