Chapter 6
Pagkarating nila ng bahay, ay mabilis na nagtungo si Igo sa kusina dala ang kanilang mga pinamili. Inilagay niya sa ref ang prutas at gulay, at sa freezer naman ang karne.
Matapos ang ginagawa ay nagtugo naman si Igo sa likod bahay. May mga tanim siya doong gulay. Tulad ng laing. Maganda na ulit ang dahon noon at pwede ng lutuin. Kaya naman kinuha na niya ang mga dahon nito. Pagkakita kasi niya sa mga dahon ay parang namiss niyang magluto ng ginataang laing. Nakabili pa siya ng tuyo sa palengke kanina. Kaya naman pinuti na niya ang dahon nitong inaakit siya.
May tanim din siya sa likod bahay na mga luya, at papaya. Mayroon din doong malunggay, talong at kamatis. Ang malaking puno na nakita ni Shey sa may gilid ng kwarto niya ay ang puno ng mangga. Napatingin pa siya sa sanga noon na humahampas sa may bubungan niya.
"Wala akong trabaho sa isang araw. Mapuputol ko na ang sanga mo para hindi maingay sa bubungan." Kausap pa ni Rodrigo sa sarili na nakatingin sa sanga ng mangga. Bago ipinagpatuloy ang pagkuha sa dahon ng laing at huhukay pa siya ng luya.
Si Shey naman pagkarating nila ay tumuloy na sa kwarto niya. Tapos nakita na lang niya na nakatulog na ang dalaga. Kaya hinayaan na lang niya muna itong magpahinga.
"Pwede na. Masarap talaga akong magluto." Papuri pa ni Igo sa sarili.
Ilang sandali pa at pinuntahan na niya si Shey sa kwarto niya para makakain na sila.
"Shey gising na, para makakain ka na. Bago ka ulit matulog." Gising niya sa dalaga na mumukat-mukat pa.
"Sige, susunod na ako." Nakangiting sagot ni Shey. Umalis na si Igo sa harap niya at sumunod na rin ito matapos maipusod ang mahabang buhok.
Pagdating sa hapag ay napatingin si Shey sa pagkaing nakahayin sa lamesa. Hindi niya maipaliwanag kung ano iyon. Pero kung ang pechay na sinasabi nito ay hindi niya nakain, mas lalong hindi niya makakain ang nakahayin na iyon. Ang kulay pa lang ay parang hindi tatanggapin ng sikmura niya.
Naupo na rin si Shey, pero nakatitig pa rin kay Igo na nagsasandok na ng kanin. Hindi man lang niya inabot ang lalagyan ng kanin kaya si Igo na ang naglagay ng kanin sa pinggan niya.
"Kain ka na. Namiss ko talaga ang ulam na ito. Kung hindi pa pala ako nakauwi ng maagap ay gugulang na ang mga dahon nito. Kain ka na, masarap yan." Nakangitin sambit pa ni Igo habang isinubo ang isang kutsara noong gulay na sinasabi nito.
"What was that?" Maarteng wika ni Shey, habang hindi inaalis ang tingin sa pagkaing mukhang sarap na sarap si Igo.
"Malamang pagkain. Kaya nga kinakain ko eh." Ani Igo, sabay subo ng laing at tuyo. Naiiling na lang si Igo dahil talagang nahahalata niya ang pagiging maarte nito sa pagkain, lalo na sa mga dahong gulay.
"It's so weird, like. Bakit parang damo? Kadiri kaya! Iyong pechay nga hindi na magandang tingnan. Mas lalo na iyan. It's gross." Nakangiwi pang sagot ni Shey, at diring-diri habang nakatingin kay Igo.
"Okay kung ayaw mong kumain magutom ka. Hay ang sarap kaya talagang kumain. Mas masarap pa ito sa pechay. At pinagbutihan ko ang pagluluto nito. Nagkayod pa ako ng niyog para fresh ang gata at hindi iyong nabibili sa tindahan na nakalagay sa sachet. Ikaw ang bahala. Kinupkop na nga kita. Ang dami mong reklamo. Bahala kang magutom." Nakangising wika ni Igo, habang natatawang nakatingin sa babaeng nakatingin pa rin sa kanya. Nailing na lang si Igo at ipinagpatuloy ang pagkain. Pero ng makitang hindi man lang ito kumikilos ay napabuntong hininga na lang siya.
Hindi man niya ito matiis pero sa lagay ng pamumuhay niya at sa pagkupkop dito ay dapat matuto talaga itong makisama sa kanya.
"Kailangan mo talagang matuto. Kung talagang wala kang maalala konsensya ko pa kung pababayaan kita. Kaya naman pilitin mong makasanayan ang pamumuhay ko dito." Paliwanag pa ni Igo.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...