DALAWANG araw na mula nang makauwi kami ni Sandro mula sa bakasyon namin sa Villa Montenegro at hanggang ngayon ay meron pa din akong vacation hangover dahil doon. Kahit na gusto ko pang manatili doon ay hindi naman puwede dahil may trabaho din si Sandro na dapat asikasuhin.
Sa mga nagdaang araw din ay madami akong napagdesisyunang bagay at isa na doon ang pananatili ko sa Pilipinas. I made this decision because I want to make my connection with Sandro stronger and deeper. Alam ko na hindi magugustuhan ni kuya ang desisyon ko na 'to kaya naman gusto kong siya muna ang makaalam tungkol dito. I know that kuya Cain said that he'll respect what decision I will do but I still think that he needs to know about it. Kaya naman ngayon ay magkatapat kami nakaupo sa salas habang iniisip ko kung paano maguumpisang mag-salita.
I cleared my throat and smiled at him. "Kuya, ang pogi mo ngayon," panguuto ko sa kanya na hindi bumenta dahil napa-simangot siya. I awkwardly chuckled and looked away.
"Spill it, Adina. Ayaw ko ng nakikipaglokohan sa'kin."
I sighed and played my finger as I stare at him. "Ahm, I decided to stay in the Philippines and work here. Alam mo naman kasi na nagkaayos na kami ni Sandro at mas gusto kong maging malapit kami sa isa't-isa. Alam kong sinabi mo sa'kin na hahayaan mo ako sa kahit anong desisyon na gusto kong gawin pero kailangan mo pa din naman malaman 'yun dahil kapatid kita."
Hindi naman umimik si kuya kaya naman nakagat ko ang labi ko. Hindi ko din mabasa kung ano ang nasa isip niya dahil walang emosyon ang mukha niya. I'm getting nervous as the minutes passed by but my brother is still silent as he's staring intently at me like he's absorbing the words I told him.
Napakamot naman ako sa ulo ko bago ko sinalubong ang mata niya. "Kuya..."
"Anong balak mo sa trabaho mo sa Italy?" tanong niya makaraan ang ilang saglit.
"Ahm, magpapadala ako ng resignation letter via e-mail."
"I thought you love your work there, Adina? Nagkabalikan lang kayo ni Sandro kinakalimutan mo na naman 'yung mga bagay na nagpapasaya sa'yo. Pa'no kapag niloko ka ulit ng hayop na 'yan? Edi iyak ka?"
"Kuya naman eh," napa-nguso ako. "Sinabi ko naman na sa'yo na kung sakali man na saktan ako ni Sandro ay ako nang bahala 'di ba? Besides, I'm not giving high hopes with this relationship. Kumbaga go with the flow lang ako."
"Go with the flow pero heto ka ngayon sa harap ko at sinasabi na mananatili ka sa bansang 'to para kay Sandro? Don't give me that shit, Adina." He answered and sighed deeply. "Sige, ikaw bahala. Saan ka naman magta-trabaho? Don't tell me kay Sandro?"
Agad naman akong umiling. "Hindi. Balak ko humanap ng ibang trabaho pero gusto ko sana sa office lang din."
"You can ask Ram for a job. He knows a lot of companies hiring for employees."
"Ram?"
"Yep. He's one of my subordinates and he can help you find a job. But Adina, think of this decision a lot of times before you do it, all right? Maayos na ang trabaho mo sa Italy. You have benefits there and you can do your holy job as well. Kapag nandito ka sa Pilipinas, matatali na naman 'yung attensyon mo sa tarantadong Montenegro na 'yun at hindi mo na naman magagawa 'yung mga bagay na nagpapasaya sa'yo. Hindi sa kumo-kontra ako pero parang gano'n na din."
Napa-ngiti naman ako. "Kuya, I understand. I thought of this decision for a hundred times already and I prayed to seek guidance. Hindi ko alam kung magegets mo pero para bang may humahatak sa'kin na gawin ang desisyon na 'to. The fact that I really wanted to be with Sandro is one of the reason but something is telling me that there's more to it."
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...
