Chapter 24

182 2 0
                                    

Chapter 24

Nakaupo si Shey habang katabi si Igo, nasa kabilang side si Jose at hinihintay ang pagdating ni Cy na siyang nag-order ng pagkain nila ng sumulpot bigla si Chellay na may malawak na ngisi sa labi.

"Hi! Igo." Bati ni Chellay at nagpacute pa ito. Naupo naman si Chellay sa tapat ni Igo.

"Kala mo naman cute." Ani Shey sa kanyang isipan at inirapan pa si Chellay, ng hindi nito napapansin.

"Hello! Jose, Cy." Sabay kaway ni Chellay sa papalapit na si Cy.

"Order mo din ako Cy. Tapsilog lang."

"Kaya mo na iyon Chellay. Isa pa, apat lang kami kanina. Bakit ka ba nandito?"

"Order mo na ako, at orange juice. Tapos may sasabihin ako." Nakangising wika ni Chellay at wala na ngang nagawa si Cy kundi sabihin sa pinakacounter ang order ni Chellay.

Nakatingin lang naman si Igo kay Shey, habang sa ilalim ng mesa ay magkahawak ng kamay ang dalawa. Dumating na rin si Cy kasunod na rin ang order nilang pagkain.

Habang kumakain ay kinuha ni  Chellay ang atensyon ng mga ito, sa pamamagitan ng pagtikhim.

"May sasabihin ka ba Chellay?" Walang amor na tanong ni Igo dito.

"May gusto kasi akong ihingi ng payo, tungkol sa kakilala ko." Panimula ni Chellay. Nakikinig lang naman sila sa sinasabi ng dalaga.

"May isa kasing babaeng bigla na lang sumulpot doon sa bahay ng kakilala ko. Tapos inakit noong babae iyong kakilala ko. Itong babae kasi masyadong paimportante, kaya iyong kakilala ko, hindi na niya napapansin iyong isang babaeng tunay na nagmamahal sa kanya." Panimula ni Chellay habang si Cy ay nagkunwaring nauubo.

"The picture of your kwento is ka-xerox copy ng kwento ng isang kakilala ko? Iisa ba iyan?" Nakangising sabat ni Cy at sinamaan naman ni Chellay ito ng tingin. Nagkibit balikat lang naman si Igo at Jose. Si Shey naman ay hindi pinapansin ang sinasabi ni Chellay.

"Wag kang ano Cypher. Hindi pa ako tapos magkwento. Manahimik ka muna." Inis na sambit ni Chellay habang hindi pa rin mawala ang ngisi ni Cy.

"Itutuloy ko na, wag kang epal Cy." Anito at tumango lang si Cy.

"So ayon na nga. Tapos ito pa lang babae na biglang sumulpot at mayroong lihim. Akala ng lahat ay napakainosente nito pero nasa loob pala ang kulo. Kasi kaya napadpad sa poder noong kakilala ko, iyong babae kasi may tinakasan itong iba pang lalaki." Ani Chellay na siyang ikinatitig ni Shey dito.

Ramdam ni Igo ang paninigas ni Shey, kaya napatingin siya sa kasintahan.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Igo.

"Yes, may nanguya kasi akong mapait." Pagsisinungaling niya. Napatingin siyang muli kay Chellay na todo ngisi sa kanya.

"Sure ka? Ayos ka lang?"

"Oo naman. Ikaw talaga." Sagot ni Shey at pilit binabaliwala ang sinasabi ni Chellay.

"Sino ba iyang kakilala mo na iyan Chellay?" Tanong Cy.

"Hindi pwedeng sabihin. Pero anong maiipayo mo para doon sa kakilala ko?" Ani Chellay ng tingnan ito   ni Igo.

"Ano bang meron doon sa babaeng dumating sa buhay ng kakilala mo at doon sa kakilala mo?" Tanong ni Igo sabay subo ng pakain niya.

"Hindi ako sigurado, pero mukhang nahulog na ang kakilala ko doon sa babae. Pero itong babae may ibang lalaki pala." Sabay irap kay Shey, na si Shey lang ang nakapansin.

"Kung ganoon, ngayon pa lang dapat malaman na noong kakilala mo ang sitwasyon, bago pa siya tuluyang mahulog doon sa babae. Kasi sa huli siya din ang masasaktan." Sagot ni Igo kaya naman napatitig si Shey dito.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon