Chapter 14

217 5 2
                                    

Chapter 14

Napamulat bigla ng mata si Igo ng maramdamang may kamay na nakapatong sa may tiyan niya malapit sa may pusod. Halos mapaiktad pa siya ng gumalaw iyon. Pigil hiningang hinawakan ni Igo ang kamay ng malikot niyang katabi.

Halos alas tres na ng madaling araw ng dalawin siya ng antok. Pero ngayon ay alas kwatro pa lang ng madaling araw, ay nagising na siya sa kalikutan ng ni Shey.

Hindi naman ganito matulog si Shey pagnakikita niyang natutulog itong mag-isa. Kung ano ang pwesto nito pagbinibisita niya bago siya matulog, ay halos ganoon pa rin pagpapasok siya ng kwarto niya para kumuha ng damit pagmaliligo na siya.

Kanina ay nakaunan ito sa kamay niya ng matulog. Ngayon ay sa may braso na niya ito nakaunan at kapit tukong nakayakap sa kanya. Kung hindi lang niya nahagip ang kamay nitong naglalakabay kung saan. Baka nga kung saan na nga iyon nakarating.

"Ano po ba itong pinasok ko? Lumaki man po akong mag-isa at namuhay ng mag-isa pero naging mabuti naman ako. Bakit kung kailan nasa tamang pag-iisip ako. Parang sinusubukan ng alien na ito ang pasensya ko?" Piping reklamo ni Igo ng akmang ilalayo na ang kamay ni Shey sa tiyan niya ng bigla nitong higitin ang kamay at umayos pa ng pagkakayakap sa kanya.

"Pambihira." Nasambit na lang niya at naghintay pa siya ng ilang minuto. Nang masigurong tulog na tulog pa talaga ito, ay mabilis na siyang bumangon.

Inayos na lang ni Igo pagkakahiga ni Shey at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Nagtuloy na lang muna siya sa banyo para maligo.

"Masarap talagang maligo sa madaling araw." Puna pa niya pagkabuhos ng isang tabo ng malamig na tubig.

Matapos maligo ay, bumili na rin siya ng pandesal sa tindahan, pati na rin ng kape. Habang nagkakape ay sinimulan na niyang magluto.

Nagsalang muna siya ng kanin. Bago sinimulang gayatin ng maliliit ang sitaw na nabili pa niya noong nakaraang araw. Kahit hindi na ganoong kasariwa, ay masarap pa din iyon sa lutong gagawin niya.

Iginisa niya iyon. Nang maluto na ay inihanda na niya ang itlog. Tapos ay inilagay ang niluto niyang sitaw.

Madilim pa ng magising si Shey. Napansin niyang wala na siyang katabi. Kaya naman nagmadali siyang bumangon. Una niyang hinanap si Igo. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan niya ng makita si Igo na nasa kusina at nagluluto. Mabilis niya itong tinakbo at niyakap.

Natigilan naman si Igo ng maramdaman ang pagyakap ni Shey at ang pagsubsob nito sa kanyang likod.

"Akala ko, iniwan mo na ako. Natatakot talaga akong mag-isa." Pag-amin niya.

"Saan naman ako pupunta ay bahay ko ito? Baka nga isang araw, ikaw na lang ang biglang mawala. Dahil hindi ka naman talaga dito nakatira, maalala mo na hindi naman pala talaga ganito ang buhay na nakasanayan mo." Wika ni Igo na hindi malaman ni Shey kung tama ba ang nararamdaman niyang iyon sa tono ng pananalita ni Igo.

Pakiramdam niya ay malulungkot ito ng sobra, kung sakaling umalis na siya sa poder nito. Sa totoo ganoon din naman siya. Hindi niya akalaing magiging masaya siya na tumira sa maliit na bahay. Makisalamuha sa ibang tao. Makipagkaibigan sa mga kargador sa palengke. Higit sa lahat kumain ng mga pagkaing noon lang niya nakita. Lalo na ang mga green leafy vegetables na ipinapatikim sa kanya ni Igo.

"Hindi naman ako basta-basta aalis. Pagtiwalaan mo ako. Salamat ulit sa pagkupkop mo sa akin dito." Nakangiting wika ni Shey na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap kay Igo.

"Oo na lang. Ay s'ya bitaw na. Luto na rin ang kanin. May binili akong pandesal. Tapos na rin akong magluto ng ulam natin. Kain na tayo." Ani Igo kaya bumitaw na si Shey sa pagkakayakap dito.

Poorman Series: Rodrigo Cardenal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon