NAKATITIG LANG ako kay Regan habang umiinom 'to ng alak at nagbabasa ng libro. Kanina pa ko hindi mapakali dahil baka biglang dumating si Sandro dito at mag-away silang magkapatid. Kung bakit ba naman kasi sinabi ni Regan na kasama niya ako at isa pa, nag-sinungaling ito na may nangyari sa'min. Tuloy ay nai-imagine ko na ang hitsura ni Sandro na nanglilisik ang mata dahil sa galit.
"Relax, my brother won't come," aniya na kinakunot ng noo ko. "I didn't text him the address and I bet he's really mad right now."
"Bakit mo 'yun sinabi sa kanya? Walang katotohanan ang mga sinabi mo, Regan."
"Why not?"
"Anong why not? Masama ang mag-sinungaling. Hindi mo ba alam kung anong mararamdaman ni Sandro dahil sa sinabi mo?" asik ko sa kanya. Malakas naman niyang sinara ang librong hawak at umayos ng upo paharap nang 'di inaalis ang tingin sa'kin.
"Why do you care so much?" nanliliit na matang tanong niya. "You just met my brother and you should not worry about his emotions."
"Kaibigan ko si Sandro," saad ko kahit na naapektuhan ako sa sinabi niyang kakakilala pa lang namin ni Sandro. Oo, magda-dalawang buwan pa lang mula noong una kaming magkakilala pero nakuha na agad niya ang gusto niya mula sa'kin. Hindi ko alam na ganito pala kahina ang paninindigan ko. Konting tukso lang ay bumigay na ko.
"Kaibigan?" he scoffed and leaned his back on the sofa. "You're just a live sex toy to Sandro, Adina. I don't actually give a fuck if he gets mad at me for lying about fucking you because who the fuck cares about what he feels? He's been there and he knew exactly how to handle the feeling of being cheated."
Natigilan ako. "W-what do you mean?" tanong ko at parang natauhan siya sa sinabi niya dahil mabilis siyang umiwas ng tingin. Sakto naman na tumunog ang elevator at bumukas 'yun. Nakita ko si kuya Cain na naka-ngiting lumalakad palapit sa'min. Humalik muna ito sa noo ko bago niya hinarap si Regan.
"I'm done, Montenegro. What else do you want me to do?"
Tumingin si Regan sa'kin na pinagtakha ko bago niya nilingon si kuya Cain. "The shipments in the port. Bring someone with you, maybe Sylv or Evo, whoever you want."
"All right. But I want to have time with my sister first. Maguusap kami," sagot ni kuya Cain. Tumayo naman si Regan sa kinauupuan at nilapitan ang kapatid ko. May binulong ito sa kanya at kumunot ang noo ko nang lingunin ako ni kuya.
"I'll take care of Adina," saad ni Regan at hinawakan ako sa siko tsaka hinila patayo.
"Wait," pigil ko sa kanya. "Saan mo ko dadalhin?"
"Sorry Adina, ipapahatid na lang kita kay Regan. May inutos pa kasi siya sa'kin," paumanhin ni kuya Cain. "Tatawagan na lang kita dahil maguusap tayo tungkol sa nalaman ko."
"Pero..."
"Come on," muli akong hinila ni Regan kaya hindi na ko nakapalag. "Faster, Adina!"
"Saglit lang naman." Nahihirapan kasi akong lumakad dahil sa laki ng hakbang niya. Nang makapasok kami sa elevator ay tsaka lang niya ko binitawan. Napatingin na lang ako kay kuya Cain hanggang sa sumara ang pinto. "Bakit ba ikaw ang maghahatid sa'kin?"
"To make the fun more exciting?" hindi siguradong sagot niya. Hindi na lang ako umimik hanggang makababa kami ng parking. Muli niya akong hinila at kahit anong piglas ko ay mahigpit ang hawak niya sa'kin.
Tumigil kami sa isang kulay itim na luxury car. Namangha ako sa ganda no'n at kahit wala akong alam tungkol sa mga ganitong sasakyan ay alam kong mahal ito. Mahilig din si kuya Moises sa mga mamahaling kotse kaya alam kong isa 'tong luxury car. Pinagbuksan naman ako ni Regan ng pinto at pilit sinakay doon. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nasaktan ako pero hindi niya ako pinansin at umikot sa driver's seat.
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...
