ISANG linggo na ang nakalipas mula nang umalis ako sa penthouse ni Sandro pero hanggang ngayon ay hindi pa din kami nagkikita. Naiintindihan ko na baka nga galit siya sa'kin pero hanggang ngayon ba ay hindi pa rin niya ako mapatawad? Masama ang loob ko, oo, pero wala akong karapatan na mag-demand sa kanya ng explanation lalo na't wala kaming relasyon bukod sa pagiging submissive at dominant.
Gustuhin ko man na puntahan siya sa penthouse lalo na't tambak na ang mga papeles na pipirmahan niya ay hindi ko magawa dahil parang may pumipigil sa'kin na puntahan siya. Kaya naman nagpaka-busy na lang ako sa trabaho at kahit stressed na ko dahil sa dami ng calls niya tungkol sa mga meeting at appointments na cancelled ay pilit ko pa rin pinapakalma ang sarili ko. Tinutulungan din naman ako ng ibang empleyado ng kompanya at masaya na ko doon.
Isang katok naman sa pinto ang nakapagpabalik sa'kin at nang bumukas 'yun at napatayo ako nang makita ang pinsan ni Sandro na si sir Zephyr.
"Sir." Ngumiti ako.
"Please, just Zephyr," aniya at nilapitan ako bago tumingin sa lamesa ni Sandro. "Isang linggo na ah. Wala bang balak pumasok si Sandro?"
"Wala akong balita sa kanya," sagot ko at pilit na ngumiti.
"I tried calling him last night but his phone just kept on ringing. Hindi niya sinasagot. I think pupuntahan ko na lang siya sa penthouse niya."
"Ahm, baka maabala ka. Ako na lang ang pupunta dahil may mga papeles akong dadalhin sa kanya para pirmahan," napa-buntong hininga ako. "Sobrang dami na kasing files na kailangan niyang i-review at kahit sinesend namin sa e-mail niya ang mga 'yun ay wala kaming reply na nakukuha. So, I think personal ko na lang talaga siyang puntahan."
"Nag-away ba kayo?" tanong niya kaya nagtakha ako. "I mean, 'di ba't girlfriend ka ni Sandro?"
"Ha?" nanlalaking matang tanong ko bago sunod-sunod na umiling. "W-wala kaming relasyon."
"Really? But Jupiter told us that you and Sandro is you know, in a relationship," aniya pa kaya napa-face palm ako at muling umiling. "Ang gagong 'yun talaga!"
"Mag-kaibigan lang kami ni Sandro," sagot ko sa kanya.
"Okay. But you looked good together, by the way." Natatawang aniya kaya naramdaman kong naginit ang pisngi ko. "Sige Adina, babalik na ako sa trabaho ko ah? Tell Sandro that we need to talk A.S.A.P. and my son's birthday is coming, punta kayo ah?"
"S-sige." Ngumiti ako. Nagpaalam din naman siya kaya muli akong bumalik sa trabaho.
Nang matapos ang trabaho ko ay dumiretso ako sa penthouse ni Sandro. Medyo nahirapan pa akong bumyahe dahil sa dami ng files na bitbit ko pero sa awa naman ng Diyos ay nakarating ako nang matiwasay. Binati ko ang mga guards at ang receptionist tsaka ako sumakay sa elevator at nagpahatid sa thirtieth floor.
Bigla naman akong kinabahan sa hindi malaman na dahilan. Dahil ba ito sa muli namin pagkikita ni Sandro? I felt excited and the thought of seeing him makes me enthralled. Naramdaman ko ang tila kiliti sa pagkababae ko nang ma-imagine na nakikipagtalik ako kay Sandro dahilan para makagat ko ang labi ko. Ano ba 'to? Sa sobrang pagkamiss ko kay Sandro ay nakakaisip na ko ng kahalayan.
Nagitla ako nang tumunog ang ring ng elevator, senyales na nasa thirtieth floor na ko. Agad akong dumiretso sa salas para ilapag lahat ng files na bitbit ko at huminga muna ako nang malalim bago ko nilibot ang paningin ko sa tahimik na kabahayan.
"Sandro?" tawag ko at pumunta ng kusina pero wala siya doon. Wala din siya sa indoor gym niya pati na din sa balcony. Umakyat naman ako se second floor at madilim doon pero may nakita akong ilaw na nanggagaling sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...