16

77 9 1
                                    

Hindi ako nakapasok kinabukasan. Nagtext ako kay Alpha na may importante akong aasikasuhin. Bahala na kung matanggal ako sa trabaho.

Alpha:

What is it?

Napairap na lang ako nang matanggap ang reply niya. Kasalukuyan akong nagbibihis. Pupunta ako sa Ospital kung saan naka-confine si Tito. I know this is hard for me. Kailangan kong harapin. Para matapos na. Para tuluyan ko nang maalis sa buhay ko ang mga taong iyon.

Ako:

May pupuntahan akong importante. Mag-order ka na lang ng pagkain mo. Kung tatanggalin mo ako sa trabaho ay ayos lang din naman sa akin.

Hindi ayos sa akin. Mahirap maghanap ng work. Pero kung aalisin nga ako, wala na akong magagawa ro’n.

Sa Ospital lang naman ang punta ko kaya hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng sobra. Black printed shirt and maong pants ang suot ko. Si Seven ang kasama kong pupunta sa Ospital dahil may lakad si Aubrey.

“Alis na ako, Manang!” paalam ko.

Nasa labas na si Seven, kararating niya lang. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Buong biyahe ay kabado ako. Nagsisimula na ring manginig ang kamay ko sa takot. Pero alam kong hindi ako pababayaan ni Seven.

Nang makapasok kami sa Ospital, hawak niya ang kamay ko. Pinagpapawisan ako kahit na may aircon naman dito. Sobra sobra ang kaba ko.

“Room twenty nine po, Ma’am, Sir. Second floor po then liliko po kayo sa kanan, makikita na po ninyo ang number sa bawat itaas ng pinto,” paliwanag sa amin ng babae.

“Okay, thank you!” sabi naman ni Seven.

Bumaling siya sa akin at inaya na ako. Bawat hakbang ko ay sobrang bigat. Parang hindi ko kayang pumunta. Hindi ko kayang makita ang hayop na ’yon.

Nasa hagdan pa lang kami pero tumigil na ako. Agad bumuhos ang luha ko. Nanginginig ako sa takot. Niyakap ako ni Seven at bahagya kaming gumilid para hindi maka-storbo sa ibang dumadaan.

“Hey, what’s the problem?” masuyong tanong niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita agad dahil sa pag-iyak ko. Nakayakap lang si Seven sa akin at tinatago ako sa mga dumadaan. Ayaw ko na rito. Hindi ko kayang makita ang lalaking ’yon.

“Ayaw...a-ayaw ko siyang m-makita...”

Hirap na hirap man, nagawa ko pa ring sabihin iyon. Inalalayan ako ni Seven pababa sa hagdan. Nakayuko ako habang naglalakad kami paalis.

Dinala niya ako sa isang cafè. Nakatulala lang ako at bahagya pa ring nanginginig ang mga kamay ko. Pero hindi tulad kanina na sobra ang takot ko, ngayon ay medyo kalmado na ako.

“Frappe for you,” ani Seven at nilapag iyon sa harapan ko.

Dito kami sa labas ng cafè pumwesto para mahangin at maganda ang ambiance. Mas kakalma raw ako kapag dito kami pumwesto.

“Thank you, Sev. Sorry din kanina, bigla akong nagbreakdown,” nakangusong sabi ko naman.

Nakaupo siya sa harapan ko. Hindi malayo dahil maliit lang naman ang table. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Ngumiti siya sa akin habang nakatitig.

“It’s okay. Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo ro’n. Kung hindi mo pa kayang makita ang tito mo, huwag mo munang pilitin,” aniya.

Iniwas ko ang tingin ko at tinuon ko iyon sa frappe ko. Uminom muna ako bago nagsalita ulit.

“Nanghihingi sila ng tulong sa akin dahil may sakit si Tito. Nagkasagutan din kami ni Tita kahapon, we saw each other accidentally in Chef’s house,” pagkwento ko.

Losing to your Touch (Touch Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon