Chapter 3

255 4 0
                                    

Chapter 3

Pagkatapos magbihis ay tumuloy na ng kusina si Rodrigo para makapagluto ng hapunan. Kung siya lang ang tatanungin ay nais na lang sana niyang magkape, dulot na rin ng pagod na nadarama. May natira pa naman siyang bahaw na pandesal mula pa kaninang umaga, kaya sapat na sanang panghapunan niya iyon. Pero dahil sa babaeng kasama niya ngayon, heto siya at nagsisimula ng magluto.

Mayroon naman siyang pechay na nakita sa ref. May maliit na refrigerator siya sa kanyang kusina. Iyon talaga ang pinag-ipunan niya ng unang tungtong niya ng San Lazaro. Sa isang liblib na lugar sa mas malayo pang probinsya nagmula si Rodrigo. Pero simula ng magkaisip ay nagawa niyang lisanin ang kinalakihang bayan. Wala na rin naman siyang mga magulang. Pumanaw ang mga ito noong bata pa siya. Kaya mula noon natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Matapos makapagluto ay bumukas naman ang pintuan ng banyo at iniluwa si Shey.

"Iwan mo muna iyang damit mo dyan. Halika dito at ng makakain ka na. Nagugutom na rin ako." Tawag niya dito at wala namang pag-aatubiling lumapit ni Shey sa kanya.

Nakaupo na si Rodrigo at nagsasandok na ng pagkain ng mapansin niyang nakaupo lang si Shey at nakatitig sa pinggan na nasa harapan nito.

"Hindi ka ba kakain?"

"Kakain."

"Ay ganoon naman pala, pero bakit hindi ka pa kumukuha ng kanin?"

"Hindi mo ba ako lalagyan niyan?" Tanong ni Shey na hindi na lang nagawang magtanong ni Rodrigo at nilagyan na lang niya ng kanin ang pinggan nito.

Pero ng akmang lalagyan niya ng ginisang pechay ang pinggan nito ay mabilis naman siyang pinigilan nito.

"Bakit?" Inosenteng tanong ni Rodrigo na mabilis na ikinailing ni Shey dito.

"What was that? It's a grass? I don't like it! I don't eat that! I'm not a cow!" Maarteng wika ni Shey na nagpatigil kay Rodrigo.

"Sandali lang Shey. Pag hindi ka kumain nito, wala kang kakainin, magugutom ka. Isa pa hindi yan damo. Bakit mukha dib ba akong baka? Para isipin mong pagkain ng baka yan? Tsk."

"But I don't know what is that. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang damo." Pag-amin niya.

"Paano mo nasabing ngayon ka lang nakakita nito, kung wala kang maalala? At isa pa nakakahalata na ako sayo, kanina ka pa English ng English. Isa pa mukha ka namang mayaman. Bakit kaya hindi na lang tayo humingi ng tulong sa mga pulis, para mahanap ang pamilya mo? Kay sa ipagpilitan mong damo itong kinakain ko. Haist." Sunod-sunod naman ang pag-iling ni Shey sa sinabi ni Rodrigo.

"Dito na lang muna ako. Hanggang sa may maalala. Hindi naman ako nag-English ah. Baka naman akala mo lang iyon. Wala nga akong maalala, kaya hindi ko alam kung ano yang damo na iyan." Sagot pa niya.

"Okay ipapakilala ko ito sayo ha. Pechay ang tawag dyan at ginisa ang luto niyan iyan lang ang maiibigay kong ulam sayo kaya kumain ka na." Wika ni Igo sabay subo sa pagkaing nasa pinggan niya. Pero si Shey ay hayon at tulala pa rin sa plato niya.

"Lalamig na ang kanin mo. Kumain ka na." Pero hindi talaga matanggap ni Shey na kainin ang pagkaing iyon. Nasa tingin niya ay damo.

"Do you have eggs?" Tanong ni Shey na nagpatigil sa pagsubo ni Igo.

"I mean." Huminga muna siya ng malalim.

"Ibig kung sabihin, may itlog ka? Itlog mo na lang ang uulamin ko." Inosenteng tanong ni Shey na siyang ikinasamid ni Rodrigo. Mabuti na lang at may nakahanda siyang tubig sa mesa kaya mabilis niya iyong nainom at naibsan ang pagkakasamid na nadarama.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Shey sa kanya.

"Oo naman buhay pa. Mayroon namang itlog sa ref. Sige kung iyon ang makakain mo." Pagpayag ni Rodrigo pero hindi naman umaalis sa upuan niya si Shey.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon