Chapter 39

226 3 0
                                    

Chapter 39

"Daddy! Bakit mo sinakatan si Igo!?" Tanong ni Shey ng biglang bumukal ang mga luha sa kanyang mga mata. Mabilis naman itong dinaluhan ni Yaya Lourdes para pakalmahin.

"Daddy, sabi mo kung sino ang mahal ko, tatanggapin mo. Bakit mo po siya sinaktan?" Tanong pa niya ng tumingin sa kanya ang daddy niya at malapad ang ngiting ipinukol sa kanya. Naguguluhan man sa ikinikilos ng daddy niya. Pero nais talaga niyang malaman ang dahilan ng pagsuntok nito kay Igo.

Si Igo naman ay nagawa ng alalayan ni Cy at Jose para makatayo. Gulat pa ring masasabi sa biglaang pagsuntok ng daddy ni Shey sa kanya. Nakangiti naman ito ng lumapit sa kanya, pero hindi niya inaasahan ang suntok nito. Masasabi ngang may edad na ito pero parang kasing lakas yata ng sipa ng kabayo ang suntok nito kay Igo. Kung hindi man ay nabigla lang siguro talaga si Rodrigo sa suntok na iyon.

"Wag kang magalit anak. Sinabi ko nga sa iyo na kung sino talaga ang mamahalin mo, ay hahayaan na kita na mahalin siya anak. Kaya lang pagbigyan mo ako sa pagkakataong ito Shey. Ngayon ko lang nakaharap ang lalaking mahal mo. Maliban noong sinundo ka namin sa San Lazaro. Kaya lang anak, hindi ko naman akalaing pag-uwi natin dito dalawa na kayo." Paliwanag ni Henry na napaupo sa tabi ni Shey. Lumipat naman ng pwesto si Yaya Lourdes, para mabigyan ng espasyo si Henry.

"What do you mean dad? I can't understand." Naguguluhang tanong ni Shey. Nakikinig lang naman ang tatlo na ngayon ay hindi pa rin nakakalayo sa tabi ng pintuan.

"Alam kong nasa tamang edad ka na Shey. Kaya lang. Bakit naman mas nauna ka pang magpadonselya bago ang kasal?" Tanong ni Henry na biglang maunawaan ni Lourdes ang dahilan kung bakit nito sinuntok si Rodrigo.

Sa pwesto naman ni Cy at Jose ay hindi maiwasang matawa ng dalawa. Habang mababakas ang kalituhan sa mukha ni Rodrigo.

"Patawad sir sa kapangahasan namin na tumawa. Alam ko pong mali. Pero nauunawaan ko na po kayo sa inyong ginawa. Ako na po ang magsasabi, para po pantay dapat po ay iyong isa pa." Sabat ni Cy na na hindi na mapigilan ni Jose ang matawa. Kahit si Henry na kausap ang anak ay natawa na rin. Tahimik man pero tumatawa na rin si Yaya Lourdes.

"Anong nakakatawa dad? Jose? Cy? Yaya? Bakit hindi ko maunawaan? Ano pong nakakatawa? Nakakatawa bang sinaktan ninyo si Igo?" Naiiyak na namang wika ni Shey ng tawagin ni Henry si Yaya Lourdes.

Umalis si Henry sa pwesto niya at lumapit kay Rodrigo. Sabay namang lumayo si Cy at Jose dito.

Inundyan ulit ng isa pang suntok ni Henry si Rodrigo sa kabilang pisngi. Tulad ng inaasahan. Hindi inaasahan ni Igo ang suntok na iyon kaya nabuwal na naman ito sa sahig.

"Daddy ano ba?" Sigaw ni Shey na nagpipilit tumayo sa kama, para puntahan si Igo. Pero pinigilan ito ni Yaya Lourdes.

"Yaya, pigilan mo si daddy." Pagmamakaawa ni Shey ng makita niyang ang daddy pa niya ang nagtayo kay Igo.

"Sir!" Bigla niyang sambit ng makatindig siya.

"Just call me daddy. Congratulations. Lolo na ako. Iyong unang suntok, welcome to the family. Iyong ikalawa, napakabilis ninyong mga bata kayo." Iiling-iling na wika ni Henry. Tinapik pa niya si Igo sa balikat bago ito tinalikuran.

"D-daddy?" Nauutal na wika ni Shey ng makalapit ulit sa kanya ang ama.

"Oo anak. Hindi na lang ikaw ang baby ko. Kasi magkakaroon na ako ng apo sa inyong dalawa. Ingatan mo ang sarili mo anak. Wag kang magpapakastress. Isa pa nandito lang ako palagi para sayo. Kailangan lang ulit nating makausap ang tito mo at si Daniel. Ayaw ko ding magkaroon pa ng gulo at gusot sa pagkakaibigan ng pamilya natin." Paliwanag ni Henry kay Shey na hindi agad nagsink-in sa isipan ni Shey ang sinabi ng ama.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon