PIGIL ko ang luhang gustong kumawala sa mata ko habang mabilis akong nagiimpake. Matapos ng nangyaring sagutan sa'min ni Sandro at sa mga rebelasyon na nalaman ko ay napagpasiyahan ko nang umalis dito sa condo na binigay niya sa'kin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung anong gagawin ko gayong nakasanayan ko nang kasama si Sandro mula nang umalis ako sa kumbento.
Pakiramdam ko ay pinaparusahan ako ng Diyos dahil sa mga kasalanang ginawa ko. Ang mga masayang araw na naranasan ko ay tila biglang binawi Niya sa'kin. I never expected these things to happen to me but thinking of what the sins I did makes me realized that this is God's way of disciplining His children. I broke a lot of rule when I was still a nun and one of it is having intimate relationship with someone. Isa pa ay ang hindi ko pagsunod sa sinasabi ng bibliya na ang pakikipagtalik ay tanging sa mag-asawa lamang.
Lahat talaga ng kasalanan ay kapalit na kaparusahan at 'yun ang napatunayan ko ngayon.
Matapos kong iligpit ang mga damit ko ay lumabas ako ng condo at pumara ng taxi. Isang tao lang ang alam kong malalapitan ko ngayon at alam kong hindi siya matutuwa kapag nalaman niya ang nangyari sa'kin. Knowing kuya Cain, I'm sure he'll be in rage if he saw me like a mess but I will do my best to prevent him from going to Sandro. Ayaw ko na nang gulo at ayaw ko din na masaktan si Sandro dahil lang sa'kin.
Pagkarating sa building ng penthouse ni kuya ay agad akong pumasok sa loob. The guard greeted me as I walk towards the receptionist. Nagtatakhang tinignan naman niya ko kaya binitawan ko ang hawak kong maleta at inayos ang sarili ko. Alam ko naman na mukha na akong gusgusin sa hitsura ko ngayon. My hair is a mess and my eyes are red and puffy from crying.
"Ahm, I'm here for Cain Elinzano."
"Mr. Elinzano just left thirty minutes ago, ma'am."
"Okay. Magaantay na lang ako sa kanya." Sagot ko at lumakad sa couches na nasa lobby at naupo doon. Doon ko lang naramdaman ang pagod nang makaupo ako.
Nitong mga nakaraang araw ay napakaraming nangyari sa'kin. First, the truth about my identity and the Elinzano. Hindi ko mawari kung bakit kailangan gawin ni kuya Magnus ang bagay na 'yun sa amin. Gusto kong magtanong pero para saan pa? At isa pa, sasabihin ba niya ang totoo sa'kin kung sakaling magtanong ako? Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon at parang gusto kong sumigaw dahil sa sobrang sama ng loob. Pero sabi nga 'di ba, lahat ng problemang dumadating sa buhay natin ay pagsubok ng Diyos? Alam kong malalampasan ko din 'to.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa lobby. Nagising na lang ako nang maramdaman na may humahaplos sa pisngi ko kaya napasinghap ako at napatingin sa lalaking kaharap ko. He smiled softly and seeing him made my tears build beside my eyes.
"K-kuya," bulong ko at mahigpit na yumakap sa kanya. Kusang tumulo ang mga luha ko at hindi ko napigilan ang paghagulgol ko habang yakap siya. Para akong bata na inaway at pinagtanggol ng kapatid ko. I really need him now to make me feel better.
"You can tell me everything in my house. Come on." Bulong niya at kinalas ang yakap namin. Pinunasan ni kuya Cain ang luha ko at inayos ang buhok ko saka niya binitbit ang maleta ko. Doon ko lang napansin si Regan sa likod ng kapatid ko na nakatingin sa'kin. I smiled at him but he ignored me.
Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa penthouse ni kuya Cain. Pinainom niya muna ako ng tubig at pinaupo saka siya pumwesto sa tapat ko at inaantay na magsalita ako. I breathed deeply and think about the right words to tell my brother that will not trigger him to do something bad.
"I left Sandro," umpisa ko at sinalubong ang asul niyang mata. "I decided to call it quits."
"Why?"
BINABASA MO ANG
PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 4 Life has a lot of different emotions and I barely saw its tip because I imprisoned myself away from the sinful life outside the convent. Ngunit kasalanan na ang mismong pumasok sa buhay ko at binago nito ang p...
