Chapter Twenty Six

1.8K 24 3
                                        


PINAGLALARUAN ko ang mga daliri ko habang nakaupo ako sa sofa ng penthouse ni Sandro. Pumunta ako dito para ibigay sa kanya ang mga proposals ng bagong produkto na napagusapan namin noong meeting niya dahil hindi na naman siya pumasok ng opisina. Gusto ko din makausap si Sandro tungkol sa pagtatapos ng kontrata namin dahil para sa'kin ay wala na din naman kuwenta kung mananatili pa ko sa tabi niya dahil may iba naman nang pumupuno ng pangangailangan niya.

Katulad ngayon na naririnig ko ang mga ungol ng babaeng kasama niya habang nagtatalik sila sa guest room na nandito sa first floor. Parang manhid na ang puso ko sa naririnig ko at nakakaya ko nang matiis na marinig ang mga 'yun. Pero kahit hindi ko naman aminin ay alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako. I'm just trying to hide the pain by being cold and by giving smile. Nakuha ko ito kay Sandro; he's hiding his emotions with coldness.

I sighed and leaned in my seat. This past week, I learned about a lot of revelation about myself. Gusto kong matawa dahil parang pinaglalaruan ako ng tadhana. First, I met Sandro and he changed my life; he changed the way I see how the world. Ang tahimik kong buhay noon ay naging magulo at makasalanan dahil sa kanya. But it was fun exploring and I learned different things from him.

Tapos ay ang katotohanan tungkol sa pamilya ko. I want to know everything about it. Gusto ko malaman kung bakit hindi sinabi ni kuya Magnus sa'min na hindi niya pala kami tunay na mga kapatid. Gusto ko malaman kung bakit hindi niya sinabi na hindi pala si Ana ang tunay naming ina. I could ask him right now pero dahan-dahan muna dahil sobra-sobra na ang mga problema na hinaharap ko ngayon. And I want to settle my problem with Sandro first. I want an end for this today.

Narinig ko na tumahimik ang paligid at ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at nilabas no'n si ate Sitti. Bahagya itong nagulat nang makita ako pero agad din naman siyang ngumisi at inayos ang pagkakatali ng pulang roba na suot niya.

"Adina, looking for Miguel? He's dead tired and sleeping in the bed."

"Aantayin ko na lang siya," walang kasigla-siglang sagot ko at sumandal sa kinauupuan ko.

"You're just wasting your time here. Puwede ka nang umalis."

"Hindi ikaw ang magpapaalis sa'kin dahil hindi naman ikaw ang may-ari ng bahay na 'to," matapang kong sagot na kinataas ng kilay niya. Hindi ko din alam kung saan ko hinuhugot ang tapang na meron ako ngayon pero parang kusa na lang itong lumalabas mula sa'kin.

"You're crazy," ngumisi siya at nilayasan ako. Mabuti din 'yun dahil ayaw ko naman makipagsagutan sa kanya.

Gabi na din kaya nag-desisyon ako na dito na lang matulog sa penthouse. Wala naman akong pakialam kay ate Sitti, no, bakit ko pa siya ina-ate? She doesn't deserve my respect at all. Hindi nga niya nirespeto ang feelings ng kuya Jesux ko at hindi din niya ako nirerespeto bilang tao. Wala din siyang karapatan na magreyna-reynahan sa lugar na 'to kahit na sinasabi niyang mahal siya ni Sandro.

Nandito ako bilang secretary ni Sandro at hindi para makipagaway sa kanya pero kung sagutan naman ang gusto niya ay hindi naman ako uurong. Oo nga at hindi ako sanay na nakikipagaway sa kahit na sino pero walang karapatan si Sitti na pagsalitaan ako at utusan na akala mo pinapalamon niya ko.

Alas otso nang lumabas ako sa isa sa guest room na nasa second floor para magluto ng dinner. Wala naman tao doon kaya nakahinga ako nang maluwag at nakialam na sa kusina. Nag-desisyon ako na magluto ng bicol express para naman mainitan ang malamig na pagtrato sa'kin ni Sandro.

Habang hinahalo ko ang baboy na kakatapos ko lang i-gisa ay siya namang pasok ni Sandro sa loob ng kusina. Napatigil ito sa paglakad nang makita ako kaya nginitian ko siya. Mukhang kakagising lang niya dahil medyo namumula pa ang mata niya at nakalugay pa ang mahabang buhok niya.

PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon