Chapter 18
Mas naging maayos ang pakikitungo ni Shey at Igo sa isa't-isa, sa paglipas ng mga araw. Wala na iyong Igo na akala mo ay palaging irita. Ang nakikita na lang ni Shey ngayon ay ang mas mapang-unawang si Igo. Tulad na lang ngayon na nagluluto si Igo at sinusubukan niyang tumulong. Pero ang ending sa halip na maging masarap. Lumabas ay sobrang alat.
"Sorry." Nakatungong paghingi ng pasensya ni Shey kay Igo. Sa halip kasi na kauting asukal ang mailagay niya sa niluluto ni Igo na pinakialaman niya ay asin pa rin pala ang nailagay niya. Sa halip na maging timbang ang tamis at alat ay lalo lang umalat iyon.
"Halika nga dito. Hindi naman ako nagagalit. Sa ganyan na ang nangyari eh. Ayaw mo noon. Sa halip na adobo ang ulam natin ay buro." Natatawang wika pa ni Igo at hinila siya nito palapit sa kanya.
"Akala ko kasi ay asukal na iyong nahagip ko. Hindi ko naman tinikman. Tapos noong tikman ko na iyong niluluto mo, sobra ng alat. Sorry talaga." Nasa tabi na siya ni Igo, pero hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin dito.
Hawak ni Igo ang kamay niya, at mas lalo siya nitong hinila. Halos magdikit na ang katawan nila sa pwesto nila. Napalunok naman si Shey sa lapit nila sa isa't-isa. Napatingala naman siya kay Igo na nakatingin din sa kanya.
"Wag ka na kasing mahiya. Hindi pa naman luto di ba? May saging na saba akong nabili kanina. Ilalagay na lang natin. Iyon na lang ang magiging pampatamis ng adobo." Anito at mas lalong nagkalapit ang kanilang katawan. Naramdaman na lang niya na nakahawak na si Igo sa may baywang niya.
"Sure ka? Nilalagay ba talaga iyong saging na iyon sa adobo?" Manghang tanong ni Shey kay Igo. Naaamoy niya ang mabangong hininga ng binata. Sa pwesto nila, na halos magkadikit na. Para ayaw na niyang humiwalay dito.
Napangiti naman si Igo ng hapitin niya papalapit sa katawan niya si Shey. Akala niya ay aalma ito. Pero hindi iyon ang nangyari, mas lalo pa nitong inilapit ang katawan sa kanya. Mula ng araw na matikman niya ang labi ng dalaga, parang gusto na niyang araw-arawin na matikman ang labi nito. Pero pinipigilan lang niya ang sarili lalo na at baka mag-isip ito ng hindi magandang bagay sa kanya. Bagay na iniiwasan niya. Gusto niyang mapalapit dito. Nais niyang makuha ang loob ng dalaga, lalo na at kahit mahirap lang siya, maganda naman ang intensyon niya dito. Hindi pa siya sigurado, pero pagmapapatunayan niyang tama ang nararamdaman niya, aamin siya dito at hindi na ito pakakawalan pa. Hahawakan niya ang puso nito, para hindi na makuha pang tumingin sa iba.
Napangiti pa siya sa lalim ng iniisip niya, hindi niya napansin na nakatitig na sa kanya si Shey.
"Anong nginingiti-ngiti mo?" Tanong nito na hindi namalayan ang inasta niya.
"Wala naman. Sa nga pala iyong tanong mo. Oo naman. Pwedeng pwede na ilagay sa adobo ang saging. Pwede ding patatas, pinya, pwede ding kamote. Depende sa gusto mo. Pwede ding plain lang at walang nakalagay. Gusto mo bang subukan ang mga iyon sa luto ng adobo?" Paliwanag ni Igo na ikinatango lang ni Shey.
"Sige sa mga susunod." Sagot ni Shey ng maramdaman niya ang mabining paghalik ni Igo sa kanyang noo bago niya naramdaman ang pagluwag ng pagkakahawak nito sa kanya.
"Upo ka na lang at tatalupan ko iyong saging, para mailagay ko na. Para habang lumalambot ng tuluyan ang karne, kasabay ng maluluto ang saging. At wag ka ng mag-isip na maalat kasi promise, magbabalance ang lasa ng tamis, asim at alat nun. Hmmm." Malambing na wika ni Igo sa kanya. Hindi na rin naman niya nagawang magsalita. Nabibigla pa rin siya sa sweet gestures ni Igo.
Kahit dati naiinis ito sa kanya, ay nandoon pa rin ang pagiging sweet nito. Mas lalo lang ngayon, na nawala na ang medyo masungit, puro ka-sweet-an na lang ang pinaparamdam sa kanya ni Igo.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...