Special Chapter

388 7 2
                                    

Special Chapter

Nakaupo lang si Igo sa may balkonahe habang nakatingin sa babaeng kanyang mahal na nakaupo sa upuang semento sa may garden ng bahay nila. Pinalagyan iyon ng Daddy Henry nila noong ginagawa pa lang ang bahay. Nais kasi nitong mas maging maaliwalas ang aura ng bahay nila ni Shey.

Ang mga plot ng gulay sa likod bahay ay nawala na mula ng alisin ang maliit niyang bahay noon at mapalitan ng hindi naman sobrang laki na bahay, pero pitong beses na mas malaki sa bahay niya noon.

May tatlo itong kwarto na may kanya-kanyang banyo, na para sa magiging anak nila, kung sakali mang tatlo ang ibigay sa kanila, habang lumalaki ang pamilyang meron sila. Tapos ay ang masters bedroom na may kasama pa ring isang kwarto para magiging nursery room. Kung madadagdagan pa sa tatlo ang kanilang anak ay magagamit pa din iyon at pwedeng irenovate sa isa pang kwarto. May isa ding kwarto para sa mga katulong na kasya ang limang katao.

Ganoong kalaki ang ipinagbago ng bahay ni Igo. Na tinanggihan niya noon. Pero nabaliwala din sa hamon ng Daddy Henry niya na renovation ng bahay at kasal kay Shey or walang kasal. Sino siya para tumanggi sa kasal?

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Igo, habang nakatingin sa asawa na napakaganda ng ngiti. Napatingin din siya sa impis nitong tiyan. Pinaghahandaan na rin nila ang pagdating ng kanilang panganay na nasa mahigit tatlong buwan pa lamang. Hindi pa naman halata ang baby bump ni Shey. Ang mahalaga ay alam nilang may buhay na nananahan sa sinapupunan ng kanyang asawa.

Isang tapik ang ang nagpalingon kay Igo. Seryoso siyang nakatingin dito, habang isang ngisi naman ang sinukli nito sa kanya.

"Anong problema mo lover boy, at nakatingin ka nga sa asawa mo. Pero nakasimangot ka naman. Mas matangos pa iyong nguso mo kay sa dyan sa ilong mo sa panghahaba ng simangot mo." Pang-aasar ni Cy ng makatanggap ng paninipa mula kay Igo.

"Alam ba ninyong dalawa ni Jose na nagdududa na talaga ako sa inyo. Tao pa ba kayo o mga kabayo? Puro kayo si sipa. Hindi ba ninyo alam na masakit yan. Try natin para maranasan mo." Ani Cy habang hilot-hilot ang binting sinipa ni Igo.

"Ano bang ginagawa ninyong dalawa dito?" Inis na tanong ni Igo, habang may inis na nakatingin kay Jose.

"Alam mo lover mo, ikaw kaya ang sumagot sa tanong mo. Nasa palengke lang kami kanina at katulong ng iba pang kargador, at inaayos din namin ang mga dapat na ikaw ang aayos katulong si Bernie. Tapos nakatanggap kami ng text mula sayo na sabi mo ay kung pwedeng magtungo kami dito sa bahay mo." Paliwanag ni Cy na ikinakunot ng noo ni Igo.

"Sandali lang. Ako ba ay pinaglololoko mo Romero? Hindi ako nagtetext sayo ha! O kahit dyan kay Dimaano! Kaya wag kang magsinungaling!" Depensa niya.

"Ako ay hindi sinungaling Cardenal. Heto ang palitan ng ating usapan basahin mo." Sabay abot ng cellphone niya kay Igo.

Igo: Pumunta naman kayo ni Jose dito sa bahay.

Cy: Bakit? May problema?

Igo: Wala ayaw kong makita pagmumukha ni Igo. Tapos ang baho-baho pa niya. Sabi niya nakaligo na daw siya. Tapos ganoon pa rin ang amoy niya. Mabaho pa rin.

Laglag pangang basa ni Igo sa text na sinasabi ni Cy. Napatingin naman siya kay Cy na nakangisi ngayon sa kanya.

"Tapos mo ng basahin?" Tanong ni Cy. Iling lang ang sagot ni Igo na ikinatawa ni Cy. "Basahin mo hanggang dulo." Ani Cy at muling tinitigan ni Igo ang cellphone ni Cy.

Cy: May trabaho pa kami ni Jose. Pagtyagaan mo na si Igo total naman mag-asawa kayo.

Igo: Mabaho nga si Igo. Gusto kong makita si Jose cute kaya ng pisngi n'ya. (With crying emoji.)

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon