Chapter Forty Three

1.3K 15 0
                                        


I COULDN'T stop thinking about the words Seamus told me earlier. Gusto kong malaman kung ano ang alam niya pero ayaw kong patusin ang kapalit na hinihingi niya. Sinabi niya sa'kin kanina na kung sakali man na hindi ako nag-apply bilang secretary niya ay hahanap siya ng paraan para magkakilala kami. I want to know why he's doing this. I can't help but to think that Seamus is connected to Magnus because what my brother said bothers me. May ugnayan nga ba silang dalawa? Anong mangyayari kapag sumama ako sa kanya?

I sighed and leaned in my seat. Umuwi muna ako sa penthouse para magpahinga at mag-isip at habang inaantay ko si Sandro na dumating dito ay gumugulo sa isipan ko ang paguusap namin ni Seamus kanina. I want to ask my brother but he's not around.

Narinig kong bumukas ang elevator at sa pagaakalang si Sandro na 'yun ay hindi ako kumilos sa kinauupuan ko. But to my surprise, it was Regan and as usually, there was no emotion in his face at all. Nginitian ko naman siya nang makalapit ito sa'kin habang lumilingon-lingon.

"Nasaan ang kapatid mo?"

"I don't know." I shrugged. "Paguwi ko ay wala nang tao dito."

"That motherfucker." He annoyingly said and sat across me. Mukhang pagod na pagod ito dahil agad siyang pumikit nang sumandal siya sa backrest ng sofa.

"Are you okay, Regan? Mukhang pagod ka. Saka nakabalik ka na agad galing Italy?"

He nodded. "Yeah. I just had sex and orgasmed twice."

I grimaced. "Too much information."

"I could do three or four, though."

"Tama na." Napa-iling naman ako bago siya muling tinitigan. Then an idea popped in my head as I stare at him. I cleared my throat. "Sabi mo 'di ba, alam mo ang lahat?" tanong ko na kinatingin niya sa'kin. "Do you mind if I ask you something?"

"What?"

"Do you know someone named Seamus Cross?" I asked and stared at his green eyes. "He told me that he knows something about me and it really bothers me. Sabi ni kuya Cain ay baka may isa pa daw Elinzano at ayaw ko namang isipin na siya 'yun dahil lang sa meron siyang asul na mata."

"And?"

"And he told me that he will tell me everything I want to know if I come with him." I said and Regan stayed silent. Tinitigan ko naman siya at parang may iniisip ito dahil kumunot ang noo niya.

"Seamus Cross, huh?" he whispered and grinned at me. "I don't know that bastard, Adina."

"Are you sure?" sagot ko dahil iba ang sinasabi ng ngisi niya sa'kin.

Nagkibit naman siya ng balikat. "Yeah."

"Please, Regan. Kung may alam ka sabihin mo naman sa'kin. Patunayan mo naman sa'kin 'yung mga sinasabi mo noon na may alam ka. I need your help. Please?" naluluhang sagot ko pero nanatili siyang nakatitig sa'kin. "Gulong-gulo na ko Regan. Para akong mang-mang na walang alam sa mundo kung 'di ang pangalan ko. My whole existence is my problem that's why if you know something, please, sabihin mo na sa'kin."

Ngumisi naman siya. "You know what? This is not my problem. Your issues in your life ain't my problem. Hindi ko kailangan magsabi sa'yo ng kahit ano dahil trabaho 'yun ng kapatid mo at hindi ako. I'm done telling you what you need to do and it's up to you how you'll understand everything I said."

Bago pa ako makasagot ay bumukas ang elevator at niluwa nu'n si Sandro. Napatingin ito kay Regan na may pagtatakha bago ako nilapitan at humalik sa noo ko saka ito umupo sa tabi ko.

"What's up?" Sandro asked his brother who grinned at him.

"What's up my ass, Sandro. You still have a lot of things to fix yet you're here, cuddling with your bitch?"

PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon