UMAGA PA lang ay pinaghandaan ko na ang araw ng muli kong pakikipagkita sa mga miyembro ng simbahan. Magda-dalawang linggo din akong hindi nakapunta sa simbahan kaya alam kong sermon ang aabutin ko kay mother Hannah. Kinakabahan din ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Ayaw ko naman mag-sinungaling pero hindi ko din naman puwedeng sabihin ang nangyayari sa'kin ngayon.
Napahinga ako nang malalim dahil sa sitwasyon ko. Naiipit tuloy ako at hindi ko alam kung anong hakbang ang dapat kong gawin. Kung puwede lang kalimutan namin ni Sandro ang pinagkasunduan namin ay matagal ko nang ginawa. Ang kaso lang ay hindi ko 'yun puwedeng gawin lalo na't ang simbahan ang nakataya.
"Let's go," hila ni Sandro sa'kin. Ngayon ang feeding program ng Montenegro Foundation at sasama siya doon. Hinayaan ko naman siyang hilahin ako kaya't napagmasdan ko ang hitsura niya ngayon.
He's wearing a loose t-shirt and ripped jeans paired with Nike Air. May suot din itong g-shock na kulay itim at nakalugay ang kanyang basang buhok. Amoy na amoy ko ang pabango niya na humahalo sa ginamit niyang shampoo.
Suminghot ako. "Anong shampoo mo?"
"Sunsilk," aniya na kinatawa ko. Kunot noo niya naman akong nilingon habang nagaantay kami ng elevator. "What? What's funny?"
"Nagco-conditioner ka din ba?"
"Oo. Cream silk."
Muli akong humagalpak ng tawa. "Kaya pala mas malambot pa ang buhok mo sa'kin," humahagikgik kong sabi.
"Hindi ka ba gumagamit ng conditioner? I bought you a lot of bottles, didn't I?"
Tumango ako. "Oo. Gumagamit naman ako no'n pero minsan lang. Hindi kasi ako sanay na masyadong malambot ang buhok ko tsaka isa pa lagi ko naman 'tong tinatali sa ponytail."
"Mas bagay sa'yo ang nakalugay," aniya kaya ngumiti na lang ako. Sabay kaming pumasok sa loob ng elevator at tahimik lang kaming dalawa hangagang sa makarating kami sa parking. Agad naman kaming sumakay sa Ford Ranger niya at nakita kong madaming box ang nakalagay sa likuran no'n. Marahil ay para sa feeding program mamaya.
"Himala ay sumama ka. I thought you don't like boring stuffs like this?" I asked emphasizing the boring word. Naalala ko kasing sinabi niya 'yon sa'kin noong muli kaming magkita sa isang feeding program sa orphanage.
"I don't have a choice, all right? My dad wants me to be there. Mukhang balak pa ata niyang ipamana sa'kin ang foundation na 'yun," he said and gave a tsking sound before he maneuvered the car out of the parking space. "Puwede naman sa ibang pinsan ko na lang."
"Bakit kasi ayaw mo? Masaya naman ang ganito."
"Boring nga 'di ba?" pambabara niya sa'kin na kinaikot ng mata ko. "Roll your eyes to me again and I'll fuck you in fours, Adina."
"Sorry." Bulong ko.
Pagkarating namin sa Payatas ay agad namin nakita ang mga miyembero ng simbahan na busy sa pagaayos ng mga pagkain at mga lamesa para sa bata. Pagkasara ko ng pinto ng kotse ay tinulungan ko si Sandro na buhatin ang mga box ng giveaways at iba pang kakailanganin sa feeding program.
I stared at Sandro as he carried the box in his shoulder. I swallowed the lump in my throat as I watch his defined muscles reflexes with his every move. Sinundan ko naman siya hanggang sa marating namin ang tent at agad kong nakita doon si Sir Xyrus na mukhang nagulat sa sabay naming pagdating ni Sandro.
"Good morning po," naka-ngiting bati ko sa kanya. Tumango naman ito sa'kin at muling kinausap ang isang lalaki na nakapang-doctor na coat.
"Come here," bulong ni Sandro sa'kin at hinila ako mula sa bewang ko palapit sa isang table kung saan merong mga vitamis na pang-bata at matanda. "Help me put this in the loot bags. White is for the elders and red is for the kids."
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...