Chapter 25
Gabi na ng makauwi sina Shey at Igo sa bahay nila. Kung gaano katagal ang trabaho ni Igo, sa pagkakargador sa palengke, ay ganoon ding katagal ang pagstay ni Shey sa pwesto nito, kung sawn siya iniwan ni Igo. Pagtinatanong naman kasi ni Igo ang kasintahan kung naiinip na ba ito or kung gusto ng umuwi, ay palagi lang nitong sinasabi na ayos lang ito at masaya ito habang pinapanod siya. Kaya ang ending gabi na natapos ang trabaho ni Igo kaya hanggang gabi ding nakatunganga si Shey sa isang sulok ng palengke.
"Mahal ko, ako na ang magluluto, pero sana pagtagan? I can't remember the exact word." Reklamo ni Shey kaya natawa naman si Igo.
"Ikaw na ang magluluto at pagtyagaan ko na lang ang luto mo. Ayon ba ang nais mong sabihin mahal ko?"
"Yes! The pagtyagaan word. Alam kong pagod ka, kaya naman ako na lang magluluto ng panghapunan natin." Malambing na sambit ni Shey.
"It's okay mahal ko, kaya ko pa namang magluto. Kahit wala kang ginagawa kanina alam kong napapagod ka rin. Ako naman ay sanay sa ganitong bagay. After ng pagkakargador ko sa palengke ako din naman ang nag-aasikaso sa sarili ko noon kaya sanay na ako. Iyon nga lang ngayon, nandito ka na. Iyong pagod na nararamdaman ko biglang nawawala pagnakikita kita." Kinilig naman si Shey sa sinabing iyon ng kasintahan.
"Alam mo mahal ko, parang gusto kong isipin na napakabolero mo. Pero bakit kinikilig ako sa sinabi mo?"
"Kasi mahal kita at mahal mo ako. I love you mahal ko."
"I love you too, mahal ko." Sagot niya.
"Ako na ang bahalang magluto, dito ka na lang muna. Manood ka ng tv habang namamahinga. May gusto ka bang kainin sa ngayon?" Tanong ni Igo at napaisip naman si Shey.
"Ayaw kong mapagod ka pa lalo. Gusto ko na lang iyong hard boiled na itlog mo mahal ko." Nakangiti pang wika ni Shey at napaharang naman si Igo ng kamay sa kanyang bandang harapan.
"Mahal ko naman, ang tagal na nating magkasama, hindi ka pa rin ba natututo na pag itlog ang pinag-uusapan wag mong lagyan ng mo. Nakakatakot pakinggan eh." Paliwanag ni Igo.
"Sorry mahal ko. Iyon na lang mahal ko ang kakainin ko, itlog na hard boiled. Tapos, iyong cucumber na binili mo kanina." Medyo napatungo pa si Shey at nahiya siyang bigla kay Igo.
"Ang mahal ko talaga, halika nga dito. Para may energy ako sa paggawa ng hapunan natin." Lumapit naman si Shey at hinalikan naman ito ni Igo sa noo.
"Bawi ako sayo maya." Pilyang wika ni Shey, na mas lalong idinikit ang katawan kay Igo.
"Naku mahal ko, balik ka na nga sa kinauupuan mo. Magluluto na ako at baka mamaya magbago ang isip ko, iba pa maging hapunan natin." Wika ni Igo at iniwan na si Shey sa harap ng bukas na tv at nagtungo na sa kusina.
Napangiti naman si Shey habang tinitigan ang likod ni Igo habang papalayo sa kanya. "Mahal na mahal kita Igo, sana maunawaan mo ako kung bakit ako nagsinungaling sayo. Pero ngayon handa na akong sabihin sayo kung bakit ako napunta sa poder mo."
Matapos nilang kumain ay si Igo na ang nagligpit ng pinagkainan nila. Si Shey naman ay naghanda na para sa pagtulog. Matapos ang paglilinis ng katawan ay nahiga na rin si Igo sa kama. Napaungol pa ito ng maramdaman ang sarap na mailapat ang buong katawan sa kama.
"Ang sarap talaga mahal kong ilapat ang katawan sa higaan, matapos ang maghapong pagtatrabaho."
"Gusto mo ba ng masahe ko?" Ani Shey at sinimulang haplusin ang balikat ni Igo pababa sa dibdib nito.
"Mahal ko wag kang ganyan." Sabay hagip sa kamay ni Shey.
"Biro lang mahal ko. Tulog na tayo." Ani Shey at hinagip ang kamay ni Igo at umunan sa braso nito habang nakayakap siya dito. Napangiti na lang din si Igo sa ginawa ng kasintahan. Masarap talagang matulog katabi ang iyong mahal.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...