HINDI AKO makapaniwala na nandito si Sandro ngayon sa opisina at bitbit niya ang mga files na dinala ko sa kanya noong nakaraang linggo. Ang balak ko sanang pagkuha ng mga 'yun noong linggo ay hindi natuloy dahil mas pinili kong mag-simba at dumalaw sa kumbento. Namiss ko din kasi ang mga madre doon at kahit papaano ay naging magaan ang pakiramdam ko.
Wala kaming imikan ni Sandro at ayaw ko din naman kausapin siya dahil mukhang hindi maganda ang mood niya. Busy ito sa pagpirma at pagbabasa ng mga papeles at paminsan ay tinatawag niya ko para dalhin sa mga department head ang mga natapos niya.
Sa totoo lang ay miss na miss ko na si Sandro. Namimiss ko na 'yung mga ngiti na binibigay niya sa'kin at namimiss ko na din ang mga banat niya na nakakapagpatawa sa'kin. Gusto kong i-tanong sa kanya kung anong nangyari at naging malamig siya sa'kin pero kailangan ko pa bang i-tanong 'yun kung alam ko naman na ang sagot?
"Adina, come here!" sigaw niya na kinagitla ko. Dali-dali akong lumapit sa kanya at nakita ko ang salubong nitong kilay. "Where is the March report for the production? Kulang ang folder na binigay mo sa'kin!"
"Kumpleto ang mga 'yan—"
"Bakit ko pa hahanapin sa'yo kung kumpleto 'to?!" bulyaw niya kaya napatitig ako sa kanya. "Damn, you have one job to do and you can't even make it right! Fuck!"
"I'm sorry. Hahanapin ko na lang at baka naihalo ko sa ibang files." Sagot ko pero hindi na siya umimik. Hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko na muli niyang kinalingon sa'kin. "Sandro, puwede ba tayong mag-usap?"
"Wala tayong dapat pagusapan."
"Wala?" mahina akong natawa. "You became cold towards me, Sandro. Hindi ko alam kung bakit at kung anong nagawa ko. Dahil ba ito kay Felix? Kung gano'n, humihingi ako ng tawad."
"No," he sternly answered and shook his head. "Just fucking do your job, Adina."
"Sandro..."
"Go! Just leave!" sigaw niya at malakas na hinampas ang ibabaw ng mesa niya. Malalim akong napahinga bago siya tinalikuran at bumalik sa lamesa ko. Nang mahanap ko ang folder na hinahanap niya ay mabilis ko lang 'yun nilapag sa office table niya at walang imik na muli kong ginawa ang trabaho ko.
Lunch break ay binilihan ko ng pagkain si Sandro sa restaurant na katapat ng kompanya at inakyat 'yun sa kanya. Nilapag ko lang ulit sa lamesa niya ang pagkain at akmang lalabas na ng opisina para mag-lunch kasama ang kapatid ko nang pigilan ako ni Sandro.
"I apologize for shouting at you," aniya na kinalingon ko sa kanya. There was an emotion that he's trying to hide with his cold eyes and I hate it. Ayaw ko na muli makita ang malamig niyang mga titig sa'kin dahil ayaw ko ang pakiramdam na parang sinasakal ang puso ko.
"I don't understand, Sandro. Why can't you just tell me the truth? Kung ayaw mo na nitong set-up natin, ayos lang naman sa'kin na tapusin na ang lahat nang 'to, eh. I have so many things I want to share with you about my life but how could I tell it to you when you keep on distancing yourself to me? Gusto kitang maintindihan pero ang hirap gawin 'yun kung ganito 'yung trato mo sa'kin!" I shouted back and tried to keep myself calm. "Pa'no 'yung kontrata natin?"
"Our agreement is still void."
"Really?" I scoffed and yes, matapang ako para gawin 'yun sa harapan niya ngayon. Let him punish me for all he want, I don't care. "Tuloy pa ba talaga 'yun kung ganito ang trato mo sa'kin? You can't even look at me without coldness. Ano ba talagang nangyayari, Sandro? Is it all because of ate Sitti? Sino ba talaga siya sa buhay mo?"
"She's nothing, all right?"
"Nothing? She said that you love her." I answered and he looked away. "Please, kung wala naman nang halaga ang kontrata natin at itong set-up natin dahil meron ka naman nang iba, hayaan mo na lang ako umalis."
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
Ficción GeneralMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...