Chapter Forty Two

1.2K 14 0
                                        


 SATURDAY morning when I received a call from Seamus and he's telling me that we have an emergency work. Paalis na sana kami ni Sandro pero bigla itong tumawag para papasukin ako sa trabaho. Hindi sana ako papasok pero sinabi nitong urgent ang trabaho at kinakailangan ako doon. He sounded pissed and disturbed that's why I think it's really urgent.

Hindi kami nagiimikan ni Sandro habang hinahatid niya ako sa opisina. Alam ko naman na naiinis siya kasi sino ba namang hindi? We planned this day for our date and vacation and yet my boss interrupted it. Ayan tuloy ay wala kaming nagawa kung 'di ang i-cancel ang bakasyon namin.

"I'm sorry." I said but Sandro didn't answer. "Puwede naman natin ituloy ang bakasyon natin mamaya 'di ba?"

"Baby we have plans for this morning. Hindi na natin magagawa 'yun mamayang gabi." Sagot niya at ramdam ko ang pagkairita sa boses niya. Tuloy ay pati ako ay hindi na gumaganda ang mood.

"Bibilisan ko na lang 'yung trabaho."

He sighed and shook his head. "It's fine. I'll just wait for you in the house."

Hindi na lang ako umimik hanggang sa makarating kami sa CrossCom. I kissed Sandro's cheek before I stepped out of the car and immediately ride on an elevator. Habang nagaantay makarating sa floor ay nagiisip ako kung paano ako babawi kay Sandro. I didn't expect that being a secretary in a big company will take a lot of my time. Day-off ko ngayon pero heto ako at kailangan mag-trabaho. Kahit naman gusto kong kumontra ay wala din akong magagawa lalo na't kakaumpisa ko pa lang dito.

Pagpasok sa opisina ay naabutan ko si Mr. Cross na may ginagawa sa laptop niya kaya nilapitan ko siya. He turned his gaze to me and smiled before leaning in his swivel chair. Hindi naman ako umimik habang inaantay ko siyang mag-salita.

"What's with that look? Parang naiinis ka ah." Aniya sa himig na tila nangaasar pa.

"I'm sorry Mr. Cross. I had plans today but of course work is work," I said and tried smiling. "Ano po ba ang problema?"

"Well, the CrossCom system were down as of this moment and I'm receiving a lot of complains right now." Seryosong sagot niya bago ito tumayo sa kinauupuan niya. "I want you to call an emergency meeting, Adina."

"Yes, sir."

"And," bago pa ko makaalis ay pinigilan niya ako. "May pupuntahan tayo pagtapos ng meeting."

Huminga ako nang malalim bago ngumiti. "Okay, sir."

I got busy for the next five hours before we finally get our systems back. Sumasakit ang likuran ko dahil sa tagal ng pagkakaupo ko at sa dami ng mga tinatawagan ko para alamin kung maayos na ba ang pinapagawa sa kanila ni Seamus. It's exactly one in the afternoon when everything is already done. Sakto naman na lumabas ang boss ko kaya agad akong napatayo sa kinauupuan ko.

"Hungry?" he asked and I just stared at him. "Let's go. Kain tayo sa labas."

"Sir, puwede na ba akong umuwi pagtapos?" tanong ko na kinatitig niya sa'kin. "Like I said this morning, I have plans so kung wala ka na pong iuutos, puwede na ba akong mauna?"

Hindi naman umimik si Seamus habang nakatitig pa din sa'kin. After a few minutes he crossed his arms and stepped closer to my desk. "I still want you to accompany me, Adina."

"But sir—"

"End of discussion." Putol niya sa sinasabi ko bago ako iniwan. Naiiyak na sumunod ako sa kanya dahil kahit gusto kong kumontra ay hindi ako makapagsalita. I texted Sandro that I will be home late and he just answered me okay. Mas lalo tuloy akong nagi-guilty.

PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon