Chapter Forty

871 12 0
                                    


TULALA ako habang kumakain ng umagahan. Hindi pa din kasi mawala sa isip ko ang tension na binigay ni Mr. Cross sa'kin kahapon nang makilala ko siya at kanina ko pa iniisip kung paano ko ba siya pakikitunguhan ngayon sapagkat hindi pa din mapalagay ang kalooban ko. I don't know why I felt threatened yesterday but I hope it will be gone today if I face my boss again.

"Are you okay?" tanong ni kuya Cain. Nakauwi na siya kagabi mula sa bahay ni Regan at ayon sa kanya ay hindi na matutuloy ang pagpunta niya sa Italy dahil si Regan na lang daw ang babalik doon.

"Yeah. I'm just thinking of something."

"Do you mind sharing it with me?" he asked as he sat across me. Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast at sakto din naman na maaga ang trabahong gagawin ni kuya ngayon kaya sumabay na siya sa'kin mag-umagahan.

"Nah, hindi naman importante." Ngumiti ako sa kanya. "By the way, susunduin pala ako ni Sandro mamaya sa work ko kuya kaya hindi na ko sasabay sa'yo pauwi."

"Nandito siya kahapon ah," anito at pinanliitan ako ng mata. "Kung kailan wala ako saka siya pupunta. And what did you..."

"What?" I stared at him but he shook his head and sipped his coffee.

"Never mind."

Pagtapos namin kumain ay sabay na kaming pumasok ni kuya sa trabaho. Hinatid naman ako nito at bago mag six-thirty ng umaga ay nakarating na ako sa CrossCom. I smiled at Mrs. Aragon when I saw her fixing some files in the table before I sit beside her.

"Ang aga niyo naman po."

"Oo, nasanay na kasi ako dahil ayaw ni Seamus ng late sa trabaho," saad nito kaya nagtakha ako. "Ah, hindi ko tinatawag na Sir ang batang 'yun, kung 'yun nga ang pinagtatakha mo hija. Secretary talaga ako ni Mr. Sigfreid, ang ama ni Seamus. Dalawampung taon na akong nagtatrabaho para sa mga Cross at noong pumalit si Seamus sa ama niya ay doon ko na naisipan na mag-retire."

"Ang tagal niyo na po palang nagtatrabaho para sa kanila." Puno ng pagkamangha na sagot ko. Tingin ko nasa mid-fifties na din si Mrs. Aragon at naiintindihan ko naman kung bakit kailangan na niyang mag-retire. Tuloy ay mas ginanahan ako na pagbutihin ang trabaho ko dahil na-inspire ako sa pagiging loyal nito sa trabaho niya. Kakalimutan ko na lang ang tension na naranasan ko kay Mr. Cross kahapon.

Nag-simula akong turuan ni Mrs. Aragon sa paghihiwalay ng mga files na ibibigay ko kay Mr. Cross ngayon. Saktong alas-siyete ng umaga nang dumating siya at agad ko naman pinasok sa opisina niya ang schedule niya para sa araw na 'to sa tulong na din ni Mrs. Aragon.

I smiled and waited for him to settle in his swivel chair before I put the folder in his table. "This is your schedule for today, Mr. Cross." I said as I read my copy of it. "You have a meeting at ten AM with the board members and a dinner meeting at eight PM with the CEO of Asia's Telecom."

"I have no schedule this afternoon?" he asked making me nod. "All right, have lunch with me Adina." Dagdag niya kaya natigilan ako.

"Pardon?"

"I have to welcome you in my company, that's why I want you to have lunch with me. Of course this is my compensation with what happened yesterday. I know you didn't like how I acted so accept this as my apology. And I want to visit a site today so I need you to be with me. Treat this as your training as well."

"Ahm, it's all right, sir. Besides, I can't have a lunch with you since I already made plans." Sagot ko dahil sabay kaming kakain ni Sandro ng lunch ngayon. Iyon ang napagusapan namin kahapon bago siya umalis ng penthouse.

"I'm not asking for your approval, Adina. I'm telling you to have lunch with me because I'm your boss and remember the last rule I told you?" he said and gave a sly smile. "If you do, then it's settled."

PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon