Chapter Forty Four

1.2K 20 3
                                        


I CAN'T stop smiling as I enter my office in CrossCom. Sobrang ganda ng mood ko mula nang ayain ako ni Sandro na magpakasal. Hindi ko din mapigilan ang sarili ko na titigan ang singsing na binigay niya sa'kin. Sandro told me that it was an heirloom from his grandfather and he passed it on him. Kaya naman sobrang iniingatan ko ang singsing na binigay ni Sandro sa'kin dahil alam ko na importante ito sa pamilya nila.

Isa pa din sa nagpapasaya sa'kin ngayong araw ay dahil kaarawan ni Sandro. Kagabi ko pa pinlano ang surpresa na gagawin ko mamaya sa opisina niya. Humingi ako ng tulong kanila ate Sera at Riley dahil alam ko na sila lang ang makakatulong sa'kin. Kailangan ko na lang magpaalam kay Mr. Cross na maga-under time ako ngayong araw.

"Mukhang masaya ka Adina," puna ni Mrs. Aragon sa'kin. "Ngayon lang kita nakita na hindi mawala ang ngiti sa labi. Mas maganda ka kapag palaging naka-ngiti."

"Maraming salamat po," masayang sagot ko. "Ano po pala ang gagawin ngayon ni Mr. Cross?"

"Hmm, sa ngayon wala siyang ibang schedule dahil pina-cancel niya ang lahat ng meeting at appointment niya sa'kin kagabi."

Kumunot naman ang nook ko. "Bakit po hindi niya ako tinawagan?"

"Hindi ko din alam, hija. O siya, ipasok mo na 'tong mga papeles sa opisina ni Seamus. Malapit nang mag-alas siyete at paniguradong parating na 'yun," aniya at nilapag sa harap ko ang piles ng folder.

Tumango naman ako at kinuha ang mga folders na binibigay niya saka ako pumasok sa loob ng opisina ni Mr. Cross at nilapag sa ibabaw ng mesa niya ang mga folder. Sunod kong ginawa ay ang pag-timpla ng kape niya at naghiwa din ako ng mocha cake sa platito para sa breakfast niya.

Saktong paglapag ko ng mga 'yun sa mesa ni Seamus ay siyang dating niya. I smiled at him and I noticed that he looked pissed and restless. Hinubad nito ang coat na suot niya at nagtakha ako nang dumiretso siya sa harap ng glass wall bago nagsindi ng sigarilyo.

"Mr. Cross, heto na po ang mga files na kinakailangan mong i-review sa araw na 'to," saad ko na kinatingin niya sa'kin. He then walked towards his swivel chair as the stick of cigarette was between his lips. "And smoking is prohibited in your office, sir. Baka mag-alarm ang smoke—"

"Whatever." Putol niya sa sinasabi ko.

"Anyways, gusto ko po pala magpaalam na maga-under time ako ngayong araw." Saad ko at doon niya muling binalik ang tingin sa'kin. "May importanteng gathering kasi ako na pupuntahan kaya—"

"I'm declining it."

"Sir?"

"Hindi ka maga-under time."

"Pero—"

"I said no!" he shouted and threw the cigarette in the floor. Napatingin ako doon bago muling binalik ang tingin sa kanya. His face was red with anger and his cold eyes sent shivers in my spine.

"Pero sir, wala ka namang importanteng meeting or appointment ngayong araw 'di ba? Mrs. Aragon told me that you only need to review these files today."

"Why do you always keep on talking back to your boss, Adina?" usal niya at halata ang pagka-irita sa boses niya. "I don't care if I have no fucking meetings today. If I told you that you ain't going anywhere, you'll follow me. I'm your boss. You should fucking obey."

Ilang saglit naman akong natahimik bago pilit na ngumiti. "I understand. I'm sorry for my behavior. Excuse me." Agad akong lumabas ng opisina niya matapos sabihin 'yun. I can feel my eyes getting teary and I know I'm about to cry. Dire-diretso akong lumakad hanggang sa makarating ako sa rest room at doon na tumulo ang mga luha ko.

PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon