Chapter 36
Biglang nabitawan ni Igo ang cellphone na hawak, ng sabihin ni Shey na ilang oras na lang ay ikakasal na ito. Mabuti na lang at mabilis ang kamay ni Cy at nasalo ang cellphone ni Igo. Dahil din sa pagkabigla ay napaupo si Igo sa sahig.
"Igo?" Malungkot na boses na pagtawag ni Shey. Pero hindi na magawang magsalita ni Igo.
"Shey si Cy ito. Kasama kami ngayon ni Igo. Sobra talagang nabigla si Igo sa sinabi mo. Una kami na ni Jose ang hihingi ng tawad sa inasal ni Igo bago ka umalis. Naikwento kasi niya sa amin ang ginawa niyang pagtataboy sayo. Pero talagang nasaktan lang ang kaibigan namin. Iyon nga lang sana ay mapatawad mo ang isang ito. Mahal na mahal ka lang ni Igo. Hindi pa ito nabaliw dahil lang sa isang babae. Sayo pa lang." Paliwanag ni Cy habang wala pa ring ampat ang pag-iyak ni Shey na naririnig nila mula sa kabilang linya.
"Mahal ko naman talaga si Igo. Mahal na mahal. Isa pa hindi ako galit, pero nagtatampo ako. Ang tagal kong hinihintay ang tawag niya. Pero bakit ngayon lang. Gusto kong tumakas muli pero hindi ko alam kung magagawa ko pa. Madaming bantay ang inutusan ni Daniel para hindi ako makatakas." Ani Shey ng marinig nila ang pagbukas ng pintuan.
"Anak, kailangan mo ng magpahinga, para sa kasal mo." Rinig nila ang boses ng isang matandang babae. Hindi naman sila nagsasalita. Kahit si Igo ay nakatulala lang na nakikinig.
"Tahan na. Wag ka ng umiyak. Humiling na lang tayo ng himala." Pagpapagaan pa ni Yaya Lourdes kay Shey.
"Ibinilin pala ng daddy mo na alisan ka ng cellphone, kaya kukunin na niya iyan mamaya. Narinig ko kasi ang pag-uusap nila ni Daniel." Ani Yaya Lourdes na lalong nagpataranta kay Shey.
"Shey!" Sigaw ni Cy.
"May kausap ka anak?" Narinig din ni Yaya Lourdes ang sigaw ni Cy.
"Yaya sina Igo po, at ang mga kaibigan niya." Wika ni Shey na mas lalong nagpaluha sa kanya.
"Mahal ko." Ani Igo at inagaw kay Cy ang cellphone.
"Kung ito ang last chance ko, para mapatunayan kong mahal kita, susubukan ko ang swerte ko. Gagawin ko ang lahat para mapigilan ang kasal mo. Hindi ako papayag na makikibalita na lang na kasal ka na. Luluwas akong Maynila. Hindi man ako sanay sa lugar. Pero para sayo, makikipagsapalaran ako." May diing wika ni Igo na kahit naiiyak si Shey ay napangiti narin.
"Aasahan ko yan mahal ko. Hihintayin kita." Kahit papaano ay naging masaya si Shey.
"Mahal na mahal kita mahal. Alien ko?" Biro pa ni Igo kahit papaano ay mas nagpagaan sa kalooban ni Shey.
"I love you too Igo."
Nagkausap pa sila ng mabilis. Napagkasunduan nilang hindi isama si Piping sa simbahan. Si Piping ang susundo kina Igo sa terminal.
Palabas ng bahay, sina Igo ng makasalubong nila si Chellay. Nakangiti pa ito sa kanila ng mga oras na iyon. Pero agad ding nawala ng makita ang hawak ni Igo.
"Aalis ka?" Tanong nito habang nakatingin sa maliit na backpack na dala ni Igo. Si Cy at Jose ay ipinagdala na rin ni Igo ng damit at mga personal na gamit. Sabi nga lalaki naman sila, kaya sapat na ang kanilang dala.
"Oo, magtutungo kami ng Maynila." Sagot ni Igo at nilampasan si Chellay.
"Igo! Bakit pa? Umalis na siya di ba? Ako ang nandito? Bakit hindi na lang ako?" Nagsusumamong tanong ni Chellay na nagpaharap kay Igo sa kanya. Isang ngiti ang binigay ni Igo kay Chellay bago nagsalita.
"Simple lang. Dahil mahal ko siya. At si Shey ay hindi ikaw." Sagot ni Igo na nagpatigil kay Chellay.
"Wala ba talaga tayong pag-asa?"
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...