AFTER THE INCIDENT in Sandro's office last time, nakakapagtakha na bigla itong naging malambing sa'kin. He told me that he was sorry for what happened and he'll make it up to me. Linggo ngayon at sinama niya ako sa bahay ng mga magulang niya kung saan may kaunting salo-salo ang pamilya nila. Aniya ay tradisyon na daw ng mga Montenegro na magtipon-tipon kapag araw ng linggo at mapapasabi na lang talaga ako ng sana all.
"Hi Adina." His mother greeted. Nagulat pa ko sa pagyakap nito sa'kin. "Long time no see. Mas gumaganda ka in fairness."
"Maraming salamat po," ngumiti ako. "Nagdala po pala kami ng beef caldereta. Sabi ni Sandro ay paborito niyo po 'yun."
"Oo. Lalo na kapag asawa ko ang nagluluto, ay grabe. Nakakalimutan kong asawa ko siya kapag natitikman ko 'yun eh." Sagot niya na kinatawa namin pareho. "Thank you, Adina ha?"
"Po? Para saan po?"
Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. "Sa caldereta at tsaka sa pagdating mo sa buhay ni Sandro. If you didn't come to his life, I don't think I could see him this happy again." She answered and we both look to Sandro who's laughing with his dad and cousins.
"Ahm, hindi naman po ako ang dahilan kaya masaya siya."
"Alam mo kasi, hindi ganito si Sandro bago ka dumating. He's aloof, cold and all he thinks is our family business. Hindi siya madalas dumalaw sa'min at tanging si Jupiter lang ang hinahayaan niyang makalapit sa kanya. I don't know what happened but it all started two years ago."
"Ano pong meron?" nagtatakhang tanong ko. Wala naman kasing naku-kuwento si Sandro sa'kin na kahit ano at tsaka hindi naman siya mukhang malungkot.
Well, I did see him in pain and sad pero hindi ko na ulit 'yun nakita sa mga mata niya.
"Hindi ko din alam," sagot ni tita Rayanne. "But please, ako na ang nakikiusap Adina. Sana huwag mong iiwan si Sandro ha? I know this is too much to ask from me but I really like you for my son."
"M-maraming salamat po, tita." Nahihiyang sagot ko. Wala pang kahit sino na nakapagsabi na gusto nila ako. Way back, people only liked me because I'm rich and my surname shouts power and authority. Pero ngayon? Parang gusto kong tumalon sa sobrang saya dahil gusto nila ako bilang ako.
"Can I borrow my girl for a while, mom?" singit ni Sandro sa'min. Tumango naman si tita Rayanne kaya nagpaalam ako na sasama muna kay Sandro. Dinala niya ko sa grupo nilang magpi-pinsan at dahil wala si Jupiter ay walang maingay kundi si ate Sera.
"Hi sister!" bati nito sa'kin. "Naku, sister pa nga ba? Baka naman nag-quit ka na sa pagiging madre dahil na-bad influence ka ni Sandro."
"Ahm, sister pa din ate." Natatawang sagot ko sa kanya. "At oo, bad influence talaga siya sa'kin."
"Seriously?" bulong ni Sandro na kinatawa ko. Hinapit niya ako palapit sa kanya kaya agad akong umusog palayo dahil sa nanunuksong tingin nila ate Sera.
"Uncle Xyrus, pa'no ba 'yan at malapit ka na ulit maging lolo Xyrus."
"Why? Balak na bang magpakasal nila Adina at Sandro?" tanong ni sir Saturn kaya sunod-sunod akong umiling. "Oh, hindi naman pala eh. I-gaya mo pa ang pinsan mo sa'yo na ang bilis mag-desisyon sa lahat."
"Alam mo uncle Saturn minsan iniisip ko na may galit ka sa'kin eh."
"I'm just stating facts, Sera. Parang hindi ko nasaksihan lahat ng katangahan mo."
"Grabe talaga siya oh!"
"Pero, kayo na ba ni Sandro, Adina?" tanong ni Riley sa'kin.
"We're friends." I answered and smiled.
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...