Epilogue

298 7 3
                                    

Epilogue

Sa isang malayong probinsya, sa may parteng kabundukan, nakatira ang pamilya ni Rodrigo. Isang payak na pamumuhay lang ang meron sila. Sabi nga pag may bigas sa lagayan, pakiramdam niya ay maayos na ang pamumuhay nila.

Saging at kamoteng kahoy lang ang malimit nilang pagkain. Pagnakakahabi ng abaka ang kanyang ama, doon lang ito nakakatungo sa bayan, para ibili ng bigas, tuyo, at sardinas ang mapapagbilhan sa abaka.

Simple lang iyon sa iba, at parang walang kwenta. Pero para sa katulad ni Rodrigo na bata pa lang alam na kung gaano kahirap ang buhay. Ang bagay at mga pagkain na iyon ay kayamanan na.

"Aalis kayo inay, itay?" Tanong ni Rodrigo ng mapansin na naghahanda ng gamit ang kanyang inay, at inaayos ng kanyang itay ang mga abaka.

"Oo anak, gusto mo ba ng masarap na pagkain. Ibebenta namin ng iyong itay ang mga abaka sa bayan. Kaya bibili kami ng bigas at sardinas. Gusto mo ba iyon anak?" Magiliw na tanong pa ng kanyang ina.

"Opo inay, salamat po." Sagot lang niya sa inay niya at lumapit din ang kanyang ama sa kanila.

"Mag-iingat ka dito anak ha. Mahal na mahal ka namin ng iyong inay. Isa pa ang mga payo namin ay wag mong kalilimutan ha." Wika ng kanyang ama na siya ang nagtuloy ng sasabihin pa nito.

"Maging mabuting tao na may takot sa Poong Maykapal. Maging kontento kung ano ang mayroon, at wag himiling ng wala. Pagnagkaroon ka, ay wag makakalimot na magpasalamat sa Diyos. Lahat ng biyaya hilingin mo man o hindi ay ibibigay sayo kung iyon ay ang kaloob Niya. Higit sa lahat palaging maging mapagpakumbaba. Hindi lahat ng panahon ay mahirap ang buhay. Magsikap ka at gumawa ng mabuti lahat ng nais mo ay matutupad." Dagdag niya sa sasabihin ng kanyang ama kaya naman natuwa ito sa kanya.

"Maging mabuting tao ka anak. Iyon lamang ang maiipagmalaki mo sa mga taong makakasalamuha mo. Higit sa lahat magsikap ka. Lahat ng mararating mo, basta mula sa pinaghirapan mo ay maiipagmalaki ko sa kahit na kanino." Sabi pa ng kanyang ama.

"Salamat po inay, itay. Masaya po akong kayo po ang mga magulang ko. Mahirap man tayo, kayo po ang kayamanan ko." Ani Rodrigo at niyakap pa ang mga magulang.

Noong umagang iyon ay umalis na rin ang mga magulang niya. Habang nakatingin sa labas ng bahay at hinihintay ang mga magulang na dapat uuwi ng gabing iyon ay siya namang pagdaan ng malakas na bagyo. Walang radyo na pwede silang makarinig ng balita kaya wala silang alam na may bagyo noon.

Kinaumagahan na lang na medyo maayos na ang panahon habang nasa bahay lang si Rodrigo at hinihintay ang pagdating ng kanyang inay at itay na magkasamang nagtungo sa bayan para magbiyahe ng nahabing abaka, ay isang masamang balita ang kanyang natanggap. Nasawi sa aksidente sa ilog ang kanyang inay at itay. Ang biglaang pagtaas ng tubig sa ilog at ang pagtaob ng bangkang sinasakyan ng mga ito ang dahilan ng biglaang pagkamatay ng mga ito. Kasama ang ilan pang sakay ng bangka.

Hindi naman tumagal ang burol sa mga magulang niya. Kaya naman noong araw ding iyon, inihatid niya sa huling hantungan ang mga magulang. Sa tulong ng ilang opisyal ng gobyerno na nag-abot ng pinansyal na tulong at tulong pagpapalibing sa mga magulang niya.

Nagsikap si Rodrigo kahit mahirap ang buhay, kahit wala na sa tabi niya ang mga magulang ay pinilit niyang makatungtong ng elementarya. Hanggang sa makatapos siya. Mahirap lang ang buhay sa probinsyang kinalakihan niya. Kaya naman ng kaya na niyang umalis ng lugar ay umalis siya doon. Mas walang buhay sa kanyang kinalakihang lugar.

Hanggang sa nakarating siya ng San Lazaro. Masipag si Rodrigo, baliwala ang kahit na anong mabibigat na trabaho. Para sa kanya, ang pagkakaroon ng trabaho ay yaman. Basta magsumikap ka lang.

Sa maliit niyang katawan ay pinasok na rin niya ang paggiging kargador. Kargador siya sa umaga at nag-aaral ng high school sa gabi. Doon din niya nakilala ang mga bagong kaibigan na sina Cypher at Joselito. Nabuo ang samahan nila ng hindi nila inaasahan, lalo na at napakatahimik ni Joselito. Pero sabi nga ang tunay na kaibigan ay basta na lang ibibigay sayo. Kaya siguro nabuo ang pagmamahal nila sa isa't-isa bilang magkakaibigan ng hindi inaasahan.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon