MARIIN kong tinititigan si kuya Moises nang muli niya akong tawagan at nakipagkita sa'kin sa isang restaurant. Tahimik lang ito at hindi mapakali sa kinauupuan niya kaya naman napahinga ako nang malalim. Alam ko ang rason kung bakit siya nakipagkita sa'kin at ayaw ko naman pangunahan ang paguusapan na 'to dahil malaman ay alam naman niya ang isasagot ko.
"Adina, kahit isang linggo lang," aniya at hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. "We really need someone to be in vice president's position at ikaw lang ang tanging makakaayos ng mga problemang iniwan ni Jesux."
"Kuya..." I groaned in annoyance before pulling my hand from him. "Akala ko ba naiintindihan mo na ko?"
"I know, little sis. Pero kilala mo naman si Magnus. Hindi 'yun basta-basta kukuha ng kung sino para palitan si Jesux. Madami na din akong ginagawa at gano'n din si Abraham at Abel. Jesux left his position and he has a lot of business proposals to deal with but he's now nowhere to be found. The international conference for business tycoons is coming too. Pa'no niya 'yun haharapin kung wala siya dito?"
"Kuya Moises, hindi ko na 'yun problema. I know that I studied how Elinzano International works because that's what kuya Magnus wants me to do but I can't help you, all right? I have a lot of things to do and helping the company is not on my list. Pasensya niya."
Kahit naman papa'no ay naaawa ako kay kuya Moises dahil siya ang namomroblema sa iniwan ni kuya Jesux. Knowing kuya Magnus, malamang ay inasa niya kay kuya Moises ang trabahong 'to kaya naman aligaga itong kapatid ko sa pagpilit sa'kin na hawakan ang posisyon ng nawawala naming kapatid. Pero hindi ko na puwede pang idagdag sa isipin ko ang kompanya nila dahil inaasikaso ko ang Charity Ball ng Montenegro Foundation.
I'm thinking of inviting other known Foundations in the Philippines and make them work together in a one big program. I can propose feeding programs for homeless people in the country or give scholarship to deserving students. Pero siguro ay io-open ko muna ito kay sir Xyrus dahil wala naman ako sa posisyon para magbigay ng ganitong ideya.
"I'm sorry if I'm bugging you with this, Adina." Stressed na saad ni kuya Moises. "Wala lang talaga akong ibang mahanap na puwedeng tumulong sa'kin."
"Pasensya na din kung hindi kita matulungan, kuya. Alam mo naman na baka isumbat lang ni kuya Magnus ito sa'kin."
"Ba't ka naman niya susumbatan eh ikaw na nga ang tumulong sa kompanya niya?"
"Si kuya Magnus pa ba?" mahina akong natawa. Kahit naman ilang beses ko 'yun tulungan ipapamukha pa din niya sa'kin na ako ang may utang na loob at hindi siya. "Pero nasaan ba kasi si kuya Jesux?"
"Hindi ko din alam," sagot niya. "Pero sa tingin ko ay sumama siya sa ex-girlfriend niya."
"Ha? Bakit?"
"I heard she's back in the country and knowing Jesux, I bet he's running his ass again to that woman. Alam mo namang obsessed ang gagong 'yun kay Sitti."
"But she loves kuya Jesux, too." I answered and sighed. Matagal na din kasi mula nang mag-hiwalay si kuya Jesux at ate Sitti at sobrang na-broken hearted ang kapatid ko dahil doon. On and off din kasi ang relasyon nila dahil sa pareho silang busy sa trabaho nila. But I heard that ate Sitti had an affair that's why they broke up for almost a year or two.
"Huwag na natin silang pagusapan," aniya at nginitian ako. "Your birthday is coming, Adina. What do you want for your birthday?"
Doon na ko napa-ngiti. "Wala naman, kuya."
"Wala?" napa-iling ito tsaka tumayo sa kinauupuan niya. "Let's go home for a while at pagusapan natin ang birthday mo. Kahit man lang dito ay bumawi kami sa'yo. Palagi ka na lang namin ginugulo lalo na si Magnus."
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
Ficção GeralMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...
