Chapter 29
Pagkapasok ni Igo sa loob ng bahay ay doon niya mas lalong naramdaman ang sakit. Pasalampak niyang ibinagsak ang sarili sa likod ng pintuan. Doon na nagsimulang magbagsakan ang kanyang mga luha. Parang sinaksak ng ilang libong kutsilyo ang puso niya sa sakit na kanyang nadarama. Dinig na dinig niya ang pagtawag ni Shey sa kanya. Pero litong-lito ang puso at isipan niya sa mga oras na iyon.
Nang marinig niya ang pagkabuhay ng makina ng sasakyan ay sinimulan niyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa likod ng pintuan at dahan-dahang sumilip sa maliit na siwang sa bintana.
Kitang-kita niya ang pagsakay ni Shey sa isang sasakyan. Kasama ang daddy nito na nalaman niya ng tawagin nitong daddy ang lalaki.
Habol tanaw siya sa sasakyang papalayo. Sa pagkakataong iyon ay lalong gumuho ang kanyang kalooban. Ang babaeng minahal niya ay ikakasal na pala sa iba.
"Pinaglaruan mo lang ba talaga ang puso ko? Kung sana hindi mo ginulo ang buhay ko. Nananahimik lang ako dito sa probinsya eh. Wala akong kasalanan sayo para saktan mo ako ng ganito." Aniya ng bigla na lang siyang mabuway sa pwesto niya at mapahiga sa sahig.
Hindi na rin maampat ang mga luhang nananalaytay sa kanyang mga mata. Nang makarinig siya ng sunod-sunod na pagkatok. Noong una ay hindi niya pinanansin, pero dahil naiinis na rin siya sa kung sino ang nasa labas ng pintuan dahil hindi ito tumitigil sa pagkatok. Ay mabilis siyang bumangon at pinagbuksan ng pinto kung sino man iyon. Hindi pa nakakapasok ang nasa labas ng muli siyang mahiga sa sahig.
"Igo!" Sigaw ni Cy na parang hindi naman iniintindi ni Rodrigo. Patuloy lang siya sa pagluha.
"Unang pag-ibig ko yon, at unang pagkadurong ng puso ko." Wika niya ng pilit siyang alalayan ni Cy.
"Katawan lang niya ang binigay niya sa akin. Pero ako, anong ginawa niya? Dinala niya ang puso ko. Ang sakit dito!" Sabay turo sa puso niya.
"Paano pa ako mabubuhay kung wala na s'ya sa piling ko?" Tanong niya kay Cy na ikinailing lang ni Cy. Nilapitan naman sila ni Jose para maalalayan nila si Igo na maiupo sa silya.
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Cy.
"Iniwan na ako ni Shey. Ikakasal na pala siya sa iba. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gulong-gulo ang isipan ko kanina. Hindi siya nawalan ng alaala. Nagsinungaling siya sa akin. Mahal ko siya pero, nakalaan na siya sa iba. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay ngayon." Umiiyak na sambit ni Igo na ikinatapik ni Cy sa balikat nito.
"Una sa lahat, kailangan mong huminga para mabuhay." Ani Cy ng makatanggap ng pananadyak ni Igo ng paa dito.
"Aray naman Cardenal!" Reklamo ni Cy.
"Seryoso ako tapos kung anu-ano pa iyang sasabihin mo! Kaibigan ba talaga kita? Durog na durog ang puso ko. Pero nakakapagbiro ka pa." Sita ni Igo dito.
"Malamang kaibigan mo ako. Sa panahon ngayon, una sa lahat ang kailangan mo ay kaibigan na pangingitiin ka sa likod ng sakit at lungkot na iyong nadarama. Karamay mo kami ni Jose. Iinom na lang natin iyan. Hindi man mawala ang sakit. Kahit papaano, ngayong oras na ito makalimutan mo ang sakit." Pahayag ni Cy na ikinatapik din ni Jose sa balikat ni Igo at ni Cy.
Napatingin naman si Cy kay Jose na tatangu-tango. "Bakit ako?" Sabay turo sa sarili. Na sinagot naman ulit ni Jose ng isa na namang tapik sa balikat.
"Napakadaya mo talaga Joselito. Oo na ako na lang ang bibili ng alak. Ambag mo!" Singhal ni Cy sabay abot ng dalawang libo kay Cy.
"Galing mo talaga Jose wala na akong sasabihin. Tamang-tama, happy peanuts lang ang katapat nito at corn bits. Ako na bahala doon." Masayang wika ni Cy. Pero bago niya iwan si Jose at Igo ay nakatulala na naman si Igo sa kawalan. Napailing na lang siya bago lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...