Chapter 16
Masama ang tingin na ipinukol ni Igo sa lalaking ngayon ay nakangisi sa kanya. Si Shey naman ay buhat pa rin niya ngayon at nakasubsob sa pagitan ng balikat at leeg niya. Para itong batang ayaw bumitaw sa tatay niya sa paraan ng pagyakap nito sa kanya. Pati ang pagpulupot ng mga hita nito sa baywang niya.
Dagli namang nawala ang init na nararamdaman ni Igo kanina. Pero nadoon pa rin ang kakaibang pakiramdam habang buhat niya ang dalaga.
Mabilis namang umalis ang lalaking kaharap. Pero bumalik din ito kaagad dala ang malaking tuwalya. Iniabot nito iyon kay Igo bara maibalot sa halos hubad ng katawan ni Shey.
"Baba ka na." Ani Igo sa mababang tinig.
"Ayaw ko! There's a small creature and it's wiggling. I hate it."
"Sabi ko naman sayo wag ka ng tumulong. Ang kulit mo kasi. Isa pa sa liit noon. Bulate lang iyon, earthworm, kaya wag ka ng matakot."
"But it scares me to death. Same reaction with the cockroach, and the mouse. I don't like them." Ani Shey, pero ayaw pa ring bumitaw kay Igo.
"Ay anong magagawa ko? Hindi maiwasan, na hindi magkaroon ng ganoon dito. Lalo na at nasa linang itong bahay ko. Pero minsan nga mas madami pa sa bayan. Kaya kung papipiliin ako ng bahay. Dito pa rin ako sa linang." Sagot ni Igo.
"Hindi naman ako nagrereklamo. And I'm so thankful na tinanggap mo ako, at kinupkop. Sorry kong matatakutin ako."
"Okay lang naman, pero nag-eenjoy ka ba sa pwesto mo?" Hindi mapigilang tanong ni Igo. Magaan lang naman si Shey, iyon nga lang ay siya na ang naiilang sa pwesto nila. Bigla namang tumango si Shey kaya naman napaawang ang labi niya.
"Aba at talag---." Hindi natapos ni Igo ang sasabihin ng maagaw naman ng isang tikhim ang atensyon niya.
"Ginagawa mo pa dito Cy? Akala ko ba may trabaho kayong dalawa ni Jose?" Tanong ni Igo.
"Wala daw trabaho, konte lang daw kasi ang dating ng supply na gulay sa palengke, ay ang iba na lang muna ang pinapasok. Rest day na daw muna tayong tatlo ng ilang araw." Paliwanag ni Cy.
"Eh bakit nandito ka?"
"Anong bakit nandito ako? Tanungin mo iyong si Jose, at siya pa ang nag-aya na magtungo kami dito. Dito na nga daw kami makikape."
"Talaga lang ha. Paano naman nakapagsalita ang isang iyon?"
"Malamang may bibig." Iiling-iling na sagot ni Cy kaya napalatak na lang si Igo. Naglakad na rin si Cy patungo sa harapan ng bahay.
"Okay ka lang?" Tanong ni Igo na tango lang ang sagot ni Shey.
Ramdam niya ang pawis na dumadaloy sa kanyang katawan. Hindi niya malaman kung galing kay Shey iyon, or mismong sa kanya.
Pagdating niya, sa harap ng bahay ay nandoon sa balkonahe si Jose at nakaupo sa isang silya. Sa may pasamano naman nakaupo si Cy. Habang parehong nakahawak sa laylayan ng damit ni Chellay na kitang-kita ang inis sa mga mata.
"Bakit buhat-buhat mo ang babaeng iyan Igo! Hindi na ba s'ya nahiya!" Na wika ni Chellay ng makawala sa pagkakahawak ng dalawa at sinugod si Shey. Nalaglag ang towel na nakabalot dito. Napasinghap naman si Chellay ng makitang wala ding damit pang-itaas si Igo, habang dalawang maliit na saplot lang ang suot ni Shey.
"Anong ginawa ninyo sa likod bahay!? Malandi kang babae ka! Inaakit mo talaga si Igo. Inuubos mo ang pasensya ko!" Inis na wika ni Chellay ng akmang sasabunutan si Shey ng italikod ito ni Igo.
"Chellay ano ba!?" May diing wika ni Igo na ikinatigil ni Chellay. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang meron sa atin? Wala naman di ba? Sinabi ko na rin sayo noon pa na wala kang aasahan sa akin." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Rodrigo Cardenal
RomanceBlurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang...