FELIX taught me how to ride a horse. Sa kabayo niyang si Johnny ay sinakay niya ako at nasa likod ko naman siya. Sinabayan na din niya ang pagtuturo sa'kin mangabayo sa pag-tour sa'kin sa buong farm nila. He showed me the warehouse where they stock the fruits and vegetables. Dinala din niya ko sa kwarto na nagsisilbing opisina niya tuwing nandito siya sa La Union. Kanina pa din siya nagke-kwento tungkol sa pamilya niya.
"My parents are friends with Sandro's parents that why we kind of get along pretty well. Kalaro ko siya noon at close kami. Medyo nagkalayo lang ang loob namin mula noong hindi na siya gaanong pumupunta dito."
"Bakit naman?" tanong ko. Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa kwadra at hila-hila naman niya si Johnny sa tali nito.
"Naging busy kasi siya sa pagaaral ng negosyo nila dahil magre-retire na ang lolo niya at ako naman ay busy din sa mga bagay bagay." Sagot niya na kinatango ko. "How 'bout you, Adina? Tell me something about yourself."
"Ahm, isa akong madre," pag-amin ko at katahimikan ang bumalot sa'min.
"No shit. Tell me you're kidding," saad niya makalipas ang ilang saglit.
Tumango naman ako. "Oo. Pero lately ay naiisip ko na mag-quit sa pagiging madre."
"Why? Is it because of Sandro?" tanong niya na kinatingin ko sa kanya. "May gusto ka na sa kanya?"
"Wala."
"Weh?"
Umikot ang mata ko. "Bakit palagi niyong tinatanong kung may gusto na ko sa kanya? Mag-kaibigan lang kami ni Sandro 'no. Tsaka parang wala naman sa vocabulary niya ang magkaro'n ng girlfriend."
"Really? Iba kasi kayo makatingin sa isa't-isa."
"What do you mean?" tanong ko. Huminto naman siya sa paglalakad at hinarap ako.
"It's full of admiration, respect, tenderness. Para bang patay na patay kayo sa isa't-isa, gano'n!" tumawa ito. "But kidding aside, it's really true that the way you both look at each other is something people can see to lovers. Pag-ibig kasi ang meron sa mga mata niyo."
Ako naman tuloy ang natawa. "Ang OA mo naman!" sagot ko sa kanya. Kung respeto lang sana ay sasangayon ako kay Felix. I respect Sandro because he's a good person and of course he's my dominant. Admiration? Well, quite accurate since I admire his manliness and authority. Pero 'yung tenderness at pag-ibig? Malabo ata?
"Seryoso, bagay kayo."
"Sira! Tara na nga."
"I'm going to start the SanDina ship."
"What?"
"Sandro plus Adina equals SanDina. Hindi mo ba alam 'yung mga love team names ng mga artista?" aniya kaya umiling ako. "Now you know."
"Pero hindi naman kami artista."
"I know but you'll make a good couple." He said and left me wondering. Bagay kami ni Sandro? Ang labo ata no'n. Pa'no magiging bagay ang dalawang tao na magkalaban ang pamilya? Baka nga sa oras na malaman niya na Elinzano ako ay kalimutan na niyang may Adina siyang kaibigan.
Nahabol ko naman si Felix kaya sabay kaming lumakad. Tahimik lang siya kaya sinilip ko ang mukha niya. Napansin ko ang malungkot na ekspresyon sa mata niya na pinagtakha ko. Kanina lang ay ang saya-saya niya pa.
"Are you all right?"
"I liked Sandro, you know." Sagot niya na kinatahimik ko. "It was his last summer here when I realized that I really like him."
"F-Felix, what do you mean?"
Tiningnan niya ako. "I'm a bisexual, Adina. I like both genders." Pag-amin niya na kinagulat ko. I covered my mouth in shock and he smiled at me. "Yeah, surprising, isn't?"
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...
