NAPATULALA ako habang nakatingin kay sister Michelle. Hindi ako makapaniwala sa balitang narinig ko mula sa kanya. Ang simbahan na pinapahalagahan ko, ang simbahan na pinaglilingkuran ko, mawawala?
"T-totoo ba 'yan?" bulong ko.
"Oo. Pumunta kanina dito ang isang Montenegro para sabihin na nabili niya na ang lupain na tinatayuan ng simbahan. Hindi ko alam kung pa'no 'yon nangyari pero mawawala na ang simbahan natin, sister Adina!"
"Hindi yan puwede mangyari," puno ng pagaalalang sagot ko sa kanya bago mabilis na tinahak ang daan papunta kay mother Hannah. Naabutan ko siyang nakayuko sa isa sa mga bangko kaya nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya. "Mother, totoo ba ang nabalitaan ko? Binili ng mga Montenegro ang lupain na tinatayuan ng simbahan?"
"A-Adina..."
"Mother, please sabihin niyo po sa'kin."
Malungkot itong ngumiti. "Oo. Nagulat din ako sa nalaman ko kanina mula kay Father Jose. Alam niyong lahat kung gaano kamahal ni Father ang simbahan kaya sobrang sama ng loob niya sa pagbili ng mga Montenegro sa lupain na 'yon."
"Pero paano? Hindi ba't pagmamay-ari ng gobyerno ang lupain na 'yun? Paano nila 'yun nabili?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Napa-iling naman siya. "Hindi ko din alam kung paano pero mayaman ang mga Montenegro, kaya nilang bilihin ang kahit ano. Kahit pa ang mga lupain na pagmamay-ari ng gobyerno."
"Hindi ako papayag," mariing saad ko. "Sino po ba ang bumili sa lupang 'yon?"
"Hindi ako sigurado pero narinig kong tinawag ni Father Jose ang dumating kanina na Sandro."
Natigilan ako at hindi ko napigilan ang galit na umusbong sa kalooban ko. Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at lumakad palabas ng kumbento. Tinawag pa ko ni mother Hannah pero hindi ko siya pinakinggan. Hindi ko alam kung saan hahanapin ang lalaking 'yun kaya saglit akong tumigil sa paglalakad at mabilis na hinugot ang cellphone sa bulsa ko.
Agad kong tinawagan ang kuya Moises ko at wala pang ilang ring ay sinagot din naman niya 'yon. "Kuya?"
"Oh, bunso. Do you need anything?"
"Kuya puwede mo bang sabihin sa'kin kung ano ang negosyo ni Sandro Montenegro?" mabilis kong tanong. Ilang saglit naman itong hindi nakasagot sa kabilang linya.
"Why, Adina? Are you going to do what Magnus told you?"
"No," mariin kong saad at pumara ng taxi. "Para ito sa simbahan namin, kuya. Kaya please? Sabihin mo sa'kin kung saan ko siya puwedeng makita."
"Adina..." bulong niya sa kabilang linya at narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "All right. Sa pagkakaalam ko ay siya na ang may-ari ni Morais Winery and Farm sa La Union at may physical office siya sa building ng Montenegro Corporation. May mga club din siya sa Quezon City pero madalas siya sa isang club niya sa Taguig."
"Anong pangalan ng club kung saan siya madalas?" agad kong sagot.
"Wait, para saan ba 'to Adina? Ano bang nangyayari?"
"Kuya, just please tell me."
"Hindi ko sasabihin sa'yo hangga't hindi mo sinasabi sa'kin kung anong nangyayari. What happened to the church? Bakit kailangan mong makausap si Sandro? That man is savage, Adina." sagot niya. "You know that the Montenegros hate us too, right? Baka kung anong gawin niya sa'yo Adina. You can't handle someone like him."
"I know that, kuya. Gusto ko lang siyang kausapin ng personal kaya sabihin mo na sa'kin kung ano ang pangalan ng club niya," giit ko. "Wala akong gagawin na kahit na ano na gagamitin niya laban sa inyo kung iyon ang iniisip mo. This is only for the church."
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...
