Chapter 9
Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na si Rodrigo, maaga ang trabaho nila sa palengke ngayon lalo na at nadelay ang isang truck ng gulay na dapat ay kahapon pa dumating. Paninda iyon ngayong araw. Bukod pa ang mga truck na mismong ngayong araw ang byahe.
Nagtitimpla na si Igo ng kape, nakabili na rin naman siya ng pandesal kaninang pagkagising niya. Nakaupo na siya sa silya at akmang kakagat sa pandesal ng mapansin niya si Shey na naglalakad papalapit sa kanya. Nagtaka pa siya dito at sobrang aga naman ng gising nito ngayong araw.
"Bakit ang aga mo namang nagising ngayon?" Tanong niya dito na halos pikit pa ang mga mata habang naglalakad.
"Good morning Igo. Pwede ba akong sumama sa palengke? Nakakainip na kasi dito. Wala naman akong ibang magawa. Pwede ba?"
"Hindi ko alam kung magugustuhan mo sa palengke. Maingay doon at maputik. May kakaibang amoy din, alam mo iyon di ba? At naisama na naman kita minsan doon. Kaya hindi ko alam kung tatagal ka doon. Isa pa hindi naman pagiging tambay sa palengke ang trabaho ko. Kaya naman kung sasama ka. Hindi din kita gaanong mapapansin kasi may trabaho nga ako." Paliwanag ni Igo.
"Bigyan mo lang ako ng isang pwesto promise. Hindi ako aalis sa pwesto ko. Doon lang ako. Hindi kita guguluhin. Naiinip lang talaga ako dito. Please. Isama mo na ako." Pakiusap pa ni Shey sa kanya.
"Mukha namang wala akong magagawa. Bahala ka. Wala pa akong luto na pagkain. Kape at pandesal pa lang. Okay lang bang ito lang ag umagahan mo?"
"Okay lang. Ipagtitimpla mo ako ng kape?" Nagniningning pa ang mga mata ni Shey habang itinatanong iyon kay Igo.
"Oo na lang. Maupo ka na. May butter dyan. Siguro naman kaya mo ng lagyan ng palaman ang sarili mong tinapay." Ani Igo at ginawa na nga ni Shey ang pagpapalaman sa pandesal.
Masaya naman silang nagkape. Nangingiti na lang si Igo ng sa isip-isip niya ay kahit papaano ay may malaki ng ipinagbabago si Shey, buhat ng makilala niya ito.
Mabilis namang naligo at nagbihis si Shey. Nakasuot siya ng jogging pants at crop top na pinatungan ng manipis na jacket. Nakasuot din siya ng rubber shoes na binili nila ni Igo ng minsang magtungo sila ulit sa palengke. Nakasuot din siya ng sumbrero. Oo nga at mura lang ang presyo ng mga damit na suot niya. Pero nabigyan naman niya iyon ng hustisya.
Paglabas niya ng kwarto ni Igo, ay natawa pa siya ng matigilan si Igo ng makita s'ya.
"Bagay sa akin noh? Ang sexy ko kaya. Tara na. Natutulala ka pa dyan."
"Sus wala akong sinabi na sexy ka. Tara na nga. Mamaya i-zipper mo iyang jacket mo ha ng hindi makita iyang tiyan mo. Madaming lalaki sa palengke, kaya naman pagtitinginan ka nila sigurado. Kaya naman kung ayaw mong may mabugbog ako na kasamahan ko. Isuot mo ng maayos iyang jacket mo." Ani Igo at iniwan na siya sa loob ng bahay.
"Problema ng isang 'yon?" Tanong ni Shey sa sarili bago sinundan si Igo. Si Igo na rin ang nagsara ng bahay nito.
Pagdating nila sa palengke ay medyo madilim pa. Pero sari-saring ingay na ang naririnig ni Shey. Ingay ng iba't-ibang sasakyan. Sigawan ng mga tao at kung anu-ano pa. Nakita pa ni Shey ang malaking truck ng gulay.
Mula sa tinigilan ng tricycle ni Igo ay nakita din niya si Cy at Jose. Kumaway naman sa kanya si Cy at isang tango naman ang ginawang pagbati ni Jose.
"Bakit kasama mo Shey?" Dinig pa niyang tanong ni Cy kay Igo.
"Naiinip daw kasi s'ya sa bahay. Hinayaan ko na."
"Ah, tara na. May kasunod pa ang truck na iyan pag natapos nating maibaba ang mga laman." Ani Cy.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...