Chapter Eighteen

1.3K 13 1
                                    


 MARAHAS akong binitawan ni Sandro nang makapasok kami sa hotel room na binook niya kaninang umaga. Nakagat ko ang labi ko nang makita ko 'tong tanggalin ang suot niyang coat habang malamig ang mga tingin sa'kin. His eyes were filled with fury and...jealousy?

"Come here," anas niya at hinila ako palapit sa couch. He sat there and bent me over his lap. "Do you know why I'm angry, Adina?"

I nodded. Inangat niya ang laylayan ng dress ko at binaba niya ang suot kong thongs. "Yes, Sandro pero—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko.

"I think you're forgetting everything in the contract, Adina." He said in a deep, dangerous voice before he spanked my butt cheek. I gasped when I felt the sting. "Why do you think I'm punishing you?"

"It's because I danced with other man."

"And you think it will please me?"

"No."

"No, what?"

"No, sir." I answered politely. Sandro gave me a hard spank again and I squeaked with the pain I felt. Muli niya itong inulit nang maka-ilang beses at nang itigil niya 'yun ay inangat niya ang thongs ko tsaka niya binaba ang dress ko. He then pulled me to sit beside him before he kissed my lips harshly.

"You're really stubborn, Adina. I don't know what I'm going to do with that attitude," he said and sighed. "I'll go back to the event. Stay here and rest," bulong niya at dinampian ako ng halik sa labi. Tumango naman ako kaya tumayo na siya. He gave me a pat in the head before leaving the hotel room.

Nang makaalis ito ay tumayo naman ako sa kinauupuan ko. Ramdam ko pa din at sakit sa pang-upo ko dahil sa pagpalo ni Sandro sa'kin. Pumasok ako sa kwarto at binuklat ang mga bag na binitbit ko kaninang umaga tsaka nagpalit ng pajama at t-shirt. Nag-hilamos din ako para maalis ang makeup sa mukha ko at inalis ko din ang pagkakaayos ng buhok ko.

Pagkahiga ay bigla kong naramdaman ang pagod. The day went very well yet stressful and tiring. Idagdag pa ang pagiging control freak ni Sandro sa'kin. It's not that I hate it, all right? Sanay naman na ko dahil mula pa noon ay wala naman akong ginawa kung 'di ang sundin si kuya Magnus.

I sighed and stared at the marble ceiling. Ang bilis ng mga pangyayari nitong mga nakaraang buwan. Mula nang makilala ko Sandro ay nagbago na ang ikot ng buhay ko. Kung noon ay puro simbahan ang nasa isip ko, ngayon ay kung paano na ba ang mga susunod kong gagawin para matuwa si Sandro sa'kin. He changed my life and he's still changing it. I don't want to lie but I'm already waiting for the next things to happen in my life.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nang gabing 'yun. Nagising na lang ako nang marinig ang boses ni Sandro na tila iritado sa kung sinong kausap niya. Tumayo ako sa kama at nakita ko sa upuan ng vanity table ang mga damit na sinuot ni Sandro kagabi doon. Sa lapag ay nagkalat ang mga medyas at sapatos niya. Anong oras na kaya siya nakabalik kagabi?

"I don't care about anything she says!" sigaw ni Sandro na kinalingon ko. Nagmumula sa labas ng kwarto ang boses kaya naman lumapit ako doon at sinilip siya mula sa siwang ng pintuan. "Attorney, it's already done. We have nothing to take from each other. If she wants to talk to me, tell her to come and face me." Saad nito habang kumukumpas ang kamao sa ere. "I won't do whatever she wants, attorney. Tell Chastity to see me if she really wants an end to our—"

Napatingin si Sandro sa'kin nang mapansin niya ako. Agad itong nagpaalam sa kausap niya at nilapitan ako. "G-good morning."

"Kanina ka pa ba diyan?" kunot ang noo niyang tanong.

Umiling naman ako. "Kakagising ko lang. May problema ba? Naririnig kasi kitang sumisigaw kaya nagising ako."

"It's nothing," halos pabulong niyang saad. "Breakfast?"

PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon