Chapter 23

182 3 0
                                    

Chapter 23

Nakaupo sa swivel chair at nakatingin sa labas ng bubog na salamin si Henry habang sumisimsim ng alak, sa basong hawak niya. Ilang buwan na ring nawawala ang nag-iisa niyang anak. Nararamdaman din niyang wala itong balak magpahanap. Para iwan ang lahat ng card nito, at cellphone. Sa pagkakaalam niya ay nawawala ang passport ng anak. Kaya naman lahat ng airport ay ipinahold niya ang pangalan nito. Iyon nga lang bago nangyari ang pagpapahold na iyon, ay nakaalis na ito ng bansa.

Sa tulong ni Daniel ay natunton nila ang bansa kung nasaan si Shey. Nasa Thailand ito kaya agad ding nagtungo doon si Daniel. Makalipas ang ilang araw ay nagtungo naman itong Maldives. Kung saang bansa ito magtungo ay natutunton naman nila. Iyon nga lamang at napakailap ng dalaga dahil hindi nila ito makita.

Hanggang sa madetect nila ang pagpunta nito sa South Korea. Doon nila ipinahold ang pangalan nito na wag ng palabasin ng bansa. Wala silang inaksayang oras para mahanap ang anak. Pero makalipas ang dalawang linggo pang paghahanap sa   dalaga. Doon nila napansing mali pala talaga sila ng sinusundan. Shaye Pagsinuhin ang pangalan babaeng sinusundan ni Daniel sa ibang bansa. At kaya ito palipat lipat ng bansa at tirahan dahil isa itong photographer at pintor na nais eexplore ang talento sa pagkuha ng magagandang larawan. Film man iyan o sa canvas. Isa pa, coincidence lang na Pagsinuhin din ang apelyedo nito. Pero hindi nila ito kamag-anak.

Napahilot ng noo si Henry ng maalala na naman kung saan napunta ang kanyang anak. Mahigpit siyang ama, pero hindi siya masama. Ang nais lang niya ay mapabuti ang future nito kasama si Daniel, pero parang iyon pa ang naging mitsa ng pag-alis nito sa poder niya. Mayaman ang mga Sarmiento isa pa, gusto ni Danilo si Shey para sa anak nito. Kaya naman naguguluhan siya sa kanyang anak at ayaw pa sa binata. Gayong gusto naman ni Daniel na makasal dito.

Ilang sandali pa at biglang nagring ang telepono na nasa table niya. Ilang ring pa iyon bago niya sinagot.

"Yes, speaking." Sagot ni Henry sa kausap sa kabilang linya.

"Tito, magandang gabin. Paano pala kung sa probinsya natin hanapin si Shey. I know your daughter tito. She can't live with poor people. Pero paano kung dahil alam niyang iniisip natin na hindi siya magstay sa ganoong lugar, at nasisigurado niyang hindi siya mahahanap. Ay doon nga siya nagstay. Think about it tito. Walang masama na subukan natin. Lalo na at lahat ng hotels, mga resorts dito sa Pilipinas ay nahaluhog na natin. Pero wala pa ring Shey na nakita. Pero may inutusan akong muli, na maghanap sa Indonesia. Dahil may nakakita sa babaeng kamukha ni Shey, pero hindi pa rin sigurado, dahil wala ang pangalan ni Shey sa nagtungo doon. Pero susubukan ko pa ring ipahanap siya doon."

Paliwanag ni Daniel sa kabilang linya. Mas lalo namang dumami ang gatla sa noo ni Henry ng maisip ang posibilidad sa sinasabi ni Daniel. Hindi naman masama na subukan. Lalo na at nag-aalala na siya ng sobra sa anak. Ang ipinagpapasalamat na lang niya, ay wala siyang nababalitaang krimen. At baka pagnagkataon ay hindi na rin niya kayanin, kung mapapahamak ang nag-iisa niyang anak.

"Sige hijo, ako na ang bahala. Sa mga probinsya ay nagdi-deliver din ang malalaking truck ng mga gulay at prutas. Hindi naman kasi basta probinsya ay sapat na ang mga supply ng gulay. Madalas ay sa malalaking plantasyon din sila umaasa." Ani Henry sa kausap.

"Hijo."

"Yes po tito?"

"Salamat at pasensya ka na sa ginawa ng anak kong pagtakas sa engagement party ninyo. Sana ay pagbigyan mo pa si Shey ng isa pang pagkakataon pagnahanap natin siya." Nahihiyang wika ni Henry, dahil kung tutuusin ay gusto naman talaga ni Daniel si Shey. Iyon nga lang matigas ang ulo ng kanyang anak.

"No worries tito. Ang tulad ni Shey ay dapat lang mabigyan ng isa pang pagkakataon ng tulad kong gwapo, mayaman higit sa lahat ay tinitingala ng maraming kababaihan. Sapat na sa akin ang pakiusap ni daddy na gusto niya si Shey para sa akin. Pagnakita na natin si Shey tito. Sisimulan ko na ang preparation ng kasal. Two months is enough time of preparing the wedding. Magiging mag-asawa kami at magiging Mrs. Sarmiento ko siya at aalagaan ko ang future niya. Once na makita natin siya, tuloy na tuloy na po ang kasal. Wag na po kayong mag-alala. Trust me tito. I would gladly do that." Paliwanag pa ni Daniel, na kahit hindi sila magkaharap ni Henry ay napatango pa ang matanda.

"Thank you Daniel. I'm looking forward at what you said." Ani ni Henry at tinapos na nila ang tawag.

Napatingin muli si Henry sa labas, at pinakawalan ang isang buntong hininga.

"Sherin, please help me to find our daughter. Hindi ko kakayanin kung pati ang anak natin ay mawawala pa sa akin. Maaga mo na kaming iniwan. Kaya wag mong hayaan na mapahamak ang ating anak. Sana ituro mo sa akin kung nasaan si Shey. Kapakanan lang niya ang iniisip ko Sherin. Alam kong kay Daniel magiging maayos ang buhay niya. Kaya sana tulungan mo akong makita na s'ya. Nasa maayos ba siyang kalagayan ngayon? Sino ang kasama niya? Nakakakain ba siya ng maayos? Shey anak ko. Nasaan ka na?" Bulong ni Henry sa sa kawalan habang nakatingin sa madilim na kalangitan sa labas.

Ganoon lang palagi si Henry, tuwing gabi. Mula ng mawala ang sa poder niya ang anak. Nasa loob ito ng kanyang opisina na nagsisilbi na ring pinakalibrary. Nakaupo sa swivel chair at nakatingin sa labas, sa madilim na kalangitan.

Ilang sandali pa ay nakarinig naman siya ng pagkatok. Pinapasok niya kung sino iyon, at tumambad sa kanyang harapan si Lourder.

"May naghahanap sayo, iyong isa sa mga namamahala sa plantasyon." Anito at pinapasok na ang sinasabing naghahanap sa kanya. Lumabas na rin naman si Yaya Lourdes na naging malungkot mula ng umalis ang kanyang alaga.

Napatingin naman si Henry sa lalaking kanyang kaharap, hanggang sa iabot sa kanya ang ilang folder na naglalaman ng mga report mula sa plantasyon.

"Senior, ito po ang listahan ng mga idedeliver namin bukas sa palengke ng San Lazaro. Kasama na rin ang idedeliver ng ibang truck sa ibang probinsya. Nasabi na rin po ni Sir Daniel ang ipinag-uutos po niyo. Wag po kayong mag-alala at magmamasid-masid po kami doon. Kung may makalap po kaming balita ay mabilis po kaming tatawag sa inyo. Naimporma na rin po ang ibang magbibyahe ng gulay at prutas sa ibang probinsya. Alam na po nila ang kanilang gagawin. At sa oras po na ito ay pinipinturahan na po ng ibang tauhan ang pangalan ng plantasyon na nakaimprinta sa mga truck. Para kong sakali mang makita ng senyorita ang mga truck hindi niya iyon makikilala." Mahabang paliwanag ng lalaki, kaya napatango lang si Henry.

"Salamat, sana ay magkaroon kayo ng balita, sa aking anak." Aniya dito at lumabas na rin ang lalaking tauhan niya.

Pagkalabas ng lalaki ay bigla namang pumasok si Yaya Lourdes na umaasang magkakaroon na ng balita sa kanyang alaga.

"Henry?" Tawag nito.

"Wala pa ring balita Lourdes. Hindi ko alam kung nasaan ang akin anak. Kasalanan ko bang isipin na mag magpapabuti ang buhay niya sa piling ni Daniel?" Tanong ni Henry dito.

"Walang masama kung inaalala mo ang kapakanan niya at ang kinabukasan ni Shey. Ang mali ay ang ipilit mo sa kanya ang isang bagay na hindi niya kayang gawin. Malaki na si Shey, bakit hindi mo hayaang maging maligaya na lang siya sa buhay niya. Kung hindi kay Daniel siya sasaya. Ipipilit mo pa rin ba ang gusto mo ng dahil lang sa pera?" Tanong ni Yaya Lourdes kay Henry na hindi niya nagawang sumagot.

Kahit saan tingnan, may punto ito sa sinabi sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung ano ang dapat gawin. Sa ngayon nais na muna niyang mahanap ang anak, bago siya muling magdesisyon.

Kinaumagahan ay hindi naman umalis ng bahay si Henry at naghihintay siya ng magandang balita tungkol sa anak. Hanggang sa magtatanghali na noon ng makatanggap siya ng tawag mula sa nagdeliver ng gulay sa San Lazaro. Gustong-gusto na niyang magpuntahan ang lugar ng mga oras na iyon. Pero nag-aalala siyang kung si Shey nga ang nakita nito ay baka makatakas na naman ang kanyang anak. Lalo na at tanaw lang ng tauhan niya ang dalaga dahil hindi nito iyon malapitan.

"Kailangan ko munang sarilihin ang balitang ito, baka mamaya ay sumugod bigla si Daniel ng San Lazaro at muling makatakas si Shey. Pasensya na Daniel,  kailangan ko munang masigurado na ang aking anak ang nakita ng tauhan ko. Bago tayo magtungo ng San Lazaro." Aniya at muling tinawagan ang lalaking nakakita kay Shey.

"Pero siguro ka bang si Shey ang nakita mo?" Tanong niyang muli sa lalaking nakakita sa kanyang anak.

Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Henry ng sabihin ng kausap na hindi ito sigurado lalo na at ibang manamit ang babaeng nakita nito na kamukha ng kanyang anak.

"Sundan mo lang at balitaan mo ako. Pagnaubos na ang laman ng truck ay pauwiin mo na. Mag stay ka na lang muna dyan, at balitaan mo ako. Salamat." Aniya sa kausap.

Kahit papaano ay napangiti si Henry. Nandoon pa rin ang pag-aalala, pero naroon ang pag-asa na maaaring si Shey nga iyon. Iyon nga lamang at hindi nalapitan ng tauhan niya ang kanyang anak, at baka makahalata ito na may nagmamasid sa kanya.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon