Chapter Thirty

1.9K 24 2
                                        


NAGUMPISA ang event sa speech ni Sandro at hindi ko maiwasang hindi mamangha habang nagsasalita siya. He's speaking with authority, power and intelligence. Bawat sinasabi niya ay puno ng determinasyon at bawat salita na nilalabas ng bibig niya ay nakukuha ang attensyon ng lahat ng tao. He looked confident and smart with the way he stood in the stage. Ang kisig ng pangangatawan nito na tila mas naging perpekto.

"Staring at awe?" bulong ni ate Sera sa'kin na siyang katabi ko. Napatingin ako sa kanya pero nanatili ang mata niya kay Sandro. "Pogi na niya lalo 'no? Ano, papakarat ka mamaya sa kanya?"

"H-ha?"

Natawa ito. "Miss mo na?"

Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya. "Ahm, hindi ko alam, ate."

"Sus. 'Wag kang pabebe, Adina. Kapag hinain sa'yo ang hotdog, lantakan mo na. Oops, don't forget to pray and thank God for the blessing."

"Si ate talaga oh." Natatawang sagot ko sa kanya.

"Sandro changed a lot when you left." Seryosong saad niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko. "He was devastated, you know? Noong nakita ko siyang umiiyak sa harap ni uncle Xyrus, sabi ko 'ah, tinamaan na ng lintek si gago'. Doon ko nalaman na iniwan mo na siya."

Bigla ko naman na-imagine ang sinasabi niya at may kung anong kumirot sa puso ko.

"Sinabi niya sa'min lahat-lahat. Mula sa pagpapakasal niya noon at sa pag-iwan mo sa kanya. He asked help, you know that?" ngumiti ito at napa-iling. "The mighty Sandro Miguel Montenegro asked us for help to find you. Mukhang naawa naman si Regan sa kapatid niya at nagsabi ng hint. May sa topak din ang baliw na 'yun eh tutulong na lang pinahula pa."

Napa-ngiti ako sa sinabi ni ate Sera. "I'm sorry if I left him."

"Don't say sorry, Adina. Babae ako at naiintindihan kita. Kung sa'kin mangyayari 'yun? Baka nabaliw na ako. Doon pa lang nga sa nangyari sa buhay ko noon ay halos magpakamatay na ko eh. Pa'no pa kaya 'yan 'di ba? But for you to stand for yourself and leave the man who made you happy, I salute you, Adina. Konti na lang tayong strong girls sa mundo."

"Thank you ate. You made me feel better."

"Advice ko lang sa'yo, Adina, bilang kapwa babae. Kung sa tingin mo kaya mo siyang patawarin sa likod ng mga ginawa niya sa'yo, gawin mo. I've been there. I've been hurt and I cried a lot of times because of my husband. Pero noong panahon na iiwan na ko ni Gavin, doon nag-sink in sa'kin lahat. Doon ko na-realize na kahit gaano pa karami 'yung kasalanan na nagawa niya, hindi nu'n matutumbasan 'yung mga bagay na pinaramdam niya sa'kin. Everything flashbacked in my head like a movie. Hindi ko pala kaya na wala 'yung lalaking 'yun sa'kin. Maisip ko pa lang na may tinotorjack siyang iba, nasasaktan na ko."

Napa-ngiti naman ako. Hindi ko alam kung ano 'yung mga pinagdaanan ni ate Sera pero ramdam ko sa paraan ng pagku-kuwento niya na talagang mahal niya ang asawa niya. But I will let God's plan be ahead of me. Ayaw ko na muling magpadalos-dalos pa. Ayaw ko nang magkamali muli.

"Kausapin mo siya ha? I know he has a lot to tell you."

Tumango ako. "I will."

Pagtapos ng maraming speech ay ni-launch na ang bagong produkto ng Morais Winery and Farm. And to my shock, it was the idea I gave to Sandro three years ago. Lalo ko pang kinagulat na ang pangalan ng produkto niya ay ang pangalan ko. His family was teasing me with their grins and stares and I couldn't help but to feel my cheeks burning up. Nag-simula na din ang pagse-serve ng pagkain pagtapos ng huling speech ni Sandro.

"Wala si Jupiter?" nagtatakhang tanong ko nang hindi ko nakita ang makulit nilang pinsan. Kakatapos ko lang kumain at hindi ko alam kung bakit parang wala akong gana.

PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon