Chapter Eight

3.1K 40 2
                                        


HINDI KO alam kung paano tumigil si Sandro sa pagpaparamdam sa'kin kung gaano siya kasabik na makatalik ako. Basta na lang siyang humiwalay sa'kin at inayos ang pagkakatayo ko tsaka niya dinampian ng halik ang labi ko. Pero ramdam ko ang pagtitimpi niya na galawin ako ng mga oras na 'to dahil kanina ko pa napapansin ang pagigting ng panga niya at hindi makatingin ng diretso sa'kin.

Kasalukuyan kaming kumakain ng pananghalian at tahimik lang ang buong hapag kainan. Hindi din naman ako nagsasalita dahil pareho niya ay ramdam ko ang pagiinit ng sariling katawan ko dahil sa ginawa niya sa'kin kanina. Hindi din ako kumportable sa suot kong panty dahil basang-basa ito at nahihiya ako na magpaalam kay Sandro dahil alam ko ang iisipin niya.

"What's wrong?" napagitla ako nang basagin ng baritonong boses niya ang katahimikan. "Kanina ka pa hindi mapakali."

"W-wala."

Tumango ito. "After we eat, we'll go to the grocery store."

"Puwede bang maligo muna?" tanong ko na kinatango niya.

Nang matapos kami ay nagpresinta na si Sandro na siya na ang maghuhugas ng plato kaya pinaligo niya na ko. Nagmamadali naman akong kumuha ng damit sa kwarto at lumabas para pumasok sa banyo tsaka sinimulan alisin ang mga damit ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang basang-basa ang panty ko kaya agad ko 'tong tinanggal at nilabahan.

Hindi din naman ako nagtagal na maligo sa banyo at doon na din ako nagbihis. Paglabas ko ay diretso agad ako sa kwarto para makapagsuklay ng buhok. Nahagip naman ng mata ko si Sandro mula sa bintana ng kwarto na nakatayo sa balcony at naninigarilyo. Namalayan ko na lang na lumapit na pala ako sa bintana at mas pinakatitigan siya.

Malungkot ang mata niya, 'yun ang una kong napansin. Pakiramdam ko ay ang dami niyang tinatagong problema na hindi niya kayang sabihin sa iba. Malayong-malayo ang itsura niya ngayon sa tuwing kaharap ko siya. This man I'm staring at looks vulnerable, hurt and lonely. It's far from the dominant and manipulative Sandro that he always shows me.

Siguro nga ay masyado kong hinusgahan ang pagkatao ni Sandro. Oo at hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung anong mga pinagdadaanan at iniisip niya sa mga oras na 'to. But one thing I want to do right now is hug him and tell him that everything will be okay.

Napahinga ako nang malalim at lumabas ng kwarto. Lumapit ako sa sliding door ng balcony at kinatok siya doon. Nilingon naman niya ko bago humithit sa sigarilyong hawak at binuga ang usok no'n na agad sinama ng malakas na hangin bago niya pinatay ang sigarilyo sa isang ash tray. Pagpasok niya sa loob ng condo ay agad kong naamoy ang usok ng yosi niya na humahalo sa mapangakit niyang pabango.

"Ready?"

Tumango ako. "Pero bago 'yon puwede bang magtoothbrush ka muna? Or mouth wash. May mouth wash ako sa banyo."

Nagkibit balikat lang siya bago sinunod ang sinabi ko. Sinundan ko naman siya at naabutan kong nagmumumog na ito ng mouth wash. Pagtapos ay pinunasan niya ang labi niya gamit ang tuwalya ko tsaka niya ako nilapitan.

"Okay na ba?"

Ngumiti ako at tumango. "Okay."

"Can you kiss me now?" aniya kaya natigilan ako. Nang hindi ako sumagot ay hinapit niya ko sa kanya tsaka pinagdikit ang labi namin. Agad akong napayakap sa leeg niya nang simulan niyang galawin ang labi niya at mapusok na halik ang binigay sa'kin. I could taste the mint flavor through his lips and my body felt hot with the kiss we're sharing. Hindi din naman ito nagtagal at agad niyang pinutol ang halikan namin. "Let's go."

Tuluyan na kong nagpahila kay Sandro palabas ng condo. Tahimik lang kami na magkahawak ang kamay habang inaantay namin na dumating ang isang elevator. Hindi ko na talaga mapigilan pa ang sarili ko na sumuko kay Sandro. Ito ang dahilan kung bakit pilit kong nilalayo ang sarili ko kay Sandro dahil alam ko na ang tukso ay ang pinakamahirap na kalaban ng tao.

PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon