Chapter 12
Masama ang tingin na ipinukol ni Chellay kay Shey, habang nakaupo ito sa kabilang upuan sa tapat nila ni Igo. Hindi naman nagsasalita si Shey at hinahayaan lang nito ang paninitig sa kanya ni Chellay.
"Igo kain ka lang ng madami ha, niluto ko talaga yan, para sayo. Alam kong hindi mo natikman ang adobo na niluto ko. Kasi malamang itinapon na lang iyon ng isa dyan." Ani Chellay sabay irap kay Shey.
Isang munting ngiti naman sumilay sa labi ni Igo ng marinig ang sinabi ni Chellay. Kung hindi sinabi ni Shey sa kanya ang katotohanan baka nga makaramdam siya ng tampo. Pero sa kaalamang hindi naman ito nag-aaksaya ng pagkain ay natuwa talaga siya.
"Okay lang naman kung hindi ko natikman. Magluluto pa nga sana ako ng ulam namin ngayon eh. Pero dahil dumating ka kahit hindi naman kita pinapapunta at may dala kang pagkain. Thank you pa rin. At kakain ako ng madami. Salamat ulit." Wika ni Igo na sa tingin ni Shey ay kinilig naman si Chellay pero hinayaan na lang niya.
"Your welcome Igo. Kumain ka na rin Shey. Dinamihan ko talaga yan, para matikman mo kung gaano kasarap magluto ang babaeng nababagay kay Igo. Dapat kasi ganoon ang isang babae, maraming alam sa bahay at sa buhay. Hindi iyong basta lang gigising sa umaga, tapos maghihintay na abyadin pa siya. Hindi dapat ganoon ang isang babae. Ang babae dapat ang ilaw ng tahanan, hindi iyong basta lang palamunin sa bahay." Paliwanag ni Chellay kay Shey.
Napatingin naman si Shey kay Igo na sinasandukan na si Igo ng pagkain. Napatungo naman si Shey ng mapansing ibabaling ni Igo ang tingin sa kanya. Tinamaan talaga siya ng hiya sa sinabi ni Chellay. Tama naman ito. Ano bang maipagmamalaki niya? Wala siyang alam sa buhay. Wala siyang alam sa bahay. Si Yaya Lourdes niya ang may alam ng lahat. Sa pagkain niya basta na lang niya iyon kakainin. Pag may kailangan siya, basta na lang niya iyon iuutos sa mga katulong. Wala siyang ibang naranasan na gawain sa loob ng bahay. Ni magpalit ng cover ng kama, ay may gagawa pa para sa kanya. Pati pagpapalit ng mga gamit niya sa banyo, na wala ng laman ay may gumagawa para sa kanya.
"Shey!" Tawag sa kanya ni Igo kaya naman napatingin siyang bigla dito. Medyo malayo na rin pala ang nilakbay ng isipan niya, ng hindi niya napapansin.
"Kain na." Anito at napatingin pa siya sa pinggan niya na may nakalagay ng kanin at ulam.
"Salamat." Isang ngiti naman ang ibinigay ni Shey kay Igo bago nito hinawakan ang kutsara at tinidor.
"Bakit naman pati pagsasandok ng pagkain, kailangan pa siyang sandukan?" May inis sa tono ng boses ni Chellay.
"Naiinggit ka lang eh. Heto na ayan kain ka na rin." Wika ni Igo sabay sandok ng pagkain at inilagay nito sa pinggan ni Chellay.
"Happy." Tanong ni Igo.
"Thank you Igo." Nakangiting wika ni Chellay, habang naiiling na lang si Shey.
Tahimik lang silang kumakain. Si Shey naman ay hindi na nilagyan ni Igo ng gulay, sauce lang ng kare-kare at karne ang inilagay niya dito. Ayaw niyang may mapuna na naman si Chellay at baka mamaya ay magkairingan na naman ang dalawa.
Sabay-sabay naman silang nakatapos kumain. Napangiti pa si Igo ng mapansin naubos naman ni Shey ang pagkaing ibinigay niya. Kahit sabihing madami itong ayaw noong una. Ngayon naman ay napipilitan na itong kainin kung ano man ang ibinibigay niya.
Si Igo na ang tumayo para sana ligpitin ang pinagkainan nila. Pinapatas na niya ang mga pinggan ng magsalita si Chellay.
"Bakit ikaw ang gumagawa niyan Igo? Wala bang balak gumawa itong kasama mo sa bahay?" Pagtataray ni Chellay habang matalim ang titig na ibinabato nito kay Shey.
Napabuntong hininga na lang si Igo, at tinignan si Shey na hindi naman natitinag sa kinauupuan nito. Napakunot ang noo ni Igo ng mapansing nakatungo lang ito, at hindi gumagalaw maliban sa mabilis na paghinga. Mabilis niyang binitawan ang hawak na pinggan at nilapitan si Shey.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...