AFTER Sandro and I had sex in the yacht, we immediately went back to the house. Nakatulog kami nang makauwi at nang magising ako ay wala na si Sandro sa tabi ko. I wore the white summer dress that my brother gave me in Italy and it was actually nice because it fits the ambiance in this place. Hinanap ko naman si Sandro sa bahay pero hindi ko siya makita. Gusto ko sanang lutuan siya kaso ay sinabi niya sa'kin na magdi-dinner daw kami sa labas kaso nasaan nga ba siya?
Lumabas naman ako sa beach front para sana magpahangin nang may makita akong umiilaw 'di kalayuan sa'kin. Nagtatakha akong lumakad papunta doon at nakita ko si Sandro na sinisindihan ang mga kandila na agad din namang namamatay dahil sa lakas ng hangin. I smiled and walked towards him. Mukhang hindi niya napansin na nandito ako.
"You should've brought battery operated candles." I said startling him. Napa-ngiti ako nang lumingon siya sa'kin bago ko pinagmasdan ang lamesa na nasa likod niya.
May bilog na mesa doon at may mga pinggan sa ibabaw no'n na may stainless cover. May bote ng red wine, vase na may laman na red roses at dalawang upuan na magkatapat. May mga kandila din na walang sindi at mahina akong natawa nang maalala ang ginagawa ni Sandro kanina.
"I'm sorry, it's my first time doing a setup like this," he said making me smile. "Hindi pa ko tapos eh kaso nandito ka na so..." humakbang naman siya palapit saka nilahad ang palad niya. "Can I have this date with you?"
I smiled and nodded. "Of course," then I took his hand. Dinala ako ni Sandro sa mesa at pinaghila ng upuan saka siya naupo sa tapat ko at tinanggal ang mga stainless covers. My mouth watered when I saw the steak in my plate.
"Wait," aniya at kinuha ang phone niya at nag-pindot doon. Ilang saglit pa ay tumugtog ang isang violin piece na kinatawa ko. "Do it yourself date night."
"Very creative, Mr. Montenegro." I answered and chuckled.
"Shall we eat?"
"Okay."
I watched Sandro as he slice the steak he had in his plate. Saka ito tumayo at pinagpalit ang pinggan naming dalawa bago siya ngumiti. Tila kinilig naman ako sa gesture na ginawa niya. Pakiramdam ko ay may nagbago sa pagtingin namin sa isa't-isa matapos ang nangyari kanina. The awkward we-meet-again feeling was now gone and it feels like we were both starting to know each other again in a much normal way. Malayo kaysa sa pagkilala na ginawa namin noon.
"Ito ba 'yung sinasabi mo na kakain tayo sa labas?"
"Yup. Nagustuhan mo ba? Medyo fail lang dahil sa kandila. It's much sweeter and romantic if this goddamn candles was lighted."
"Ikaw talaga. Ayos naman na sa'kin kahit walang kandila na ganyan 'no. The thought of being with you tonight was the sweetest and most romantic, Sandro." I answered and he was staring back at me making me smile. "Thank you for doing this. You made me really happy."
"You're welcome, Adina. I just want to make our relationship with each other get closer than before. Gusto ko pang mas ilahad at ipakita sa'yo ang buong ako kaya kung ano man ang gusto mong gawin ko o gusto mong malaman tungkol sa buhay ko, sabihin mo lang. I told you that I will never keep any secrets from you Adina and I have no intentions of breaking my word. Not now and not forever."
"Sandro..." Muli akong napa-ngiti. "That's enough for me as long as you'll tell me everything from now on."
"I will, baby." He answered. "Alam mo bang madaming kuwento itong Villa Montenegro?"
"Ano naman 'yun?"
"This place is where my grandpa realized that he's in love with my grandma. He told me that after their honeymoon in this place, he wanted to change and make up for all the mistakes he made. Natakot siya na mawala sa kanya si grandma kaya ginawa niya ang lahat para makabawi sa lahat ng pagkukulang niya. I never thought it was sweet when he was telling me this before but now, I think that yeah," he paused and stared at me. "Love really changes a person."
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...
