SANDRO and I decided to have a picnic in the pool area that night and we ordered pizza for our dinner. Tulad nga ng sinabi niya ay mas maganda ang paligid sa gabi. There were fairy lights all over the place and the cold breeze in the night was giving me the relaxing feeling. Sandro was quiet the whole time. Hindi naman din ako makapagsalita dahil ayaw kong basagin ang nakakarelax na katahimikan.
"Will you stay permanently in this country?" he suddenly asked making me look at him. "I mean, okay na tayo 'di ba? Balak mo pa bang bumalik sa Italy?"
Nagkibit ako ng balikat. "I actually don't know, Sandro. Masaya ako sa Italy. Masaya ako sa trabaho ko doon."
"Hindi naman kita pipigilan bumalik kung gusto mo eh," aniya na hindi ko kina-imik. "You love your life there and I have nothing against that, Adina. You have your own decision and if staying overseas will make you happy then I will not stop you. Puwede naman kitang dalawin doon anytime."
"But we're trying to fix our relationship with each other, right? I want to know you better, Sandro. Pa'no ko gagawin 'yun kung magkalayo tayo?"
"I can stay there if you want." He answered making me blush. "Kung anong gusto mo, 'yun ang susundin ko Adina."
Ngumiti naman ako dahil sa sinabi niya. Yep, Sandro changed a lot and I'm happy for him. Malayong-malayo na ang ugali niya ngayon kaysa noon. Hindi na siya selfish. Hindi na siya madamot. I like the new him but partly, I still want to hear his possessiveness towards me.
"Thank you." I said and leaned my head to his shoulder.
"If you're going back there, can we go on a vacation first?"
"Saan naman?" tanong ko at tinignan siya.
"Adventure?" ngumiti siya. Hindi naman ako agad nakaimik habang nakatitig sa masayang mukha niya. "What?"
"Bakit ang bait mo masyado?" nagtatakhang tanong ko at ngumuso. "I like this attitude but I like my dominant Sandro more."
Natawa naman siya. "I told you that I already changed, Adina. Ayaw ko nang bumalik sa dating ugali ko."
"Bakit naman?"
Saglit siyang hindi naka-imik bago bumuntong hininga. "Well, the old Sandro is a fucking asshole and you know that. I hate my old self, Adina. I hate how I used my wealth and power to manipulate people's lives. I hate how I hurt people, especially the women I used to punish because of my anger. Mula nang iniwan mo ko ay gusto kong kalimutan lahat lahat. Gusto kong mag-simula muli. Kaya nang maghiwalay kami ni Chastity ay inayos ko ang buhay ko. I prayed to God and asked Him to guide me. Humingi ako ng tawad at tulad ng sinabi ni Father ay makakapagumpisa akong muli kung matututo akong magpatawad. I forgave the people and I learned to forgive myself too."
"Sandro..."
He smiled and faced me. "That's why I'm glad that I met you, Adina. You changed my life. Sa lahat ng pagkakamaling ginawa ko noon, 'yung pagkakakilala lang natin ang hindi ko pinagsisihan."
Natawa naman ako. "But I started to hate you that day, Sandro. 'Yung kalokohan na ginawa mo noon ang pinakakinaiinisan ko at tuwing naaalala ko 'yun ngayon ay naiinis pa din ako."
"Sorry," mahina itong natawa. Naramdaman ko naman ang kamay niya na humaplos sa bewang ko bago niya ko hinapit palapit sa kanya.
"You know what? Mula nang umuwi tayo noon sa La Union ang dami kong gustong i-kuwento sa'yo. Madami akong nalaman tungkol sa pagkatao ko at sobrang lungkot ko ng mga araw na 'yun. When you start avoiding me, I tried to be strong to let you know that I'm still here, waiting. Pero hindi ko na din kinaya. Naisip ko na kahit anong pilit ng isang tao na maging malakas ay bibigay din siya isang araw."
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
Aktuelle LiteraturMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...
