NAGING busy ako nitong mga nakaraang araw para sa pagaayos ng kasal namin ni Sandro. Pinaayos namin ang wedding gown na gagamitin ko at inayos din namin ang mga invitation para sa mga bisita namin. Wala naman ako gaanong inimbitahan bukod sa mga madre ng simbahan at ang mga Elinzano pero hindi ko alam kung makakarating sila kaya sila dad na ang bahala magdagdag ng mga bisita.
"Why is Regan not on the list?" mommy Rayanne asked Sandro as she showed us the list of the wedding guests. "Hindi mo iimbitahan ang kapatid mo, Sandro? Why?"
"Mom, he told me that he's not coming." Sagot ni Sandro at tumingin sa'kin.
"Ininvite na po namin siya noong nakaraan pero hindi daw po siya makakarating," sagot ko naman. "Pasensya na po."
Mommy Rayanne sighed and smiled sadly. "Kapag lumaki ang anak niyo, huwag niyo silang kakalimutan na gabayan. I don't know what happened and Regan became so distant to his family but I'm worried and as his mother, it's painful to see your own son drifting away from you. Hindi ko alam kung saan ba kami nagkulang ni Xyrus sa pagpapalaki kay Regan pero ang hirap kapag hindi mo alam kung bakit naging gano'n ang anak mo."
"Mom," Sandro immediately sat beside his mother. "You did nothing wrong, all right? Pinalaki mo kami ng tama and I am so grateful to have you as my mom. Regan has his own reasons and maybe he can't tell it to us right now but we should just trust him. Adina and I will always be here for you, okay? Kami ng mga magiging apo mo."
"Gusto ko din naman na makitang maging masaya si Regan."
"Masaya naman siya 'di ba?"
"No," mommy shook her head. "Sandro, mommy niyo ako. Alam ko kung meron kayong problema. Alam ko kung masaya kayo o malungkot kayo. I never saw Regan happy and that's what makes me even worried. He's not happy, okay? Hindi masaya ang kapatid mo, Sandro. What he's dealing with right now is making his emotions fade away. Wala akong nararamdaman na kahit ano mula sa kapatid mo kapag nakakasama natin siya. It feels like he's there but at the same time, he's not."
"Mom..."
Sandro glanced at me and I shook my head to tell him not to say anything. Alam ko na mas magaalala si mommy kapag nalaman niya ang ginagawa ni Regan. Alam ko na mas hindi ito matatahimik kapag nalaman niyang palaging nasa delikado ang buhay ng anak niya. Magiging ina na din ako at kung ako ang nasa posisyon ni mommy Rayanne ay gano'n din ang mararamdaman ko.
"Can you just tell me where he is?" she asked and there was a silence in the room. "Sandro, alam ko na may hindi ka sinasabi sa'kin kaya hindi kita pipilitin doon. But answer me this one, Sandro. Nasaan ang kapatid mo?"
Napahinga naman nang malalim si Sandro. "He's in Italy, okay?"
"Italy? Anong ginagawa niya doon?"
"Doon siya nagtatrabaho."
"Anong trabaho?"
"I don't know." Sandro answered, making his mother sigh. "That's all I know, mom. He's with Cain and they work in Italy."
"Mommy," singit ko at hinawakan ang kamay nito. "I can assure you that Regan is doing fine. He's strong and smart. Kasama naman po niya si kuya Cain at hindi siya papabayaan ng kuya ko. Kapag nakausap ko po sila, sasabihin ko na dalawin ka. Promise."
"Thank you, Adina." sagot nito na kinangiti ko. I know that wasn't enough to make her feel assured but I hope it can make her calm down.
After making sure that mommy Rayanne is fine, we finished listing the guests for our wedding. Konti lang naman ang bisita namin dahil iyon din ang gusto ko. Mga kapamilya lang, konting kaibigan nila Sandro at mga business partners ang inimbitahan nila. Ang daddy naman ni Sandro ang bahala sa catering samantalang sila Seamus at dad naman ang bahala sa wedding reception at security ng kasal.
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...