MAAGA akong nagising kinabukasan para magluto ng umagahan namin ni Sandro. Napangiti ako nang ang guwapong mukha niya ay ang unang nagisnan ko kapag dilat ko. Talaga nga namang nababago na ni Sandro ang buhay ko sa araw-araw na magkasama kami. Katulad na lang kagabi na kusa kong hiniling na gamitan niya ko ng mga laruan at buo ang desisyon ko nang sabihin ko 'yun sa kanya.
Napahinga ako nang malalim bago tumayo sa kama. Dumiretso ako sa walk-in closet niya para humiram ng panibagong t-shirt tsaka ako naligo sa banyo. Nang makalabas ay gano'n pa rin ang posisyon ni Sandro sa kama na nakadapa at mahimbing ang tulog kaya lumabas na ko ng kwarto at lumakad sa kusina para umpisahan na ang pagluluto.
Nag-prito ako ng bacon at hotdog at nilagay ko naman sa bread toaster ang loaf bago ako nag-timpla ng kape para kay Sandro. Hindi ko alam kung anong gusto niyang lasa ng kape kaya hahayaan ko na lang siya na maglagay ng sugar or cream. Ako naman ay kumuha lang ng fresh milk sa ref at naglagay sa isang clear glass.
"Adina!" nagitla ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Sandro sa buong bahay. "Where are you?! Adina!"
"Sandro?" tawag ko sa kanya at palabas na sana ng kusina para salubungin siya nang bigla itong sumulpot sa harap ko. Hingal na hingal at magulo ang buhok niya nang lapitan ako at mahigpit na niyakap. "H-hey..."
"I-I thought you left me again," bulong niya at tila may kung anong kumirot sa dibdib ko dahil sa malungkot na tono ng boses niya.
"Hindi ko na gagawin 'yun," sagot ko at marahan na kinalas ang yakap niya sa'kin. I smiled softly and held his cheek. "Breakfast?"
"Y-yeah, sure."
Hinawakan ko ang kamay ni Sandro tsaka iginaya papunta sa high stool sa kusina at doon pinaupo. Pinaghanda ko naman siya ng umagahan habang tahimik naman niyang pinagmamasdan ang ginagawa ko.
Nilapag ko ang kape sa harap niya bago siya tinabihan ng upo. "I don't know what you like on your coffee so...ikaw na lang bahala maglagay ng sugar or cream."
"Thanks," ngumiti ito bago naglagay ng asukal sa kape niya at walang cream. Tahimik naman namin inumpisahan ang pagkain at panaka-naka ko siyang sinusulyapan dahil tila hindi maganda ang gising niya.
"I'm thinking of quitting being a nun," umpisa ko ng topic na kinalingon niya sa'kin. "Hindi na ko malinis sa harapan ng Panginoon at ayaw ko naman ipagpatuloy ang pagiging madre habang gumagawa ako ng kasalanan."
"Adina."
Mahina akong natawa tsaka binitawan ang mga kubyertos na hawak ko. "Hindi kita sinisisi, okay? Pero sa tingin ko ay mas mabuting huminto na lang ako. I can still do charity works and volunteer to the church if they need manpower, though."
"Adina," tawag niya na kinalingon ko sa kanya. "I'm not asking you to quit being a nun. You like doing that, all right, I have nothing against that."
"But Sandro, I have sinned. I have been doing bad things with you that God doesn't want. Tingin mo ba hindi ako nakokonsensya sa ginagawa natin? Fine, aaminin kong gusto ko 'yun. Gusto ko 'yung bawat ginagawa natin sa kama pero hindi ko kayang harapin ang Diyos kung hindi naman malinis ang konsensya ko."
"You said that this is your dream and I am sorry for ruining it for you, Adina. I understand your point but how about what you'll feel after quitting?"
"Sandro." Napahinga ako nang malalim. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. I love serving the Lord but my conscience won't let me do my job peacefully. Kung puwede lang ibalik ang nakaraan ay gagawin ko para lang mabura ang lahat ng kasalanang ginawa ko. But it's been done and I can't do anything to change it.
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
Ficção GeralMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...