Chapter 38
Hindi naman mapakali si Igo ng ianunsyo ng konduktor na malapit na sila sa terminal. Halos mapatayo na siya sa mga oras na iyon kahit hindi pa naman tuluyang tumitigil ang bus.
Napailing na lang si Cy at Jose ng unang bumaba si Igo. Mas nauna pa itong bumaba kaysa sa mga nakaupo sa pinaka unahan.
Mabilis siyang nagpalinga-linga para mahanap kung nasaan si Piping. Kahit naman papaano ay natatandaan niya ito lalo ng magdala ito ng sulat.
"Piping!" Tawag niya sa lalaking nakaupo sa bench at hinihintay nga ang pagdating nila.
"Sir mabuti po at dumating na kayo. Tara na po." Anito at mabilis na tumawag ng taxi.
Kahit apat sila ay napilit nilang magkasya sa isang taxi. Si Jose ang nasa unahan. Nasa back seat sila ni Cy kasama si Piping. Pasalamat na lang si Igo at hindi ganoong kalaki si Piping. Kung hindi ay para silang sardinas doon sa likurang upuan ng taxi.
"Sir, bakit po ang tagal ninyo?" Reklamo ni Piping na napakamot pa sa ulo.
"Alam mo naman kung gaano kalayo ng San Lazaro. Isa pa ay tumigil pa sa isang kainan ang bus ng kumain ang iba pang pasahero." Paliwanag ni Igo.
"Kumusta si Shey?" Kinakabahang tanong ni Igo.
"Kanina po ay nagpadala ng mensahe si Manang Lourdes. Nasa simbahan na daw po sila. Kailangan na po nating magmadali." Sagot ni Piping na nagsabi sa driver ng taxi na kung maaari ay bilisan ng konte ang pagmamaneho.
Tahimik lang silang lahat hanggang sa makarating sila ng simbahan. Halos parang binuhusan ng malamig na tubig si Igo ng mapansing wala ng tao sa simbahan, maliban sa ilang nag-aalis ng mga dekorasyon na ginamit sa kasal, bago sila dumating.
Madaling araw ang kasal ni Shey. Pero ngayon ay alas syete na ng umaga. Mataas na ang araw. Dumarami na rin ang mga taong nagmamadali.
"Igo." Sambit ni Cy ng mapaupo si Igo sa semento. Napansin nila ni Jose ang pagtaas baba ng balikat ni Igo. Indikasyon na umiiyak ito.
"Huli na ba ako? Wala na ba talaga kaming pag-asa ni Shey? Nakasal na ba talaga sila ng lalaking iyon?" Mga tanong ni Igo na kahit si Jose at Cy ay hindi alam ang isasagot.
Naaawa sila kay Igo. Pero ano ang magagawa nila kung talagang natuloy ang kasal ni Shey? Hilingin na lang nilang maging masaya si Shey at ganoon din si Igo.
"Siguro talagang pinagtagpo lang kayo. Pero hindi kayo ang nakatadhana." Ani Cy kaya naman biglang napasuntok si Igo sa semento.
"Ang sakit-sakit dito Cy. Sobrang sakit!" Mariing wika ni Igo habang sinusuntok ni Igo ang dibdib, katapat ng puso.
Si Jose naman ay tahimik lang na nakatingin kay Igo. Habang si Piping ay may kausap sa cellphone nito.
"Sir!" Agaw pansin ni Piping.
"Bakit nagpakasal agad si Shey? Bakit hindi niya ako hinintay?" May hinanakit sa tono ng pananalita ni Igo. Nailing na lang si Cy sa awa sa kaibigan.
"Sir si senyorita po ay---."
"Alam ko Piping. Pinili niyang makasal sa iba. Pero ang sakit kasi mahal na mahal ko siya." Putol ni Igo sa sasabihin ni Piping.
"Hindi po ninyo kasi naiinti-----."
"Naiintindihan ko Piping dapat talaga una pa lang sumuko na ako." Buntong hiningang wika ni Igo.
"Sir makinig naman po kay-."
"Para saan? Pinili na niyang makasal sa iba." May lambong ang mga mata ni Igo na nagbabadya namang umiyak. Napasuntok na naman sa semento si Igo. Kaya ngayon ay dumudugo na ang kamao nito.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...