Chapter 10

176 4 2
                                    

Chapter 10

Nakangiti pang kumaway si Igo kay Shey ng tawagin siya nito. Hinihintay lang niya sina Cy at Jose bago lapitan si Shey ng magulat siya sa isang bulto ng babae na hindi niya napansin na nakalapit na sa kanya. Sa gulat ay hindi niya nagawang iwasan ang pagyakap nito at ang paghalik ng babae sa pisngi niya. Nagawa pa nitong ihilig ang ulo sa kanyang balikat habang kapit tukong nakahawak sa braso niya. Kahit pawisan siya.

"Igo namiss kita. Ang tagal nating hindi nagkita. One month din iyon. Hindi mo ba ako namimiss." Ani ng babae na pilit niyang itinutulak, para bumitaw sa pagkakakapit sa kanya.

"Chellay, ang tahimik ng mundo ko ng wala ka, tapos ngayong dumating ka. Haist! Bitaw na!"

"Hindi ako bibitaw."

"Pawisan ako." Aniya.

"Mabango ka pa rin. Ayaw mo lang aminin na namiss mo ako. Ikaw talaga. Pero don't worry kasi, dito lang ulit ako para sayo." Nakangiting wika pa ni Chellay ng makalapit sa pwesto nila ni Cy at Jose.

"Hi Cy. Hello Jose. Tamang-tama breaktime ninyo ano? Nagugutom din ako. Sabay-sabay na tayong magtungo sa karinderya ni Aling Lucing." Bati pa ni Chellay sa dalawa na ikinatango lang ni Jose.

"Sige. Tara na." Sagot ni Cy.

"Mauna na kayo. Susunod na lang ako." Ani Igo na nakatingin sa pwesto ni Shey. Hindi naman umaalis sa pwesto niya ang dalaga. Napangiti naman si Igo ng maisip na para talaga itong bata. Mabait na bata sa totoo lang. Nang sinabi niyang wag umalis sa pwesto nito hanggang ngayon nandoon pa rin.

"Nakangiti ka Igo. Sinasabi ko na nga bang namiss mo ako. Tara na." Pamimilit pa ni Chellay.

"Mauna na kayo, susunod ako."

"Saan ka pa ba pupunta Igo? Tara na. Nagugutom na ako." Sabay higit ni Chellay sa braso ni Igo pero hindi naman natinag ang huli.

"Wag ka ng makulit Chellay mauna na tayo kung nagugutom ka na. Susunod din naman si Igo sa karinderya. Tara na." Pag-aaya ni Cy.

"Sasabay na lang ako kay Igo. Mauna na kayo." Tugon ni Chellay at nagkibit balikat na lang si Cy at inaya na si Jose na mauna na sa kanila.

"Ano ba kasing uunahin mo?" Pangungulit pa ni Chellay habang naglalakad sila papalapit sa tricycle ni Igo.

"Sino s'ya?" Mataray na tanong ni Chellay at sinuri pa si Shey ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Si Shey nga pala Chellay."

"Chellay nga pala, girlfriend ni Igo." Pakilala ni Chellay sa sarili sabay abot ng kamay kay Shey.

Hindi naman malaman ni Shey kung ano ang dapat niyang sabihin. "May girlfriend na pala si Igo, sabagay maganda naman siya. Pero hindi naman ako magpapatalo kung sa ganda din lang. Mas higit naman ang lamang ko sa Chellay na ito kung ganda talaga ang pag-uusapan." Pangungumbinsi pa ni Shey sa sarili sa kanyang isipan.

"Sinasabi mo Chellay. Girl, friend pwede na rin. Hindi girlfriend. Magkaiba iyon." Paglilinaw ni Igo kaya naman biglang lumabas ang simpleng ngiti ni Shey.

"I'm Shey. Igo's roommate. I'm living with him." Nakangitin wika ni Shey, habang tinatanggap ang kamay ni Chellay.

"Anong sinasabi niya Igo! Magkasama kayo sa iisang bahay? Sayo siya nakatira? Pinagtataksilan mo ba ako? How could you do this to me!? Why you cheated on me!" May diin wika ni Chellay ng makatanggap siya ng isang pitik sa noo mula kay Rodrigo.

"Pinagsasasabi mo? Hindi at hindi kita girlfriend. Anong cheated-cheated? Hindi kita pinagtataksilan. Bitawan mo na nga ako at baka magbago pa ang isip ko, hindi kita hayaang sumabay sa amin sa pagkain." Ani Igo na halos magdabog pa si Chellay sa harapan niya.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon