Chapter Six

2.8K 32 2
                                        


HINDI MAPALAGAY ang kalooban ko sa alaala ng halikan na naganap sa amin ni Sandro. Hindi ko intension na mangyari 'yon at wala sa plano ko na halikan siya pabalik pero tila may sariling utak ang labi ko dahil kusa 'yon gumalaw at taksil din ang katawan ko dahil sa pagkagusto nito sa ginawa ni Sandro.

Ilang araw na akong nagdadasal para patawarin ako ng Diyos. Hindi matahimik ang konsensya ko kaya naman kahit may ibang bagay akong ginagawa ay napapausal ako ng dasal. Alam kong napapansin na din ni mother Hannah na nababalisa ako nitong mga nagdaang araw pero hindi naman niya ako tinatanong ng kahit ano. Tatlong araw na din mula nang huli kaming magkita ni Sandro at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi niya ako pinupuntahan sa kumbento.

"Sister Adina, magkakaroon daw ulit ng feeding program ang Montenegro Foundation sa kalapit na orphanage dito at hiniling ng may-ari na pumunta daw tayo," usal ni sister Michelle sa'kin nang makita niya akong nakaupo sa bangko ng simbahan.

"Kailan daw 'to?"

"Sa susunod na linggo pa naman pero maaga tayong nasabihan ngayon. Sa susunod na buwan naman ay pupunta sila sa Leyte kung saan madaming nasalanta ng bagyo."

"Puwede ba tayo sumama doon?" tanong ko. Gusto ko din kasi tumulong at isa pa gusto ko makalayo kay Sandro.

"Itatanong ko kay Joey," tukoy niya sa organizer ng foundation. "Sige, maiwan na kita at mukhang busy ka magdasal. Ilang araw ka na mukhang may problema ah. Gusto mo ba ikwento 'yan sa'kin?"

Umiling naman ako at pilit na ngumiti. "Ayos lang ako. Salamat, sister Michelle."

Nang makaalis ito ay muli kong pinagpatuloy ang pagdadasal ko. Huwebes ngayon at pailan-ilan lang ang mga nagpupunta sa simbahan para magdasal. Wala din kasing misa ngayon kaya naman tahimik ang buong paligid. Medyo makulimlim pa ang langit dahil mukhang uulan. Nakiki-ayon ata ang langit sa nararamdaman ko ngayon.

Kinabukasan ay nagulat ako nang makita si Sandro sa labas ng kumbento. Hindi ko sana 'to lalapitan at aaktong hindi siya nakita nang kawayan niya ko at nag-umpisang lumakad palapit sa'kin. Bigla naman akong nag-panic lalo na nang malapitan niya ko. Agad kong nalanghap ang mabangong amoy niya at tila nanuyo ang lalamunan ko dahil doon.

"Adina, are you free?"

"Hindi."

"Really? You're not in your hot uniform now so I guess you ain't busy," aniya at nginisian ako.

"Ano bang kailangan mo?" bulong ko at napalingon-lingon sa paligid. May pailan akong nakita na madre na napapatingin sa'min na agad kong kinaiwas ng tingin.

"May pupuntahan tayo," sagot niya at walang pasabi na hinila ako. Pilit ko naman binawi ang kamay ko na hawak niya pero mahigpit ang hawak niya sa'kin. Napayuko naman ako dahil nahihiya ako sa nangyayari ngayon. Nagaalala pa ko na may makakita sa'min.

Nang makalapit kami sa kotse niya ay pinagbuksan niya ko. Napatingin naman ako sa kanya at walang emosyon ang mukha nitong inaantay na sumakay ako ng sasakyan niya. "Saan ba tayo pupunta?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Just ride the car," utos niya at pilit akong pinapasok sa loob ng sasakyan. Nang maisara niya ang pinto ay umikot ito sa driver's seat at sumakay. Agad niyang pinaandar ang kotse at hindi na lang ako umimik para wala kaming mapagusapan. Unti-unti na naman bumabalik sa'kin ang halikan na naganap noong nakaraan kaya hindi na naman ako mapalagay.

Ilang minuto lang ay nakarating kami sa isang building. Montenegro Residential ang pangalan na nakalagay sa harap ng mataas ng gusali. Mukhang condominium ito dahil may mga pailan-ilan akong tao na nakikita sa paligid na nakapang-bahay lang. Natanaw ko din 'di kalayuan ang mga pool at playground na pangbata.

PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon