Chapter Two

1.8K 30 2
                                    


 MALAYO ANG TINGIN ko habang nakasakay sa kotse na sumundo sa akin. Iniisip ko ang mga sinabi ni Sandro sa akin noong huling magkita kami sa simbahan. Hindi ko alam kung ano bang gusto niyang mangyari pero hindi ako papayag na muli niya kong pagsalitaan ng gano'n. Gusto ko na din siyang layuan pero pa'no ko 'yon gagawin kung parati kaming nagkikita? Ayaw ko sana mag-assume pero hindi naman niya ko sinusundan 'di ba?

"Nandito na tayo, senyorita." Saad ng driver na kinatingin ko sa labas ng bintana. Napalunok ako nang makita muli ang mansyon na kinalakihan ko; ang lugar kung saan para akong bilanggo at ang bahay namin ay ang kulungan ko.

Hindi ko mapigilan na sumariwa sa alaala ko ang nakaraan na pilit kong kinakalimutan. Kung pwede lang na hindi ako pumunta dito ay gagawin ko pero kung hindi ako susunod ay baka muli na naman galawin ng kapatid ko ang simbahan na pinakamamahal ko.

Nang makababa ay agad sumalubong sa'kin ang panganay kong kapatid. Hawak nito ang kopita ng alak at malamig ang mga tingin nito sa'kin. Ang asul niyang mga mata ay tila mas nagpalamig sa mga titig niyang nanguuyam sa'kin. "Welcome back, Adina." Walang emosyon ang boses na bati niya.

"Hindi ako magtatagal," madiin kong sagot. "I just want to greet kuya Abraham a happy birthday."

"Come in," sagot niya na hindi pinansin ang huling sinabi ko. "The food is already prepared."

"Hindi ako kakain."

"Adina." He said in a very cold voice. Nilingon ako nito at napaatras ako dahil sa talim ng tingin niya sa'kin. Tila nawala lahat ng tapang na inipon ko kanina nang makita ang ganoong titig sa'kin ng kapatid ko. Napayuko ako at walang nagawa kung 'di ang sumunod sa kanya.

Pagdating sa hapag kainan ay nakita ko ang iba pang kapatid ko. Agad nila akong sinalubong ng yakap at kahit papaano ay naibsan ang takot na naramdaman ko kanina. Masaya sana akong nakatira dito ngayon kung hindi lang dahil sa panganay kong kapatid.

"You looked mature and beautiful, Adina." Kuya Moises said and tapped my head gently. "You're still demure as always."

"Nagbago ako mula nang pumasok ako sa seminaryo. Mas binago ako ng pananampalataya ko sa Diyos, kuya."

"You have nothing to gain in that petty church, Adina. Why don't you just come back and serve the corporation we have?" singit ng panganay kong kapatid na kinalingon ko sa kanya.

"Kuya, sinabi ko na sa'yo noon pa na wala akong pakialam sa negosyo ng pamilya natin. Mom told me to reach the dream that I want and serving God is my only dream. Hindi kasama sa pangarap ko ang pagserbisyuhan ka at ang kompanya mo."

"Bitch," sagot niya at ngumisi sa'kin. "Kaya mo na akong labanan ngayon, Adina? Iyan ba ang tinuturo ng Diyos mo sa'yo? Ang kalabanin ang kapatid mo na nagpalaki sa'yo?"

"You never acted as my big brother anyway that's why I have all the rights to talk back to you." Matapang kong sagot. Nakita ko ang galit na gumuhit sa mga mata niya kaya bahagya akong natahimik.

"Kung hindi naman dahil sa walang kwenta at patapon mong kapatid ay hindi ka makakaalis sa pamamahay ko."

"Kuya Cain did the right thing to take me away from this prison."

"Tama na 'yan," sabat ni kuya Abraham at hinawakan ang balikat ko. Hinarap nito ang panganay naming kapatid. "Minsan na lang nandito si Adina tapos papagalitan mo pa? Could you at least forget the past just for this day, Magnus?"

"I never forget." Usal nito at iniwan kami sa hapag kainan. Natahimik naman kami bago 'yon basagin ni kuya Jesux.

"Let's eat! Birthday ngayon ni Abraham kaya naman dapat masaya tayo," aniya at pumalakpak. "Ipasok na lahat ng pagkain. Adina, come and sit beside me."

PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon