Chapter Four

2.7K 34 1
                                        


HINDI AKO makatingin nang diretso kay Sandro dahil sa nangyari kanina. Kasalukuyan kaming nasa salas at nakaupo siya sa tapat ko habang umiinom ng alak. Wala pa rin nagsasalita sa aming dalawa at hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang usapin tungkol sa simbahan.

Naiilang din ako dahil hindi niya inaalis ang titig niya sa'kin. Kanina pa rin ako hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil sa hindi komportableng sensasyon sa maselang bahagi ng katawan ko. Ano ba 'to?

"Aren't you going to talk?" tanong niya na kinagulat ko. "You're wasting the time."

"O-oo," tumango ako. "Baka naman puwede natin pagusapan ang tungkol sa hindi mo paggiba sa simbahan. I know you're just doing this for your business but that place is important to us too. P-puwede namin rentahan ang lugar na 'yon at bayaran ka buwan-buwan."

"You're desperate, aren't you?" ngumisi ito sa'kin bago siya nag-dekwatro. "What money will you use to pay me, Adina? The money donated by your God's worshippers? You're just making a fool out of those people and you'll make your priest a fraud."

Saglit akong natahimik. Hindi na ako nakakapag-isip nang tama. Napahinga naman ako nang malalim. Relax, Adina. "I'm sorry, hindi gano'n ang punto ko," bulong ko at sinalubong ang mata niya. "Ano bang puwede makapagpabago ng desisyon mo, Sandro?"

"Depends on what you'll do for me," aniya na pinagtakha ko. "You said you'll do anything, right?"

Tumango ako. "Oo. Kahit ano basta hindi mo lang ipagiba ang simbahan namin." Sagot ko. Tumayo naman siya at may kinuhang envelope sa ibabaw ng accent table sa tabi ng pader tsaka niya ito inabot sa'kin. "Ano 'to?"

"I made this contract last night. You can talk to my lawyer about the legality of it," saad niya. "Read it."

Kahit nagtatakha ay binuksan ko ang folder at dalawang papel ang nandoon. Isa 'tong kontrata kung saan sa pangalan ko ito nakalagay at may terms and conditions doon. "This agreement is made on this twenty third day of February between Sandro Miguel Montenegro and sister Adina of Christ the King Catholic Church. By signing this, all said names are agreeing to abide this contract made by Sandro Miguel Montenegro."

Pinagpatuloy ko naman ang pagbabasa at halos lahat ay sinasabi na dapat kong sundin ang gusto ni Sandro patungkol sa lupain na tinatayuan ng simbahan. May isang taon at kalahating palugit siyang ibibigay sa amin at kapag natapos ang palugit na 'yon ay dapat nakaalis na kami sa lupa na pagmamay-ari niya. Nakasaad din doon na wala akong pagsasabihan na kahit sino tungkol sa ugnayan namin dalawa na pinagtakha ko dahil para saan? Bakit hindi ko maaaring ipagsabi kahit kanino ang ugnayan namin? Sa huling section ng kontrata ay natigilan ako at maka-ilang ulit ko 'tong binasa. Napatingin ako kay Sandro na seryosong nakatingin sa'kin kaya muli kong binasa ang nakasaad sa kontrata.

"Adina must obey and submit herself to anything that Sandro Miguel Montenegro wants and by agreeing with this, all said conditions are effective until further notice." Pagbasa ko sa huli number sa kontrata bago tumingin kay Sandro. "Anong ibig sabihin nito?"

"Don't you get it?" tanong niya at nilapitan ako. Hindi ako nakakilos nang hawakan niya ang baba ko at haplusin ang labi ko gamit ang daliri niya. "You'll be my submissive for as long as I want, Adina in exchange of what you want."

"Submissive?"

"Yes. You'll submit your body to me and you'll obey me and do anything I say."

"Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang dinidiktahan ang buhay ko Sandro. Tingin mo ba papayag ako na sundin ang lahat ng sasabihin mo?" tanong ko sa kanya. "Buong buhay ko ay wala na kong ginawa kung 'di ang sumunod sa mga sinasabi ng kapatid ko at hindi ako papayag na isang hamak na katulad mo ang didikta muli sa kung ano ang dapat kong gawin."

PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon