Chapter 28
Habang nakasilip sa may pintuan ay tanaw niya ang daddy niyang nakatingin kay Igo habang si Daniel ay kung anu-ano ang sinasabi sa kasintahan niya.
Gusto sana niyang lapitan si Igo, pero natatakot siya sa sasabihin nito sa kanya. Ayaw niyang magalit ito. Pero nandoon ang takot na may posibilidad talaga na hindi pakinggan ni Igo ang paliwanag niya. Ngayong nandito ang daddy niya at si Daniel.
"Mga ginoo sino po ba talaga kayo? Wala po akong kinidnap tulad ng ibinibintang ninyo sa akin. Kung may kasama man ako dito sa bahay, kasintahan ko po iyon." Paliwanag ni Igo na parang naiinis na rin sa paulit-ulit na pagpapaliwanag.
"Wala? Sigurado kang wala kang tinago? Girlfriend? Sigurado kang girlfriend mo ang sinasabi mo? Kung ito naman talaga ang bahay na sinasabi ng nagturo sa amin na nandito ang fiancee ko! Maniwala ka sa akin. Kakasuhan kita ng kidnapping! Ilabas mo ang fiancee ko!" Mariing wika ni Daniel, habang dinuduro si Igo.
"Fiancee? Hindi ko kilala ang fiancee mo na sinasabi mo!" Mariing wika ni Igo.
"Hijo pakiusap, ilabas mo ang anak ko. Wag ka ng magmatigas." Ani Henry. Nang senyasan ni Daniel ang dalawang pulis para hulihin si Igo. Nakatutok kay Igo ang baril ng isa, kaya naman walang nagawa si Igo kundi ang matigilan at sumuko na lang.
"Wala nga po akong tinatago. Kahit halughugin pa ninyo ang loob ng bahay ko. Girlfriend ko ang kasama ko." Paliwanag ni Igo.
"Sandali lang po. Ano ito?" Nagtatakang tanong ni Igo ng lagyan siya ng posas ng isang pulis. Hindi talaga niya naiintindihan ang mga nangyayari. Bakit siya hinuhili at ipinapahuli ng mga ito ay wala naman siyang ginagawang masama.
Doon na lumabas si Shey ng bahay ay nagtungo sa tabi ni Igo. Medyo malayo naman ang pwesto ng daddy niya at ni Daniel sa kanila. Nasa tabi ni Igo ang dalawang pulis. Nasa tagiliran na rin ng isang pulis ang baril nito, mula ng maiposas sa likuran ang kamay ni Igo.
Kita din niya ang tuwa at lungkot sa mga mata ni Yaya Lourdes ng makita siya. Si Piping naman ay tahimik na nakaalalay sa kanyang ama.
"Daddy!" Sigaw ni Shey kaya napatingin sa kanya ang lahat. Pati si Igo na nakatungo ay napatunghay ng dahil sa sigaw niya.
"A-anak ko. Shey." Nauutal pang wika ni Henry at mabilis na tinakbo ang anak. Naiwan naman sa pwesto nila si Yaya Lourdes at Piping. Nakatingin lang din naman sa kanya si Daniel pero hindi natitinag sa pwesto.
"M-mahal?" Nauutal na wika ni Igo ng akmang lalapitan ito ni Shey ay pinigilan ito ng kanyang ama.
"Mahal." Naluluhang wika ni Shey.
"Kilala mo sila?" Gusto man niyang itanggi pero ayaw niyang masaktan ang daddy niya. Hawak ng daddy niya ang kamay niya matapos siyang yakapin nito ng mahigpit.
"O-oo mahal ko. Pero magpapaliwanang ako. Pwede bang alisan ninyo ng posas si Igo. Hindi siya kriminal at hindi niya ako kinidnap. Ako ang kusang sumama sa kanya at ako ang nagpilit sa kanya na kung pwede dito ako tumira!" Inis na sambit ni Shey ng utusan ng kanyang ama na pakawalan si Igo. Ang dalawang pulis naman ay bumalik sa pwesto nito kanina sa tabi ni Daniel.
"M-mahal ko magpapaliwanag ako." Ani Shey na ikinailing ni Igo. Sa mga oras na iyon. Gulong-gulo na rin ang isipan ni Igo.
"Honey." Tawag ni Daniel sa kanya, pero hindi niya pinansin.
"Honey papansinin mo ako, o ipapakulong ko talaga ang lalaki na iyan! Hindi ako nagbibiro kakasuhan ko s'ya ng kidnapping!" Sigaw ni Daniel na matalim ang tingin kag Igo. Tahimik lang naman si Igo, nankahit naguguluhan ay mas piniling makinig sa pag-uusap ng mga taong hindi niya kilala. Na kahit si Shey ay masasabi niya ngayong hindi na rin niya kilala.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...