Prologue
"Daddy I don't want to get married! I'm only twenty three. Beside hindi naman ikakalugi ng company mo kung hindi ako magpakasal sa anak ng kompadre mo," maarteng wika ni Shey sa ama.
"It's not about for our company hija. It's for your future. Gwapo, mayaman at tagapagmana ng airlines si Daniel Sarmiento. You know your Tito Danilo. Alam mo namang botong-boto sayo ang tito mo para kay Daniel. Isa pa, matagal ka ng sinusuyo ni Daniel."
"Dad, he is so mayabang. And I don't fall for him. He is so gwapo and I see it. Hindi ako bulag. But, there's a but dad. Sobrang yabang ng anak na iyon ni Tito Danilo. That's why, I can't see my future with him," sagot niya sa ama.
"Pero anak, mabait si Daniel. Okay medyo may pagkamayabang nga ang batang iyon pero mahal ka niya."
"No dad! He is not in love with me. Gusto lang niya ako kasi, gusto niyang ipagyabang sa mga kaibigan niya, na ang girlfriend niya pagnagkataon ay ang anak ng may-ari ng Pagsinuhin Plantation. Na siyang nagsusupply ng mga prutas at gulay sa palengke at mga mall. Isa pa mayroon tayong matatag na kompanya na siyang gumagawa ng mga process fruits, juice, asukal at iba pa. Isa pa isa ang kompanya natin sa gumagawa ng sikat na kape na tinatangkilik ng masa. Saan pa s'ya? Kaya no dad. I don't like him," nakasimangot na sagot ni Shey sa ama.
"Ano naman ang sasabihin ko sa Tito Danilo mo? I want to secure your future. Kaya gusto ko si Daniel para sayo. Sila ang may-ari ng Sarmiento Airlines. Kung mayaman tayo anak, mas mayaman sila kaya naman alam kong mapupunta ka sa mabuting kamay. Kaya naman anak. Pumayag ka na. Kasi sa susunod na buwan. Idadaos ang engagement party ninyong dalawa," mahabang pahayag ni Henry na hindi napigilan ni Shey na pagtaasan ng boses ang ama.
"Daddy! I don't! I don't! And I don't! Hindi ang tulad ng hambog na iyon ang mapapangasawa ko!"
"Shey Pagsinuhin!" malaks na boses ng ama.
"Aminado akong maarte ako. Lahat ng gusto ko sa isang pitik lang nangyayari. Isang utos ko lang may gagawa para sa akin. Pero mas gusto ko pa ring magpakasal sa isang taong mamahalin ko, at mamahalin ako, sa kabila ng ugali ko. At hindi iyong para lang ipagmayabang, kahit hindi ako mahal. It's a big no dad!" may diing pagtanggi niya sa ama.
"Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa mga Sarmiento kung hindi ka papayag sa napagkasunduan namin ng tito mo. Ayaw kong mapahiya. Ganoon din siya. Sa ayaw at sa gusto itatakda ang ayaw ng engagement party ninyo ni Daniel!" maawtoridad na wika ng kanyang ama.
"Mas gugustuhin ko pang maging asawa si Piping kay sa doon sa hambong na iyon," inis na sambit niya.
"And who's that Piping anak?" napapaisip na tanong ng ama.
"Our gardener," nakangising wika ni Shey, bago iniwan ang ama sa library.
"That brat!"
Napahilot na lang si Henry sa kanyang noo sa katigasan ng ulo ng kanyang anak. Buhat kasi ng mawala ang mommy nito noong five years old ito ay hindi na niya natutukan ang anak. Kaya ang nangyari, ay lahat ng nais nito ay ibinibigay niya. Lahat ng gusto nito ay sinusunod niya. Kaya naman lumaki itong spoiled brat. Ngayon naman ay hindi niya mapasunod. Tumigas na ang ulo. Maarte pero mabait pa rin ang kanyang anak, at may puso sa mahihirap.
Pagkalabas naman ni Shey ng library ay dumiretso agad ito sa may pool. Nahiga muna siya sa lounge chair na nandoon. Tinawag din niya ang yaya niya at nagpatimpla siya ng orange juice.
"Anak ito na ang orange juice mo. Okay ka lang ba? Nag-away na naman ba kayo ng daddy mo?" tanong ni Yaya Lourdes sa kanya. Narinig kasi nito ang sagutan ng mag-ama.
Ang Yaya Lourdes ang siyang kinalakihan niya. Mula ng mawala ang mommy niya, ito na ang gumabay sa kanya, mabait ito at itinuring na rin siyang anak. Kaya naman pagnag-aaway sila ng daddy niya ay dito na siya nagsusumbong. Ito din ang mas nakakakilala sa kanya.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...