NAGISING ako sa liwanag na tumatama sa mata ko. Nakita kong hindi nakasara ang kurtina ng bintana kaya tuluyan na kong nagising at akmang uupo nang maramdaman na kumirot ang pagkakabae ko. Tsaka ko lang naalala na binigay ko pala ang sarili ko kay Sandro kahapon ng buong puso at walang pagtanggi.
Nilingon ko ang lalaking katabi ko na padapang natutulog. Gusto kong magsisi pero hindi ko mahanap sa akin ang pakiramdam na 'yun. Gusto kong umiyak pero bakit parang ang gaan ng katawan ko dahil sa ginawa namin? Pinilit ko ang sarili ko na tumayo sa kama kahit na kumikirot ang pagkababae ko. Dumiretso ako sa banyo at nilinis ang sarili ko. I could still smell the scent of sex and Sandro's perfume lingering in my skin.
Pagtapos ay nagbihis ako ng bestida at hindi na nagpaalam pa kay Sandro. I left the condo and walked outside the building. Naalala ko na may nadaanan kaming simbahan bago makauwi dito kaya naman lumakad ako papunta doon dahil malapit lang naman. Pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa loob ng simbahan ay tila doon lumukob sa'kin ang pagsisisi at konsensya na hindi ko maramdaman kanina. Dire-diretso akong pumasok sa kumpisalan at hindi ko napigilan ang hagulgol na kumawala sa akin.
"Repent your sins and you'll be forgiven," saad ng pari kaya pilit kong pinigilan ang mga paghikbi ko.
"I-isa akong madre at nakipagtalik ako sa isang lalaki." Pagamin ko at muling bumuhos ang luha ko. "Pero bakit wala akong maramdamang pagsisisi noong mga oras na ginagawa namin 'yun? Bakit ngayon na nasa simbahan ako ay bigla akong kinain ng konsensya?"
"Ang pakikipagtalik ay binigay ng Diyos sa mga mag-asawa para makabuo ng panibagong buhay. We always have that desire inside our body that makes us want to do it. Kaya nang maramdaman mo ang init ng tukso na 'yun ay nahirapan kang makawala."
"P-paano na ako ngayon? Pa'no ko pa maihaharap ang sarili ko sa Panginoon kung hindi na ko malinis sa harap niya?"
"You can always repent your sins and claim yourself again to the Lord. Tao lang tayo at nagkakasala din pero hindi pa naman huli ang lahat para muling bumalik sa pananampalataya sa Diyos," tugon niya na kinatahimik ko.
Matapos kong magkumpisal ay maka-ilang beses akong nagdasal sa harap ng altar. Halos isang oras din akong nasa loob ng simbahan para umiyak at manalangin sa Panginoon. Nang mahimasmasan ako ay lumabas na din naman ako ng simbahan at nagsimulang maglakad-lakad sa paligid. Madami palang mga tindahan at tiangge na nakatayo sa gilid ng simbahan. May mga tindahan din ng bulaklak at naisip kong pumunta doon para bumili. Gusto ko din dalawin ang puntod ng magulang ko ngayon.
Habang palinga-linga sa paligid para humanap ng paboritong Hyacinth flowers ni mommy ay natigilan ako nang makita ang isang pamilyar na mukha na bumibili ng mga rosas. Agad nangilid ang luha ko at lakad takbong lumapit papunta sa kanya.
"Kuya!" malakas kong sigaw at halos lahat ng tao ay napatingin sa'kin kasama na doon ang kapatid ko. "K-kuya! Kuya Cain!"
"Adina?" bulalas niya nang malapitan ko. Naiiyak na yumakap ako sa kanya nang mahigpit at doon na ko tuluyang napaiyak. "God, I missed you!"
"Miss na miss na din kita kuya!" hagulgol ko at mas humigpit ang yakap sa kanya. Mabilis ko naman pinunasan ang luha ko bago ko siya hinarap. "Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit hindi mo ko tinawagan? Limang taon kang hindi nagparamdam!"
Natatawang tinaas naman niya ang dalawang kamay kaya napahalukipkip ako. "Relax! Kakauwi ko lang galing Italy," aniya kaya napatitig ako sa kanya. "I'm working there, all right? And I'm not allowed to use any communication kaya naman hindi kita natawagan."
"Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka doon?"
"Dahil hindi puwede," ngumiti siya at hinawakan ang balikat ko. Ilang saglit niya kong tinitigan bago kumunot ang noo niya. "You've been crying. What happened? Binalik ka na naman ba ni Magnus sa mansyon?"
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...