"SIGURADO ka ba na lilipat ka na ng tirahan, sister Adina?" tanong ni mother Hannah sa'kin nang maabutan niya akong nagliligpit ng mga damit ko. Nilapitan naman ako nito na malungkot ang mga mata na nakatingin sa'kin.
"Opo. Pasensya na po kung hindi ko po agad nasabi sa inyo ang desisyon ko na 'to. Biglaan din ho kasi eh," sagot ko. Hinawakan naman ni mother Hannah ang mga kamay ko kaya napatingin ako doon.
"Adina, may bumabagabag ba sa'yo?"
"W-wala naman po."
"Napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw at linggo ay parang wala ka sa sarili mo. Palagi ka din tulala at bigla ka na lang ngingiti at mapapahawak sa mukha mo. Ano ba talaga ang nangyayari?" tanong niya kaya natigilan ako.
Naalala ko naman ang mga nangyayari sa'kin nitong nagdaan na linggo. Una na doon ay ang pagpirma ko sa kontrata na binigay ni Sandro sa'kin. Nakasaad doon na magiging submissive niya ko at walang pagdadalawang isip akong pumayag para sa kapakanan ng simbahan na minamahal ko. Pangalawa ay ang mga nagaganap na halikan namin ni Sandro na aaminin kong nagugustuhan ko. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko na bumigay sa sarap na pinaranas niya sa'kin kaya naman hinahanap-hanap na 'to ng katawan ko at oo, natatakot ako sa mga susunod pang mangyayari sa'min. Unti-unti na kasi akong sumusuko sa tukso ng demonyo at kahit anong dasal ang gawin ko ay parang nahulog na ko sa pain nito.
"Adina?" muling tawag ni mother Hannah kaya napatingin ako sa kanya. "Hija, hindi ako nagtatanong sa'yo ngayon bilang mother superior mo. Nagtatanong ako sa'yo bilang pangalawang ina mo. Alam mong lahat kayo dito ay tinuturing kong mga anak kaya naman kung may problema ka ay huwag kang magdadalawang isip na lumapit sa'kin."
"Maraming salamat po," bulong ko at tipid na ngumiti. Lalo tuloy akong nakonsensya dahil sa sinabi ni Mother Hannah. Kung puwede ko lang talagang i-open ang bagay na 'to sa iba ay matagal ko nang ginawa.
Hindi na muling nagtanong pa si mother Hannah hanggang sa matapos akong magligpit ng mga gamit ko. Sabay na din kaming lumabas sa kwarto ko at hinatid niya ko sa labasan kung saan nakita ko doon si Sandro at kasama ang pinsan niyang si Jupiter. Malaking ngiti naman ang salubong sa'kin ni Jupiter na pinagtakha ko dahil hindi naman kami close.
"Hello Adina," bati niya nang makalapit kami ni mother Hannah. "Mano po sister!" saad niya at humakbang palapit sa'min at nagmano kay mother.
"Kaawaan ka ng Panginoon, hijo."
"Kami na po ang susundo kay Adina at maghahatid sa kanya sa bagong bahay niya. Kung hindi niyo ho natatanong ay BFF kami niyan ni sister Adina. Lagi ako tinutulungan niyan sa mga love problems ko," saad ni Jupiter na kinalingon ko sa kanya. Kumindat ito sa'kin bago natawa.
"Mabuti naman at merong kaibigan si Adina." Ngumiti si mother Hannah at nilingon si Sandro na tahimik lang na nakamasid sa'min. "Mr. Montenegro, nagpapasalamat ako sa'yo dahil hinayaan niyo ang simbahan na manatili dito. Hindi namin alam ang gagawin namin kung tuluyang nagiba ang lugar na 'to."
"No need to thank me, sister. Kung hindi dahil kay Adina ay hindi ko 'to gagawin," sagot niya na kinalaki ng mata ko. Nagkatinginan kami ni mother Hannah at nakita ko ang gulat na expression ng mukha niya na agad din naman nawala.
"Pa'no sister, aalis na po kami," singit ni Jupiter at binitbit ang mga bagahe ko.
"Mauuna na po ako mother Hannah," paalam ko at ngumiti sa kanya. Tila nagaalala naman siyang tumingin sa'kin. "Magiingat ho kayo dito."
"Adina, puwede mong sabihin sa'kin ang lahat." Aniya pero mas pinili kong ngumiti. Kumaway na lang ako sa kanya para magpaalam at nang akayin ako ni Sandro pasakay sa kotse niya ay doon na nawala ang ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...