NAPAHINGA ako nang malalim bago ako pumasok sa lobby ng building kung saan nakatira si Sandro. I wanted to talk to him about what happened and I'm also worried that he might still hurt. Hindi biro 'yung ginawa ni kuya Cain sa kanya noong isang araw at hindi din naman agad maghihilom ang mga sugat niya.
I'm glad that my brother respects my decision of getting back with Sandro. There was still a fear inside my heart but I need to overcome it if I really want to fix my relationship with him. Alam ko naman na marupok ako at kung ibang tao ang tatanungin ay malamang sasabihan nila ako ng tanga. Pero gusto ko pang mas makilala si Sandro at mas maging malalim ang ugnayan naming dalawa. And every time I think of him, I couldn't help but to imagine myself being tied by him again.
"Hello," pagkuha ko sa attensyon ng babae sa front desk. "Nandito ba si Sandro Montenegro?"
"Ano pong floor number, ma'am?"
"Thirtieth, 'yung penthouse."
"Ahm, I'm sorry ma'am but there's no tenants in the penthouse as of now."
Natigilan naman ako. "G-gano'n ba? Sige, salamat."
Sa sinagot sa'kin ng babae ay lugmo akong lumabas ng building. Gusto ko sanang tanungin si kuya kung saan nakatira si Sandro pero asa naman ako na sasagutin niya ang tanong ko. Napagpasiyahan ko na lang na pumunta ng simbahan dahil naisip ko din na dalawin sila mother Hannah. Ilang taon na din ang nakalipas at gusto kong kamustahin ang kalagayan nila.
Pagdating sa simbahan ay wala pa din itong pagbabago. Ang nostalgic sa pakiramdam habang pinagmamasdan ko ang paligid at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. This is the place where Sandro and I first met. Ang lokong 'yun na may ginagawang kababalaghan sa banyo na sobra kong kinainis.
That's when I realized that there are still a lot to see in this world. Nang makilala ko si Sandro ay saka ko lang nalaman ang madaming bagay na hindi ko alam. Doon ko naranasan maging makasalanan at bumigay sa tukso na kailaman hindi ko na maiiwasan. I was tied with that temptation and even if years had passed, Sandro never fail to make my body lust over him.
Sa pagpasok ko ng simbahan ay may mga iilang nagdadasal doon. Dumiretso naman ako sa harap at naupo sa silya para manalangin. I prayed to God and ask Him for guidance. I want let God be the center of my life and let Him guide me with all my plans.
"Adina?" napadilat ako ng mata nang marinig na may tumawag sa'kin. Nanlaki ang mata ko nang makita si sister Michelle sa harap ko at hindi ko napigilan ang sarili ko na yumakap sa kanya. "Diyos ko, ikaw nga!"
"Sister Michelle!" masayang bati ko bago kumalas ng yakap. "Kamusta ka na? Ang tagal natin hindi nagkita. Ang laki ng pinagbago mo."
"Oo nga at medyo nanaba ako," biro niya na kinangiti ko. "Kailan ka pa bumalik? Halika at maupo nga tayo ulit. Madami tayong pagke-kuwentuhan."
"Dalawang linggo pa lang ako dito sa Maynila. Pasensya na at hindi ko agad kayo nadalaw dahil sumama ang pakiramdam ko. Nahihirapan kasi akong matulog nitong nakaraan eh at saka may mga problema din kasi akong kinaharap kaya ngayon lang ako nakadalaw."
"Ayos lang 'yun basta't nakapunta ka. Kamusta naman ang pangingibang bansa mo?"
Ngumiti ako. "Ayun at isa akong pre-school teacher sa isang catholic school. Kahit papaano ay nalalaganap ko pa din ang salita ng Panginoon."
"Mabuti naman kung gano'n. Pangarap ko din makapunta sa Roma at makapagsimba sa Vatican."
"Matutupad din 'yan balang araw," naka-ngiting sagot ko bago ko nilibot ang paningin ko. "Si mother Hannah pala?" tanong ko at muling tinignan si sister Michelle. Napansin ko naman ang paglungkot ng mata niya at ang bahagya niyang pagyuko.
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...
