Chapter Nineteen

2K 22 1
                                        


UNANG ARAW namin sa farm ay pinasyal ako ni Sandro sa grapes farm nila. Pinakilala niya ako sa mga farmers nila at masaya ako na makilala silang lahat. They are all very welcoming and the way they treat me is like family. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong awkwardness sa paraan ng pakikitungo nila sa'kin. Sandro seemed to be very relaxed and different too. Para itong ibang tao dahil sa kadaldalan niya ngayon.

"This is manang Lilia, siya ang nagbabantay sa'min noon ni Jupiter kapag naglalaro kami dito sa farm," pagpapakilala ni Sandro sa isang matanda. May balabal itong nakataklob sa ulo niya at nakasuot siya ng t-shirt na may mahabang manggas, jogging pants at rain boots.

"Girlfriend mo ba 'to Sandrino?" tanong ni manang Lilia at natawa ako sa nickname niya kay Sandro.

"She's my secretary." Anito at huminga nang malalim. "Why are you all asking me the same question?"

"Eh pa'no naman kasi ngayon ka lang nagdala ng babae dito," sagot ng isang lalaki na sa pagkakatanda ko ay kuya Kokoy ang tinawag ni Sandro sa kanya. "Palaging si Jupiter ang kasama mo tapos hindi ka pa nagke-kwento sa'min kung may girlfriend ka ba o wala."

"Wala akong girlfriend, okay?"

"Bagay pa naman kayo ni Adina." Muling saad ni manang Lilia. "Ang ganda pa pareho ng mga mata niyo."

"Salamat po," naka-ngiting sagot ko bago tumingin kay Sandro na kapwa nakatingin sa'kin. I smiled at him but he just looked away. Nakagat ko naman ang labi ko bago tumabi kay ate Cecil. "Puwede ba ko tumulong mamitas, ate?"

"Oo naman."

"Ano po bang gagawin?"

"Yung mga green na grapes ang pipitasin natin ngayon. Iyon kasi ang ginagamit ng winery ngayon para sa mga iimbak na alak para sa buwan na 'to."

"Sige po." Sagot ko at kinuha ang basket na binibigay niya sa'kin.

Napatingin naman kami nang may dumating na isang lalaki at nginitian ko siya nang makilala ko 'to. Mukhang nagulat naman siya nang makita ako pero agad din nakabawi at mabilis na lumapit sa'kin.

"Adina, nandito ka."

"Hi, Felix." Bati ko sa kanya. "Ikaw, bakit nandito ka?"

"Katabi lang ng farm nila Sandro ang amin. Did I tell you that we're business partners?"

"Ahm, hindi."

"Now you know," he answered and let out a low sexy chuckle. Pinagmasdan ko naman ang lalaki. He has this chill aura on him. Sa unang tingin ay parang shy type siyang tao pero agad din naman mawawala ang impression na 'yun kapag ngumiti na siya at nagsalita. He has this deep set of hazel eyes and I feel like he's staring at my soul whenever he looks at me. Matangos din ang ilong niya at meron siyang manipis at mapulang labi. Matangkad din ang lalaki at tama lang ang laki ng pangangatawan niya.

"Mamimitas ako ng grapes. Gusto mo bang sumama?" pagaaya ko sa kanya na agad niyang kinatango.

"Sure."

"Adina," singit ni Sandro sa'min na kinalingon ko sa kanya. Malamig ang tingin nito sa'kin at kunot ang noo niya. He was staring at me with furious and it was like he's ready to devour me anytime.

"Ahm..."

"Uuwi na tayo," aniya at akmang hihilahin ako nang maunahan siya ni Felix.

"Man, why are you going home with her? Mamimitas pa kami ng grapes."

"It's none of your goddamn business, Baron."

"Okay lang, Felix." Sagot ko at pilit na ngumiti. Sandro took the basket from me and threw it somewhere before he dragged me away from the farm. Dire-diretso lang siya hanggang sa makaakyat kami sa kwarto niya.

PLEASURABLE RESTRICTIONS ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon